CHAPTER 1

63.7K 1.1K 441
                                    

Nakakatakot pala ang mag-update, nakakakaba, nakakaloka, nakaka-uhmmm basta. Lam niyo yun? Hindi ako sure kung magugustuhan niyo to, thank you pala sa nagbabasa, nagvovote, nagcocoment at lahat lahat na =)

Dear Ashley,

8 months nang offline si fairygod mother mo dahil sinama ni dora sa kanyang expidisyon dahil nawawala si Diego, kaya pinadala niya ako upang sabihin sayo na ako muna ang nakatoka sa na udlot mong lovelife.

Nagmamahal, MilkTea


Boy 1: Ashliiii!!! My Ashley darling be my love!!

Boy 2: Tumahimik ka nga?! Ang baho mo. Ashley wifey! Happy graduation, I'm so proud to be your hubby! *wink*

Boy 3: Hubby?! Tss. Ashley darling bebe proud na proud akong maging boyfriend ng isang valedictorian ng paaralan natin. Mahal na mahal kita (sabay suot ng limang garland)

Boy 4: Boyfriend ka ni Ashley?! Sa itsura mong yan?! Ulol! Ashley, mas mahal kita kaya bibigyan kita ng anim na garland (sabay suot ng anim na garland)

Boy 5: Mas mahal na mahal kita Ashley!! Ito ang sampung garland patunay sa wagas kong pag-ibig! (sabay suot ng sampung garland)

Boy 6: Mas mahal ko pa din si Ashley!! Ikaw ang aking dugo at kaluluwa, hindi masusukat sa dami ng garland ang pag-ibig, kundi sa corsage ng pagmamahal (sabay sabit ng tatlong dilaw na corsage)

Boy 7: Aking prinsesa, ito ang iyong prinsepe. Kung mawawala ka, walang saysay ang buhay ko sa ating daigdig. Wala akong maibibigay kundi ang wagas kong pag-ibig!

Boy 8: Ang sabihin mo wala kang pera! Wag kayo puro tagalog! Ashley melab! Yurs da wan I bin su tru, be my leyde!! Oh Ashley, I gib this wats su yu hab taym tu si me (sabay suot ng wrist watch)

Boy 9: Your english is lost! My english is accurate like this... I'm hurtin baby, I'm broken down. I need you lovin, lovin.. I need it now! Break it down yow!

Boy 10: Wag nga kayo dito kung hindi kayo matitinong manliligaw! Ashley, ito na siguro ang panahon para malaman mong iniibig kita pero hanggang dito na lang.

Boy 11: Abat?! Nakuha mo pang saktan ang Ashley sugar ko!!! Hayaan mo yan Ashley, kahit hindi tayo bagay, hindi ka tao, hindi ka hayop pero ito tandaan mo. Ashley AKIN ka!

Boy 12: Ano daw?! Adik ka ba?! Ashley, bagay sayo apelyido ko Perez.

Boy 13: Ashley Montenegro. Yan mas bagay!

Boy 14: Bagay?! Ashley Kapangitan!! Mas bagay apelyido ko Ashley sweetheart.

Boy 15: Wag mo siyang idamay sa kapangitan mo ugok! Ash, mahalin mo ako! Parang awa mo na!!

Boy 16: Ashley!!! Wag!! titigan mo ako. Ako, ako lang dahil ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na. Ikaw, ikaw ang pagibig na binigay sa akin ng may Kapal, Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pagibig ko'y ikaw!!!!!!

Boy 17: Tigil!! Ang bagay sa boses mo ulan!!

Boy 18: Pare, gutom lang yan magsnekers ka muna.

Boy 19: Parang Nescafe 3 in 1 ang bagay dyan, katulad ni Ashley... YUMMY!!

Hindi ko alam kung ilan ang bilang ng manliligaw mo noon

Ang alam ko lang pabawas ng pabawas na sila ngayon

May napupusuan kana ba?

Ang bilis ng oras Ashley

Para Sa Mga Taong SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon