: 23

9 2 6
                                    

— —
Jiel's P.O.V

Patuloy lang ako sa pag kaway kaway sa CCTV camera dahil gusto ko nang makalabas dito. Kakainis kasi tong kasama ko nandoon lang sa gitna ng court . Nakahiga pa. At sinong nag sabi sa kaniya na pwede siyang humiga dito?.

"Hoy babae!". sigaw ko pero nanatili lang siyang nakahiga. Ewan ko natutulog na ata.

Hay nakong babaeng to, at anong trip niya at naisipang matulog ngayon?.

"Hoy babae! tumayo ka diyan at saka tulungan mo akong makahanap ng daan para makalabas na tayong dalawa dito!"  sigaw ko pero nanatili parin siyang tahimik kaya naman naiinis nako sa kaniya.

Di ko lang kasi gusto na hihiga siya dito sa loob buong mag damag at saka baka mag seselos si yana pag nalaman niya to.

"Ikaw lang, tinatamad ako" aba ang kapal nang mukha niya.

Kakainis lang naman, ako lang yung nag hahanap ng paraan para makalabas tapos siya pa chill chill lang? di pwede sakin yan!.

"Ang kapal, ipa expell kaya kita?!". inis na sabi ko sa kaniya.

Kung nandito lang siya sa tabi ko ay baka kinatungan ko na siya kaso malayo siya sakin, ang ganda ng life niya. Pahiga higa lang na para bang walang pinoproblema kahit bukas pa kami mabuksan dito.

Dahil sa sinabing kong ipa expell siya ay nakita ko siyang tumayo saka padabog na tumayo at nag cross arms na humarap sakin.

"Mag isip ka naman, jiel"  aba!   "Sa palagay mo makakalabas tayo dito without kuryente?. Kahit mamamaga pa yang palad mo kakahampas sa pintuan diyan ay hindi parin tayo makakalabas"   sagot nito, napaisip ako

Yeah she's right, but i cant accept the fact that i am staying here, with her.

"weh, aminin mo na kasing gusto mo akong makasama dito!" pang aasar ko.

"Pag sinabi kong oo?"  ngumisi siya  "baka mamatay sa selos yang si triana mo"

Di ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Selos mo mukha mo, plinano mo siguro to no?"  akusa ko sa kaniya.  "Aminin mo na kasing may gusto ka sakin."

Ngumisi pa ako para mas lalo siyang maasar pero mukhang hindi tumalab sa kaniya. Ano ba naman ang aasahan mo?.

Pag inasar mo yan ay ikaw pa ang maaasar sa kaniya. Dahil kung hindi ganti na tanong ang ipupukol niya sayo, ay pambabara naman ang isa sagot niya sayo. Oh diba?.

"What if i do?, baka tuluyan nang mamatay yang si triana mo"   sabi pa nito "Pero kahit mamatay yang si triana mo, wag mo aasahang mag kakagusto ako sayo. Di yan mang yayare" 

"Ha! asa kading mag kakagusto ako sayo!. Para lang malaman mo, maraming babae ang nakaluhod sakin". 

Tumawa siya "O nga, maraming babae ang nag kakagusto sayo. Pero bat doon kapa sa babaeng tataraidor sayo?" 

Di ako nakasagot dahil di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"What if the person you love is a traitor?. How do you think it feels , Jiel Cairo Montillano?"  nakangisi niyang sabi.

— —

Nakatingin lang ako sa wrist clock ko habang nag hinintay kung kelan kami makakalabas ng babaeng yan dito. Kakabwisit lang naman, kasi sa dinami dami nang babaeng pwedeng nakakasama, ko bat siya pa?.

tadhana nga naman!.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi parin nag kakaroon nang kuryente.

Kakaasar naman oh.

LuxTillano University #1 Fight For YouWhere stories live. Discover now