210 - KN - Parting Time

486 6 1
                                    

Alam naman daw ni Kathryn na hindi habang buhay ay magkasama sila ni DJ bilang loveteam. Dahil alam niya ring kailangan niyang tumayo para sa sariling acting career niya. Sabi pa niya, dadating din ang time na kailangan na nilang mahiwalay bilang loveteam at mai-pair sa ibang artista. Wala daw siyang magagawa doon dahil ganun daw sa showbiz, kailangan niya lang daw tanggapin. Dagdag pa niya, iniisip niya palang na maghihiwalay sila ni DJ ay sobrang nalulungkot na siya dahil sobrang close na daw kasi sila ni DJ at madami na ang napagsamahan at marami naring nagawang memories ng magkasama. Pero kung sakali naman daw mangyari yun, sinisigurado naman daw niya sa mga fans ng KathNiel na walang magbabago sa pagitan ni Kath at DJ. Tinanong din siya kung sino ang gusto niyang maging leading man aside from DJ, ang sabi niya, hindi naman daw siya mapili at tatanggapin niya kahit sinong maka-loveteam niya. Sabi pa niya, gusto daw niyang makasama sa trabaho si John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Vilma Santos, at Ronaldo Valdez balang araw.

500 KathNiel Facts (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon