Chapter 1: Fall of Donny Eleazar

57 2 0
                                    

Author's Note:

Simulan na ang hubaran! Char! Sana po ay ma-enjoy ninyo ang series na ito. Magsisimula tayo sa 1986 kay Donny Eleazar Intan.

Enjoy reading mga bhe! :)

Chapter 1: Fall of Donny Eleazar

Ang UNLI Entertainment ang isa sa pinakamalaking film outfit sa Pilipinas noong dekada otsenta at nubenta. Golden era iyon ng Philippine movies at ng UNLI na pagmamay-ari ng pinakamatagumpay na gay film producer ng bansa na si Uno Nazareno L. Intan. Sa initials nito nakuha ang UNLI Entertainment. Well celebrated sa loob at labas ng bansa ang produced movies nito na ang genres ay drama at historical. Humakot ng mga parangal ang pelikula’t artistang naging bahagi ng film giant. 

Ngunit lahat ay may katapusan. Nagsimulang maglamlam ang Philippine movie industry at ang mismong UNLI sa pagpasok ng bagong milenya. Sumubok na rin silang gumawa ng ibang genres tulad ng comedy, action at musical ngunit lahat ay nag-flop. 

Hanggang 2022 ay nagpo-produce pa rin sila ng paisa-isang movie pero wala na talaga. Hindi na makabangon pa ang film outfit dahil sa dami ng kompetisyon. Umarangkada na ang ibang mga Pinoy producers. Naka-adopt na sa pagbabagong dala sa movie industry. Nakuha nang muli ng mga ‘to ang kiliti ng Filipino moviegoers pero naiwan sa karera ang UNLI. Matanda na rin noon si Uno kaya marahil hindi na nito masyadong nare-review ang mga scripts at napo-produce na pelikula. Marami na itong sakit. Napapadalas na sa ospital.

Kahit kailan naman ay hindi siya iniwan ng dalawang anak na sina Donita Marie at Donny Eleazar. Si Donita ay anak ng baklang si Uno sa isang babaeng nagngangalang Maria. Nakilala niya ito sa isang disco club noong 1980. Nag-celebrate siya ng success ng unang pelikula ng UNLI noon sa disco. Nalasing siya. Pagkagising niya ay nasa loob na siya ng isang unfamiliar na kwarto kasama si Maria. Hubo’t hubad!

“OH MY GOD!” tandang-tanda niya pa ang kanyang reaksyon noon. “Binaboy mo ang pagkababae ko!”

“Bakla ka?!” tanong ng babae.

“Babae ako! Diyosa!”

“Akala ko lalaki ka! Nilasing pa man din kita! Hayop ka!”

“Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang bading na producer ng UNLI Enterntainment! Nilabas kahapon ang first movie ko na ‘Kapag Wala na ang Luha sa mga Mata Ko’ na pinagbidahan ni super diamond star for all season na si Donita Marie!”

“Ay ikaw ba ‘yun?”

Nagbunga nga ang isang gabi ng pagkakamali na ‘yun. Habang nagbubuntis si Maria ay sustentado naman ni Uno ang babae. Noon niya kasi napagtantong hindi na rin siya bumabata at gusto na rin pala niyang magkaanak. Isinilang ng babae ang isang masiglang babae na ipinangalan nila sa bidang babae sa kanyang unang pelikula, ang panganay niyang si Donita Marie Intan. 

Gayunpaman ay saka lang nalaman ni Uno na may taning na pala ang buhay ni Maria. Kaya pala ito naghahanap ng lalaking makakabuntis rito ay upang may magmana naman sa mga ari-arian nito. Nais din nitong may maiwang alaala sa mundo. Ipinangako niyang aalagaan ang kanilang anak hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. Labis ang pasasalamat ni Uno kay maria. Dahil sa babae ay nagkaroon siya ng sariling anak. Nagkaroon siya ng pamilya. Pinalaki niyang maayos si Donita. Nahilig din ito sa paggawa ng pelikula. Ito ang tila magmamana sa UNLI.

Samantala si Donny Eleazar naman ay hindi niya tunay na anak. Hindi niya kilala kung sino ang tunay na magulang nito. Iniwan lang ito noong sanggol palang sa harap ng kanyang bahay sa Quezon City taong 1986. Inako niya ang bata na parang sa kanya. Pinangalanang Donny Eleazar na ang lakas maka-artistahin. Minahal niya rin ito na parang sa kanya. Nahilig din ito sa showbiz. Dahil sa sobrang gwapo nito at anak niya pa kaya naman madali itong nakapasok sa industriya ng pag-arte. Kaso lang ay hindi nito magawang sumikat dahil hindi naman ito magaling umarte. Hindi marunong umiyak ang lalaki. Walang emosyon kung magdrama. Masyado rin itong mayabang, babaero at unprofessional kaya hindi mabigyan ng magandang break. Thirty six years old na ito pero mukhang nasa twenties lang. Ayos sana eh kasi mukhang batang tingnan kaso lang sa edad na thirty six ay wala pa rin itong nararating sa showbiz kundi mga eskandalo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unli Hubadero 1: The Fall of Donny EleazarWhere stories live. Discover now