CHAPTER 10

21K 320 10
                                    


Chapter 10

Jeff's POV

Gabi na pero bakit wala pa din si HonKo? Nauna pa akong dumating sa bahay kaysa sa kanya. Eh ang tagal namin sa bar kanina ah. Medyo sumasakit na nga din ang ulo ko at umiikot na ang paningin ko dahil napadami din ang nainom ko.

Si Shane naman nagpaalam pupuntahan lang daw niya 'yung bestfriend niya.

Kanina ko pa tinatawagan si HonKo pero hindi siya sumasagot. San ba siya nagpunta? At bakit ba ganito ako nag-aalala sa kanya ngayon?

Dapat maging masaya ako kasi anim na buwan nalang kami magsasama at makukuha ko na ang mana ko at magiging Boss na din ako sa kompanya ni Grandma. Sabi ni Grandma, pag nag-merge na daw ang company namin at isang company sa Australia ay baka ipapakilala na niya ako sa kompanya bilang papalit sa pwesto niya.

Pinapapunta ni Grandma ang pinaka-pinagkakatiwalaan niyang empleyado sa Australia para matignan ang company nila doon at kung okay ba ito. Hindi ako ang pinapunta ni Grandma kasi baka hindi ko pa daw kaya marami pa daw akong hindi alam tungkol kompanya. Kaya dito lang muna daw ako sa konpanya namin para maging pamilyar ako dito.

Si Shane? Parang naglalaho na ang pagmamahal ko sa kanya at parang may bago nang hinahanap ang puso ko?

Ding
Dong
Ding
Dong

Dali-dali akong naglakad papunta sa may pintuan para buksan ito. "Bakit ngayon ka lang?" pambungad kong tanong sa kanya.

"Wala man lang good evening jan HonKo?" papikit-pikit niyang saad. Lasing siya? Buti nakauwi pa siya?

"Lasing ka ba?" tanong ko kahit alam ko at halata naman dahil sa kilos niya at amoy niya.

"Konti lang naman HonKo eh." sabi lang niya tsaka humakbang papasok pero biglang natumba at napayakap sa'kin

Dug
Dug
Dug
Dug

Bakit nagkakaganyan ang puso ko? Napatingin lang ako sa kanya nang maramdaman kong medyo basa ang damit ko kaya naman napatingin ako sa mukha niya. Sabi na eh, umiiyak na naman siya.

"Ang sakit pa din, sabi ko kakayanin ko ang mga sagot niya pero hindi ko pala kaya." sabi ko na eh, tama ang kutob ko na nagkita sila ng Ex niya.

Hindi lang ako nagsalita..

After a minute...

Sinilip ko yung mukha nyang nasa dibdib ko at tama nga ako.. Tulog na siya habang lumuluha pa din. Binuhat ko nalang siya papunta sa kwarto ko..


Syempre baka mamaya dumating si Shane..

Nang naibaba ko na siya sa kama ay inalis ko yung doll shoes niya at inayos yung pagkahiga niya at nagulat nalang ako nang nagsalita siya.

"I love you." saad niya tsaka ako hinila papalapit sa kanya at lumaki lalo ang mga mata ko nang hawakan niya ang mukha ko tsaka hinalikan sa labi. Maya-maya pa ay bumitaw na siya tsaka pumikit na.

'I love you'? ako ba ang sinabihan niya nun?

Dug*dug*dug*dug

Bakit ganito na naman 'tong puso ko? Ngayon naman ay hinila niya ako sa kanya tsaka niyakap.

Pagkaran ng mga ilang segundo, bigla-bigla siyang umupo tsaka inalis ang jacket niya kaya naka-sando nalang siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun pero kumunot ang noo niya ng tumingin sa'kin tsaka ako binigyan ng halik sa labi na ikinagulat ko. Palalim nang palalim hanggang sa pumaibabaw siya sa'kin habang naghahalikan pa din kami.

D*mn it! What is she doing right now? Damn!

"Alam mo bang first time ko 'tong ginagawa ko?" sabi niya

"Oh! I'm glad that I'm your first." sagot ko nalang. Nakaganong posisyon pa rin kami pero nakayakap nalang siya ngayon habang nasa taas ko.

Tapos na siya? Nakakabitin naman. Kaya ako naman ang humalik sa kanya at nagrespond naman agad siya.

"I love you Mikael kahit iniwan mo ako." sabi niya at niyakap nalang ako.

Mikael? Yun ba yung ex niya? Nawala na lahat ang mainit na nararamdaman ko at napalitan ng malamig na para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bakit ang sakit? Hindi pala ako yung pinagsabihan niya kanina. At ang akala niya ako si Mikael para gawin niya 'yung kanina? Ang sakit pala..

At bakit ako nasasaktan ng ganito? Mahal ko na ba siya?

Hindi, hindi pwede..

Hindi ako makatulog dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko ngayon, ang dami kong tanong na hindi ko masagot ng maayos at ako lang ang makakasagot nun. Napatitig lang ako sa kanya habang nakapikit, inayos ko ang pagkakahiga niya tsaka kinumutan.

Clarisse's POV

Ugh ang sakit ng ulo ko at bakit ang bango naman ata ng yakap yakap ko? Pero bakit matigas? Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at.. medyo blurred ang paningin ko pero mukha ang nakikita ko. Pinikit ko ulit ang mga mata ko ng mga ilang segundo bago minulat ulit at si Jeff ang nakita ko kaya napabangon ako agad..

"Ugh!" napahawak lang ako sa ulo ko sa sobrang sakit.

"Sino ba kasi nagsabing uminom ka?" rinig kong malamig na saad ni Jeff tsaka tumayo na sa pagkahiga.

Dire-diretso siyang lumabas ng kwarto nang hindi man lang ako tinitignan. Problema nun? Hindi man lang ako papagalitan? Tsaka bakit kami magsama dito? Gosh, wala akong maalala, anong ginawa ko kagabi?

Kaya kahit hirap akong tumayo dahil nahihilo pa din ako ay kinaya ko pa din para makaligo, pampawala ng hang-over. Paglabas ko ng banyo..

"Oh inumin mo muna 'yan, pampaalis ng sakit sa ulo." sabi niya sabay abot ng cup na may lamang mainit na ewan.

"Salamat." sabi ko nalang "Pano pala ako nakarating dito kahapon?" tanong ko saka humigop sa binigay niya. Ano ba 'yan, wala man lang lasa.

"Hindi mo alam ang mga pinaggagawa mo kagabi?" tanong niya. Gosh, lumaki ang mga mata ko sa tanong niya. Anong pinaggagawa ko?

"Anong pinaggagawa ko?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi mo talaga maalala?" tanong niya ulit at umiling-iling lang ako. Tinitigan muna niya ang ng mga ilang segundo tsaka nagsalita "Pinabuhat mo lang naman ang sarili mo sa'kin hanggang dito sa kwarto at dinaganan sa pagtulog. Ang sakit nga ng buong katawan ko eh. Hindi ata ako papasok ngayon." saad niya. Gosh, nakakahiya! Napahigop lang ako sa hawak kong tasa.

"Sorry." mahina kong saad.

"That's alright, pero may punishment ka mamaya. Hilutin mo ang likod ko." saad niya at tumango lang naman ako. Tsaka humigop ulit. Nang biglang sumakit ang ulo ko..

"Aaaaahh!" Bat ang sakit at tsaka bakit parang may nagfa-flash, pero bakit blurred?

"Ayos ka lang?" napatakbo naman si Jeff papunta sa akin.

"Ayos lang naman." sagot ko at napatingin sa labi niya. My Gosh! Bakit ganito ang pakiramdam ko, anong pinag gagawa ko kagabi? Napaiwas tuloy ako sa kanya.

"Are you sure, you're okay?" tanong ulit niya

"Oo, sorry kagabi kung ano mang nagawa ko." saad ko ulit

"Kalimutan mo na siya. Tutulungan kita para kalimutan siya." bigla niyang saad at niyakap ako na ikinagulat ko.

----

soshi_MYE

Contract with my Pervert Fake Husband ✩COMPLETED✩Where stories live. Discover now