CHAPTER 6 - HEARTBEATS

6 0 0
                                    

"Mabuti naman at nandito na kayo." Nakangiting bati ni mama kina tito Claude.

"Medyo natagalan kasi may kinausap pa ako from Hidalgo about work." Sagot ni tito Claude. Kaya naman pala sobrang tagal nila dumating. Sumakit muna tuloy ang ulo ko kay Jude bago ko nakita ang crush ko.

"Iba talaga 'pag engineer, sobrang busy." Panunukso naman ni papa. Nagtawanan lang kami.

Pasimple kong sinusulyapan si Peter. Katabi niya lang si tito Claude habang nakikipag-usap kina papa.

Wait.

Is this real?

Naka kulay purple na polo shirt si Peter. Kinikilig ako, para akong sasabog. Baka mamaya sobrang pula ko na at mapansin nilang lahat.

Matchy-matchy kami!

Bigla akong napaiwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa 'kin. Napansin ko sa peripheral view ko na parang ngumiti siya.

Teka. Imagination ko lang ba 'yon?

Pero hindi, e. Sure talaga ako na ngumiti siya.

Ano kanang nasa isip niya?

Hindi ko naman na nakita si Jude. Umalis na kaya siya? Siguro kasama niya si lolo at lola kasi hindi ko narin sila makita. Sana hindi ko siya makasalubong ulit ngayong gabi kasi ayokong masira ang birthday ko. Nevermind. Nandito naman na si Peter. Tingnan ko lang siya at okay na ulit pakiramdam ko.

Ang landi!

"Let's sing a happy birthday song to our celebrant." Sabi ng kamag-anak namin na magaling mag host sa mga events. Sabay-sabay naman silang kumanta ng happy birthday song. Parang hindi pa ako makapaniwala na 18 years old na ako. Pwede na akong makulong.

Maya-maya pa ay nagsimula na silang mag serve ng mga pagkain. Tinanong ako ni mama kung hindi pa raw ba ako kakain. Sabi ko mamaya na kasi busog pa ako at gusto ko munang mag-libot-libot at makipag-usap sa mga bisita. Pero sa totoo lang, hahanapin ko lang kung saan naka pwesto si Peter at para masulyapan ko siya palagi. Charot!

Habang naglalakad ay narinig ko naman ang boses ng lalaking hindi ko gustong makasalubong ngayong gabi.

Ano kayang kailangan nitong lalaking 'to?

"Hi Lia." Pagtawag niya sa 'kin. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Ngumiti lang siya.

Hindi ba siya marunong makiramdam? Hindi niya ba gets na ayaw ko siyang kausap? Ewan ko ba.

Sa totoo lang, wala naman talaga siyang ginagawang masama pero naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya lalo na pag nakatodo ngiti siya. Pero maganda naman ang smile niya.

No!

Erase erase.

I hate his smile. Super annoying!

"Ang sungit naman." Tumawa siya nang bahagya.

"May kailangan ka?" Tanong ko. Pinipigilan kong mag sungit pa lalo kasi may ibang mga bisita at baka may makarinig sa 'min. Sure ako sisitahin nila ako pag nalaman nilang may sinusungitan akong bisita. Sure din ako na magagalit sa 'kin si lola 'pag nalaman niya. Close pa naman sila nitong Jude na 'to.

Okay, fine.

Para kay lola, titiisin ko ang presence nitong lalaking 'to. Naku, kung hindi lang talaga siya mabait kay lola, walang tawad 'to sa 'kin.

"May ibibigay ako sa 'yo." Nakangiti niyang sabi.

May ibibigay? Ano naman kayang pakulo nitong mokong na 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A View of UsWhere stories live. Discover now