Entry #17

1.4K 70 17
                                    

July 5, 2015
Sunday

Dear DIARY,

I'm so very very very NERVOUS! Huhu. Bukas na talaga namin iprepresent yung scrapbook. Paano ang gagawin ko Diary?

Actually ngayon lang talaga ako kabadong-kabado pagdating sa pagrereport. Di ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito. Dati nga gustong-gusto ko pa magreport kasi dito ako bihasa pero bakit ngayon? Parang gusto ko na lang lumubog sa lupa ng isang araw para makatakas sa presenting bukas. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Siguro kinulam ako ni Mark Thin. Bakit naman niya gagawin yun?

O kaya naman baka kasama ko lang siya bukas? Hindi rin. Marami na rin kasi akong beses na nagreport na may kasama kaya parang normal na rin sa akin yung magreport na may kasama.

Huhuhu. Paano ang gagawin ko? Bat ba kasi ako nagkakaganito?

Baka naman hindi ako komportable sa kanya? Hindi rin naman, kasi nakayanan ko kahapon at feeling ko pa nga na komportable na kami sa isa't isa.

O kaya baka naman gust- erase erase Diary. Di ko pa siya gusto! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Gusto? Never pa akong nagkagusto sa isang lalaki. Sa foods ko lang nararamdaman yun! OO SA FOODS LANG! Sa FOODS lang talaga!

Ano ba 'tong mga pinagsusulat ko!? Sorry kung kalandian hihi xD Pero hindi ko talaga siya gusto. HINDING-HINDI talaga.

May mga ise-share pala akong mga bagay sa iyo Diary. Yung una nasabi ko na. Kaya yung pangalawa naman ang sasabihin ko.

Kaninang umaga, nagsimba ako. Nagpasalamat ako sa mga nangyayari sa aking maganda lalo na kahapon. Humiling din ako na sana successful ang kalabasan ng presenting namin bukas.

After ko magsimba, dumiretso ako sa Jollibee! Nagutom kasi ako eh! Nag-order lang ako ng spaghetti at fries. Dadagdagan ko pa sana ng chicken at burger kaso bigla kong naalala DIET pala ako kaya yun nabitin yung paglamon ko.

Umuwi na rin ako agad Diary. Kailangan ko pa kasing magpractice para bukas.

Bago ako magpractice, nilinis ko muna yung kwarto ko. Medyo madumi eh. Mabilis din naman ako natapos. Kaya ayun nagpractice na rin ako.

Nabubulol-bulol pa nga ako sa mga sinasabi ko at nakakalimutan ko ang mga lines na sasabihin ko. Kinakabahan na talaga ako.

Habang kasagsagan akong nagpa-praktis, biglang may nagtext at agad ko rin naman itong binasa.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

From: PAYATOT (Thin)

Pwede wag mong sabihin sa presenting natin bukas na broken family kami at hindi kami mayaman?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Medyo nainis pa ako nung nabasa ko yan. Gustong-gusto ko siyang tanungin kung bakit. Pero imbes na tanungin ko siya, tinext ko na lang sa kaniya na "OKAY".

Ginawa ko nga ang sinabi niya. Pinalitan ko ang mga lines na sasabihin ko at ang mga nakalagay sa scrapbook. Buti na lang at natapos ko rin naman agad.

Hindi na rin siya nagreply gaya ng inaasahan ko.

Nagpraktis na lang ulit ako nun Diary. Natapos lang ako magpraktis nung meryenda na ng hapon. Gusto ko sana kumain ng marami kaso diet ako. So nagjuice na lang ako then isang tinapay lang. Habang kumakain ako may nagtext sa akin.

Hulaan niyo nga kung sino?

Kung si Thin ang sagot niyo, nagkakamali kayo! Ako rin kanina akala ko si Thin. Pero ayos lang yun kasi importanteng tao rin naman ang nagtext sa akin at si Ria yun!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

From: Alexandria (My Bestfriend)

Hi Matty! Kamusta na ang scrapbook niyo? Sa amin kasi, nakakainis! SOBRANG nakakainis!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Bigla naman akong nagulat at naworried sa text niya Diary. Ano kaya problema niya? Nakakacurious. Nireply-an ko na rin siya agad.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

To: Alexandria (My Bestfriend)

Ah? Ayos na ang sa amin Ria, ready na kami. Bakit? Ano ba ang problema Ria at bakit ka naiinis?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Habang naghihintay ako ng reply niya, kumakain ako. Medyo matagal siya bago nakareply Diary kaya ayun naparami ang kain ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

From: Alexandria (My Bestfriend)

Kaya ako nainis Matty kasi nagtapat sa akin si Frederico! Nakakainis talaga!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Medyo naslow ako sa reply niya. Ano raw tapat? As in HONEST?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

To: Alexandria (My Bestfriend)

Paanong tapat ba?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Slow ba ako? HAHA XD Di ko ko talaga alam ang mga pinagtetext niya! Buti na lang nagreply pa siya sa text ko at ito ang sabi niya.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

From: Alexandria (My Bestfriend)

He likes me Matty! Frederico likes me a lot!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Yang text ni Ria na yan ay ang nagpaliwanag sa akin lahat.

Gusto ni Frederico si Ria? Parang ang ganda naman ng magiging loveteam nila! Hihi. XD

Nireplyan ko si Ria ng mga WOW o words of wisdom! Ang dami kong inadvice sa kaniya! Sa sobrang dami kong advice, hindi ko na masabi sa iyo lahat. Pero binigyan ko siya talaga ng mga advice!

Ayan ang mga nangyari sa akin Diary ngayong araw! Ang saya ng mga nangyari, di ba?

Tuwang-tuwa ako kay Ria! GRABE! Gusto siya ni Frederico!

Kahit tuwang-tuwa ako sa mga nangyayari ngayon. Kinakabahan pa rin ako! Bukas na talaga kami magprepresent. I'm so nervous talaga.

Tulungan mo nga ako Diary. Tsaka bakit ba ako kinakabahan? Nakakainis.

Sige hanggang dito na lang ako Diary. Kailangan pa kasing magrehearse para bukas. Pasensiya kung maikli. Babawi na lang sa susunod. XD

Good luck sa amin bukas ni Mark Thin!

Ang Matabang Kinakabahan,
MATH CHAVAH A. KOH

------------------------------------------------------------

Sinong supporters ng #TeamMathThindDE

Sinong supporters ng #TeamRiaRico?

COMMENT kayo o TWEET niyo ako @ganipader username ko.

------------------------------------------------------------

Pasensiya kung SHORT lang ang update. :D Pero sana nagustuhan niyo. Vote please. :D

#GoMathThinDE!!!

Diary Ng BABOYWhere stories live. Discover now