Chapter 12: Rival

2.8K 55 2
                                    

Natalie's POV


Simula noong pinagbantaan niya ako na lumayo kay Alex ay mas naging napalapit pa ako kay Alex.. Hindi ko hahayaang mapunta sa kanya si Alex nuh.. Wala siyang karapatang pigilan ako dahil EX nalang siya ni Alex.. EX nga diba?!! means nasa PAST na..


Tawagin niyo na akong tanga, pero yun naman talaga ang totoo eh.. Kung kayo kaya ang nasa posisyon ko.. Oo nga't hindi biro ang magmahal, oo nga't hindi biro ang magparaya pero gagawin ko ang lahat na mapasakin si Alex.. Ako nga ang bida dito pero ako naman ang nagmukhang kontrabida..


Hihintayin ko nalang ang oras na mapagod ako sa kakahabol sa kanya..


Kumakain kami ngayon ni Mia sa cafeteria.. Nakita naming dikit ng dikit si Chloe kay Alex.. At may lumapit sa kanilang babaeng familiar sa akin.. Saan ko ba nga siya nakita- AHA!! Si Kathy pala yun ah.. Yun patay na patay kay Alex noon.. Malapit lang kami sa inuupuan nila Alex kaya maririnig namin ang usapan nila..


"O,Kathy, bumalik ka na pala.. Akala namin umuwi ka na sa amo mo..?"-pang -aasar ni Jacob kay Kathy..

"Hmp!! Anyway nasurpresa ka ba na nandito iyang si Chloe?? Pinapunta ko lang naman siya dito dahil may nagkakagusto na sayo..!!"-Kathy.. Aba't sinali pa ako sa usapan nila..!!

"Sinabi ngang wla akong gusto kay Natalie! At wala akong natitipuhang babae sa campus na ito"-Alex.. Ouch! Ang sakit nun ah.. :'(


"Kaya nga Alex eh..!! Kung hindi ka magiging akin,pwes! Mas okay pa sa aking kayo ni Chloe ang magkakatuluyan ulit kaysa naman sa Natalie na iyon!!"-Kathy.. sumusobra na talaga siya ah..!! Tumayo na ako sa kanau-upuan ko at sinabunutan kaagad si Kathy...


"Walang hiya kang babae ka at dinamay mo pa ako sa kalokohang ito hah!!!"-sinasampal sampal ko pa siya nyan..!! Hinigaan ko siya at nagsimula na akong sumabunot sa kanya.. Hindi ako titigil dito hanggang sa hindi siya mapanot..!! Ggggrrrr!!!!


"OUCH!! Ano ba!! Get off of me freak!!— OUCH!!"-Sinabunutan rin naman niya ako.. Pinalibutan na kami ng mga studyante dito.. May umawat na sa aming dalawa ni Kathy.. Nakahawak si Jacob sa akin habang si Joaquin naman ang humawak kay Kathy... Nasa tabi din ni Kathy si Chloe na parang handa nang pumatay dahil sa talas ng tingin niya sa akin...


"Anong kaguluhan ito??!!"-oh shet! Si mommy..!!

"Maam!! Iyang si Natalie po ang nanguna sa akin.. Nakipag-usap lang po ako kina Chloe at bigla-bigla niya po akong sinabunutan.. Hindi ko po alam at bigla-bigla na lang po siyang sumugod.."-aba't may idinagag pa ang bruha..!!




"Natalie, go to my office.. We have to TALK.."-sabay walk out ni mommy.. Gosh!!

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Ngayon lang talaga ako nakapag-UD..

Comment naman po kayo.. Huwag niyo rin kalimutan i-click ang VOTE... :)


Mr. President (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon