CHAPTER 19: DON'T CALL ME BABE!

34.8K 600 73
                                    

~~~~>   CAMPUS COUPLE ~ ♡

CHAPTER 19: PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN?/ DON'T CALL ME BABE!

SUZY's POV:

"Are you okay?"

Yan yung lagi nilang titanong sa akin simula nung nangyari kahapon. Obviously, hindi. Ang sakit-sakit parin talagang isipin na hindi naniniwala sa akin si babe. Kahapon nga, feeling ko balde-balde na yung naluha ko. At alam niyo ba kung anong oras na ako nakatulog kagabi? Alas tres lang naman. 

Sinubukan kong kausapin sya kahapon, kaya lang ang sabi sa akin nila Kibum eh, umalis daw. Hindi naman nila alam kung nasaan. Tinry ko rin na tawagan sya, kaso cannot be reached ee. Kaya ayun, andame paring gumugulo sa isipan ko. 

Inis na inis ako kay Haeri, hindi pala. GALIT NA GALIT! Bakit nya nagawa sa akin ito? Napaka-evil minded talaga nya. Sana lang makarma sya. Okay, nagiging masama na ako! I can't help it.. mabait naman ako eh, pero kapag lumampas na sa limit.. ewan ko na lang!

A.P. time namin ngayon. Kung dati ay nakikinig ako, ngayon walang pumapasok sa utak ko. Panay ang tingin ko sa kaliwa ko. Wala, bakante! Dun kasi nakaupo si Kiseop tuwing A.P. namin. Biglang umihip ang hangin.. dahil malapit ako sa bintana.. lumilipadlipad pa yung buhok ko. 

Yura: Psst, Suzy!

Napalingon naman ako kay Yura, tapos tinuro niya si Sir. 

Sir: Hindi ka nakikinig Suzy. Makinig muna.

Tinanong pala ako ni Sir, kahiya lang! Nagprisinta naman itong si Jihae na sya na raw ang sasagot sa tanong ni Sir. Salamat talaga Jihae. 

Suzy kasi! Makinig ka muna sa teacher mo.. ARRGHH! Wala pa rin eh. Asan ka na ba babe? We need to talk.

Kaya naman nung biglang nag-chime for reccess, isa ako sa mga pinakamabilis na lumabas. Kailangan kong hanapin si babe. 

Nung nasa door na ako.. tinawag pa ako nila Jihae. Sinabihan ko na lang sila na mauna na sila sa canteen.

Nilagay ko muna sa locker yung A.P. book ko atsaka ilang mga gamit. Isa lang ang sinasabi ng utak ko na puntahan.. ang rooftop. 

Dahil medyo may kalayuan ang rooftop, eh binilisan ko talaga ang takbo ko. Bigla ko tuloy natandaan yung isang incident na tumatakbo ako ng pagkabilis-bilis kasi malapit na kaming malate ni babe sa isang sched namin.. bigla ba naman akong pinagalitan. kesyo alam ko naman na may asthma ako at bawal ako mapagod.

Naiiyak na naman ako.. namimiss ko na kasi sya. Yeah i know, oa na ako.. one day ko lang naman syang di nakikita diba? Pero, ewan ko.. nasanay kasi ako na paglabas ko ng dorm gate eh nakaabang nasa akin si Kiseop. 

Sa wakas at nakarating narin ako sa rooftop.  Hingal na hingal pa nga ako eh. Mga 3 minutes siguro akong humihingal. Ikaw ba naman ang tumakbo ng pagkabilis-bilis.

Campus Couple ~ ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon