58

4.6K 131 10
                                    

Chapter 58

Naging abala kami sa photoshoot at pati na rin sa Save The Date video shoot. Akala ko hindi ko maeenjoy yung ganito. Nagkamali pala ako. Masaya pala talaga. Naeexcite na rin kasi ako sa kasal. Ang nakakatuwa pa, mababait sila Hero at parang isang barkada lang kami habang nagvvideo. May mga part pa ng video shoot na nakakatawa. Kagaya kanina. Nakapwesto kami sa tunnel na papasok ng Subic. Nakatayo kami ni Elmo sa gitna at nakasakay sa balikat niya si Nicholas. Kasalukuyan kaming nagsshoot nang biglang may mga sasakyang bumusina sa likod namin! Nagmadali tuloy kaming tumakbo para makatabi sa gilid at makadaan sila. May eksena pang kinuhaan na nasa may isolated part kami ng beach at pinaggitara ako nila Hero. Gusto nilang isama yung pagiging bokalista ko sa kwento. Pero ang pinakagusto kong parte ng shoot ay yung mga moment na kasama namin si Nicholas. Halos lahat candid shots dahil sa kakulitan niya pero sobrang masaya. Sobrang ramdam ko talaga yung pagiging isang pamilya namin.

"Thank you for this, Hero." ani Elmo saka na nakipagkamayan kay Hero.

"Thank you din Sir Elmo. Email na lang po namin yung video sa inyo once we finished editing."

"Yeah sige. Hihintayin namin yan." aniya.

"Ma'am, thank you po ha? Naenjoy namin yung jamming natin kanina."

"Nako. Thank you din, Hero ha? Nag-enjoy din ako."

"Sige po, ma'am. Alis na kami. See you po uli sa kasal." paalam niya saka na bumeso sa akin.

Nagpasalamat na rin kami ni Elmo sa iba pang kasamang photographers, videographers at mga stylists at make-up artists.

"Baby, inaantok na si Nicholas." ani Elmo habang karga na si Nicholas na nakahiga na ang ulo sa balikat niya at humihikab na.

"Yeah. Napagod yan kakalaro kasama sina Dino eh. Tara na sa condo?"

"Yeah." tango niya.

Umalis na kami sa beach club at nagpunta na sa condo. Di pa man kami nakakarating dun ay tulog na si Nicholas sa kandungan ko. Diniretso ko na siya sa kwarto niya at hinayaan na lang muna matulog. Nakahanap nanaman kasi ng mga kalaro kanina. Yung dalawang photographers kasi na sina Dino at Benj ay nawili siyang kuhaan ng pictures. Nilalaro pa nila kaya sobrang nawili tong si Nicholas.

"He must be so tired." narinig kong sabi ni Elmo. Nilingon ko siya at nakitang nakatayo siya sa may hamba ng pinto ni Nicholas at nakahalukipkip pa. "He had fun at the shoot kasi lalo na when they started the bubble machine."

"Oo nga eh. He can't get away from that machine." sabi ko. Tumango siya saka pa natawa.

"Come here. Namiss kita eh." aniya saka na kinuha ang kamay ko at pinalapit sa kanya.

"Magkasama naman tayo buong araw tas namimiss mo pa ko?" tanong ko.

"Yes, baby. I did. I miss you kahit katabi lang kita. Gusto ko nga kung pwede lang, yayakapin kita the whole day and I will kiss you every second. That's how much I miss you." aniya at hinalikan ako sa noo.

"Aysuuus. Baby, baka naman maubos ako nun?"

"Hahaha. Hindi ah." aniya. Niyakap niya uli ako at paulit-ulit na hinalikan sa buong mukha. Nakikiliti ako sa ginagawa niya but at the same time, kinikilig din ako.

"I didn't know na ang supladong Elmo Magalona pala ay magiging ganito kaclingy." sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Sa isang Julie Anne San Jose lang naman." nakangiting sambit niya. "I love you..."

"I love you too." sagot ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Baby..." utas niya.

"Hm?"

Pretend LoveWhere stories live. Discover now