Chapter 1

0 1 0
                                    

"Tabi! Tabi!",sita ko sa mga bida-bidang humaharang sa daan habang tumatakbo bitbit ang isang baldeng tubig pambuhos sa nasusunog naming bahay.

"Ano ba yan?! Makataboy naman kala mo ambigat ng dalang tubig eh malaki pa timba ng aso namin!"  Reklamo ng mga bida-bida. Eh ano naman ngayon at least ako may dala at tumutulong sila? Wala! Nagpopost sa fb ng keep safe!

Pagod na ako dahil kanina pa ko paroot-parito kakatulong sa mga bombero. Hindi kasi makapasok ang firetruck dahil masyadong masikip ang eskinitang kinatitirikan ng aming bahay.

Tatakbo pa sana akong muli nang  masaksihan ko ang unti-unting pagtupok ng apoy sa aking mga kwadernong punong-puno ng kwentong hanggang katha lang.

"Kristel! Ano ba?! Wag ka nang tumunganga dyan! Kunin mo yung mga gamit na pwede pang mapakinabangan sa loob!",sermon sakin ni tita. Nakatulala na pala ako. Ni hindi ko man lang namalayan.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa loob. Sa bilis ng takbo ko'y di ko na nakita ang batong nakaharang sa daan na dahilan ng pagkakadapa ko.

Ang hirap sa maganda, kalimitay lampa😔.

Masakit yung paa kong nasugatan pero wala akong karapatang uminda ng sakit. Mas kailangan kong maging matatag sa gantong pagkakataon dahil wala akong mapapala pag-inuna ko ang nararamdaman ko.

"Iha, pasensya ka na at bawal pumasok sa bahay nyo. Marurupok na ang materyales kaya delikado't baka mabagsakan kayo!" Paalala sakin ng mamang bombero.

Ipipilit ko pa sana ang sarili kong makapasok sa dati naming tahanan nang tuluyan na ko g hilahin ng isang medic upang gamutin ang sugat ko sa paa.

Naku neng! Malalim tong sugat mo kaya wag mo muna masyadong ilakad paa mo ha?" Paalala sakin ng medic bago sila tuluyang lumisan sa basketball court na syang pinaka-evacuation center ng barangay. Dito lang muna raw kami hanggat di pa nakukumpuning muli ang bahay.

Lumabas ako saglit, hindi ko kasi mahanap sina tatay. Tatanungin ko sana kung ano hapunan namin kung sakaling maghahapunan man.

"My laaayyyyp!" Perfect na sanang sad story to kung di lang sana pinanganak tong si Beklog.

Kapit-bahay namin to. Madalas sa kanila ako nanghihiram ng posporo pagnauubusan kami. Kaya ganto sya kafeeling close.

"Ano na naman ba beklog?"pagsusungit ko sa kanya.

"Kristel naman eh! Where much times can me say you that its bek-lowg?! Bek-lowg. Bek-lowg. Can't you know that?"  Putragis! Umenglish pa nga!

"Pwede ba? Tumabi ka na lang at baka ikaw tong sunod na sunugin ko! Hapon na eh iniinis mo pa ko!" Sabat ko naman sa kanya. Nilagpasan ko na rin sya dahil talagang naiimbyerna ako sa kanya. Umenglish ba naman kala nya sakin? Kano? Duhh.

Nakailang hakbang na ko nang biglang napatigil dahil sa mga katotohanang isinawalat nya.

"Kristel! Yung posporo namin kulang ng isang palito. Bayaran mo yun kung ayaw mong ipagsigawan ko rito ang tinitibok ng hart mo!" Pananakot nya sakin.

Nagsitayuan naman ang balahibo ko sa katawan dahil dun. Paktay! Hindi pwedeng malaman ng kung sino man ang nagpapatibok sa akong hart dahil baka agawin nila huhu. At baka sabihin nila kay Alcher ang aking nararamdaman. Wahhhh ay kenawt magiging kami pagnagkataon!

Pero joke lang syempre malabo yun. K-pop yun eh. Ako? Hito lang di pa marunong lumangoy.

"Subukan mo talaga beklog at pipisain ko yan!" Banta ko rin sa kanya na syang nagpalaki sa mga mata nya. Pagganyan linyahan ko, alam na nyang dapat syang sumuko dahil talagang ipagsigawan kong supot sya! Kala nya ha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're My PrologueWhere stories live. Discover now