Perfect 26: Thank you, sagad.

51.6K 1.5K 125
                                    

Sa totoo lang, nanibago ako kay Garreth parang may care na si'ya sa akin ngayon. Bakit? Dahil ba sa binasura ako ni Hunter? Sabagay, tama si'ya hindi pa nga talaga naguumpisa 'yung laban before pero alam namin pareho na may panalo na kahit hindi ko aminin.

Pagkaayat namin naaubutan pa namin si Josa na nililigpit ang mga bagay na pinaghahagis nito kanina. Napahinto ito at napatingin sa amin ang namamagang mata nito.

Tumawa si Josa ng mapakla. "Lolokohin ka lang niya." Sabi nito. "Mapagpanggap si Garreth, na akala mo mabait si'ya. Katulad lang din si'ya ng ibang lalaki na sa una lang magaling, na sa una lang may effort pero habang tumatagal mawawalan si'ya ng gana sayo--"

"Ilan beses ko ba uulit ulitin sa'yo na magkaiba kayong dalawa, Josa?" naiinis na sabat dito ni Garreth habang hawak padin ang kamay ko.

"Iisa lang ang mga babae para sa'yo, Garreth. Basta may butas pinapasok mo."

"Tumahimik ka na lang, Josa. Kahit anong sabihin mo hindi na tayo magkakabalikan. Si Ashley na ang gusto ko ngayon." Tumingin sa'kin si Garreth at pinisil ang kamay ko.

Unti unti nanaman tuluyan nabuhayan ang taga tayo ng banner ko. Hinukay nanaman nila 'yung feelings na kanina lang tinabunan nila at inilibing.

"H'wag na kayo magtalo sa harap ko. H'wag niyo na ako idamay sa napakatragic na nakaraan niyo." sabat ko, at bumitaw sa hawak ni Garreth at dumeretso papasok sa kwarto.

Humiga agad ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ibunuhos ko na ulit 'yung nararamdaman ko. Habang umiiyak naisip ko paano kung pumasok si Hunter nasa iisa pa naman kaming kwarto. Ang awkward nanaman ng mangyayari. Kaya ngayon, inabot na ata ako ng halos madaling araw pero wala padin Hunter pumapasok sa kwarto.

Hindi din ako makatulog kakaisip. Kaya naisipan ko lumabas, nagulat naman ako ng biglang bumukas din 'yung pintuan sa kwarto ni Garreth. Natigilan kami pareho.

"Bakit gising ka pa?" tanong nito at nahinto ang tingin sa mata ko.

"Ah," ayun lang ang sagot at dumeretso na sa kusina.

Sumunod naman ako.

Kumuha si Garreth tubig sa ref at sinalin sa baso. Habang iniinom niya iyon hindi ko maiwasan mapatingin. Ang sexy niya kasi tingnan, lalo na ngayon nakasando lang si'ya at nakikita ko ang biceps niya habang hawak 'yung maswerteng baso.

"Inom ka?" tanong nito.

Tumango ako at napaupo habang nakatingin padin sa kanya.

"Kung hindi lang kita nililigawan kanina ka pa nasa kwarto ko." sabi nito at inabot 'yung baso.

Hindi ko alam kung kukunin ko 'yun o hindi. Please lang, h'wag niyo ko husgahan at sabihan na malandi. Wala naman masama madistract kay Garreth sa ganitong oras 'di ba? Na kaming dalawa lang. Na palapit na si'ya ng palapit sa'kin at ako naman napapalunok sa ginawa niya.

"Ano ba," suway ko, pero deep inside may nag uudyok na gusto ko.

Pwede naman si'ya maging rebound ko 'di ba? Ang sama ko ba? Uso naman 'yun e. Saka hindi ko pa naman sinasagot si Hunter. Wala pa ako napipili sa kanilang dalawa. Baka ito na 'yung time na bigyan ko si Garreth ng chance na patunayan ang sarili niya. Siguro nga, nagbago na si'ya. Siguro nga may nararamdaman si'ya sa'kin.

Lumayo naman ito at umupo sa upuan malapit sa'kin.

"Kaming mga lalaki pag hinahabol kami ng babae mas lalo kami nawawalan ng gana sa kanila." Nagulat ako sa sinabi nito.

"Why are you saying that to me?"

"Para hindi ka na maging tanga."

"Tanga? Excuse me, hindi ako tanga."

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now