Kabanata 73

247 6 0
                                    


"Calix! Baby Calix! Na miss ka ni tita." Ani ko. Tumakbo ako papunta kay Yna na pinapatulog si Calix.

"Nakakagulat ka naman Yna." Ani Yna. Si Calix naman imbes na matulog ay nagising dahil sa malakas na boses ko.

"Buhatin ko na nga muna ang pamangkin ko."

"You need to change first, baka may dala kang virus."

Tiningnan ko ng masama si Kuya Connor na pababa ng hagdan. Pero tama naman siya dapat magbihis na muna ako.

"Matulog ka na lang muna baby Calix, mamaya ka na hahawakan ni tita kapag gising ka na." Ani ko kay Calix at mukang naintindihan naman niya dahil ngumiti siya.

"How's your stay in America?" Tanong ni Kuya.

"Nag-enjoy naman ako pero may dumating kasi eh."

"Who?"

"Chelsea at buntis daw siya."

"Buntis siya kanina? Don't tell me kay Rage?!" Tumaas ang boses ni Kuya.

"Yun ang sinabi niya, si Rage daw ang ama, she is 3 months pregnant."

"Paano nangyari iyon eh matagal na silang hiwalay?" Tanong ni Yna.

"Iyon din ang malaking katanungan sa amin. Mamaya na tayo magchika, magbibihis lang ako, and wait." Lumapit ako ng husto kay Yna at bumulong. "Ano ng balita? Nag-propose na?"

Umiling si Yna at kita ang lungkot sa mga mata niya.

"Ang bagal mo kuya!" Naiinis na sinabi ko kay Kuya at inirapan siya.

"What?"

"Wala! Mag bibihis lang ako sabi ko." Ani ko at umakyat na ng hagdan. Naiinis talaga ako kay Kuya eh!

____

- His Pov -

"Are you coming with us captain?" Tanong ng isang kasama ko sa akin.

"Come on captain, ngayon lang naman eh. Mag-paalam ka nalang sa girlfriend mo, papayagan ka nun." Saad naman ng isa.

Niyaya kasi nila akong magpunta sa bar. Bar dito sa Europe. Aayaw na sana ako pero pinipilit nila ako kaya wala akong magawa, pagbibigyan ko na sila. Pinadalhan ko ng mensahe si Trina, sinabi ko sa kanya kung anong gagawin namin ngayon, baka mamaya pa niya mababasa dahil tulog pa siya, madaling araw palang sa Pilipinas.

Sumalubong sa amin ang malakas na tugtog pagpasok namin, madaming tao saktong may isang bakanteng mesa kaya doon na kami umupo.

Napangiti ako dahil nagtuturuhan pa ang mga kasama ko kung sino ang taya. "Umorder nalang kayo, ako na magbabayad." Ani ko.

"Sinabi mo iyan captain ha, wala ng bawian." Ani ng mga ito. Natawa nalang ako, ako ang niyaya pero ako na din ang magbabayad.

Nagkwekwentuhan habang umiinom, yun lang ang ginagawa namin pero mukang natamaan na mga kasama ko kaya naman pumunta sila sa gitna para sumayaw, paano ba naman nakailang bote na sila samantalang ako ay tatlo palang.

"Rage? Rage ikaw nga!"

Nilingon ko ang babaeng nakatayo sa gilid ko. Kahit madilim ay familiar siya sa akin.

"Vivian?"

"Ako nga!" Aniya at umupo sa tabi ko.

"Long time no see, ang tagal na nating hindi nagkita, ang huling pagkikita natin ay noong party ni Trina." Anito. "So how are you? Kumusta ang love life? Kayo pa rin ni Chelsea?"

Umiling ako. "Trina is my girlfriend."

Nagulat siya sa sinabi ko. "Really? So kayo din pala, congrats at natuloy na maging kayo." Anito.

The Poor Meets the HeartthrobWhere stories live. Discover now