Prologue

0 1 0
                                    

*James Andrei Freud is live*

Marami kaming nagmamahal sayo.
Marami kaming ginagawa kang mundo.

Ang tanging kaibahan ko lang sa kanila ay kaya ka nilang suportahan sa lahat ng pagkakataon at panahon.

Pag may live ka, kaya ka nilang panoorin. Ako? Gusto ko yun pero hindi pwede. Hindi naman kasi ako kasing yaman nila, ni wala nga akong load pang-facebook eh!

Pag may concert ka, puwedeng-pwede ka nilang panoorin.

Habang ako, patuloy na nangangarap na sana katulad din ako nila. Sana kaya rin kitang makita. Sana kaya rin kitang makausap. Sana kaya rin kitang makasama...hindi lamang sa aking katha.

Pero hanggat hindi pa puwede...patuloy akong gagawa ng istorya. Patuloy akong lilikha ng kuwento nating dalawang alam kong ako lamang ang makakabasa.

Para kahit sa libro lang, kahit sa sulat ko lang...maipagyayabang kong nakasama kita.

Sa bawat kuwentong isusulat ko, isasalaysay ko ang kuwentong nais kong mabuo...kasama ka.

Sapagkat ikaw ang bawat letra ng bawat kathang aking nililikha.

"Kristel ano ba?! Yung piniprito mo inihaw na!" Ay hala! Nagpiprito pa pala ako. Inuna ko pa emote emote eh.

Inoff ko ang cellphone ko at lumabas na ng cr. Mamaya ko na lang tatapusin ang prologue ng sinusulat kong kwento.

Bumalik ako sa kusina at viola sunog na sya. At syempre pagagalitan ako paghinayaan ko tong ganto. Nagpakulo ako ng tubig at hinalo doon ang nasunog na isda. Gagawin ko na lang sinabawan.

Narinig kong may nagigising ng mga tao sa bahay kaya dali-dali akong naligo, nagpalit ng damit at nag-abang ng sasakyan papuntang university. Mahirap na baka pagnatikman na nila tatay ang niluto ko, ipa-absent pa ko.

Hindi ko hilig mag-aral, pero sa mga gantong pagkakataon, salamat talaga at nag-aaral ako  di ako mapapagalitan sa nasunog na prito hehe.

"Ay miss, may nakaupo na dito sasakay kasi kaibigan ko mamaya." Sabi ng babaeng tatabihan ko sana sa jeep. Kala mo naman kanya tong jeep eh. Humarap ako sa babae at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ay sorry po!" Paumanhin ko sabay irap.

Tumalikod na ako sa kanya para makahanap ng mauupuan at ayun meron nga sa tapat ng lalaking mala-wattpad ang dating sa pormahan pero pag-tinanggal ang mask ay di ko na alam. Pero wahhh you're a blessing po sa nasira kong umaga kuya *finger heart* oppa.

Umandar ang jeep habang naglalakad ako nang nakayuko papunta sa pwestong nakita ko. Kaya kumapit ako sa hawakan na nasa may kisame ng jeep. Basta yun na yun.

"Teka lang po kuya!May sasakay pa." Sigaw ng kung sino mang hinayupak na naging dahilan ng pagkakasubsob ko sa apang may tunaw na ice cream ng mamang mala-wattpad ang dating.

Putragis!

"Ay miss okay ka lang ba?" Tanong ng mamang mala-wattpad ang dating.

Ikaw kaya isubsob ko sa apang may tunaw na ice cream sa mukha at maturn-off sa boses mong babakla-bakla kung okay ka pa? Sabi ko sa isip ko.

Tiningnan ko lang sya ng masama at hindi na nilingon pa. Sa wakas ay nakaupo na rin ako sa tabi nya.

Kala ko...kala ko babae hanap mo. Talong pala. Pag-eemote ko sa utak ko.

Ansama na ng umaga ko! Pero hindi pwedeng ganto ako hanggang school dahil first day namin ngayonat graduating student pako. Baka mamaya magdalawang isip pa yung dean at kausapin lahat ng prof kong ibagsak ako. Aruy kapag nangyari yun.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin tingin sa paligid. Sa wakas may cute din akong nakita. Nahuli kong nakatingin ito sakin kaya naman nag-beautiful eyes na ko dahil pinaganda nya ang umaga ko. Bale maliit na bagay lng naman to para kiligin sya.

"Arff arff" tahol ng aso ng isang pasahero sakin. Sya yung tinititigan ko kanina pa. Yung aso. Opo. Aso.

*Ang ganda mo!* Trinanslate ko lang. Salamat sa papuri doggie. Ang ganda ko raw kasi. Nagtuloy-tuloy pa sa pagtahol ang poging aso hanggang sa nahirapan na ang amo  nitong pigilan ito sa paglapit sakin.

Ano ba yan?! Pati aso patay na patay sakin! Wahhh ay kenawt!

Napigtas ang tali ng poging doggie at  dali-dali itong tumakbo papunta sakin na parang gigil na gigil. Sabi na eh crush ako eh.

Jusko naman doggie alam ko nang maganda ako pero wala pa kong balak mamatay sa rabies pre.

Pero sadyang hindi talaga ako pinakinggan ng tadhana. Dali-dali akong tinalunan ng aso. Ito na talaga ang magiging dahilan kung bakit extinct na ang magaganda sa mundo. Sa takot koy pinikit ko na ang mata ko habang iniisip kung pano mawawalan ng kulay ang mundo dahil sa pagkawala ng dyosa ng kagandahan nito.

Oo alam kong crush ako ng asong ito kaya di nya na napigilang lapitan ako pero putragis naman eh!  Katakot sya ou.

Makalipas ang ilang segundo, naramdaman kong dinidilaan ng aso ang mukha ko. Kaya minulat ko na ulit ang mata ko sa  katotohanang iba ang gusto ng crush ko charot pero mabaog sana sya. Nakita kong natatawa tong mala-wattpad na katabi ko na may pasapong-sapong pa ng bibig.

Kinaganda mo na yan?

Dun ko lang naalalang may ice cream nga pala ako sa mukha. Sinamaan ko ng tingin ang aso nang kinuha na ito ng may-ari sa pagkakasalampak sakin.

"Pasensya na miss! Mahilig kasi tong si burnok sa tae kala nya siguro tae yang mukha este ice cream sa mukha mo. Pasensya na."  Paliwanag ni kuya na mas lalong  nagpabigat sa dibdib kong flat pero pake nyo ba?

Tinanguan ko na lamang ang kuyang bosit na yun dahil cold at mysterious ang personality ko sa araw na to.

Pagkaalis ng aso, dun palang ako nakahinga ng maluwag at dali-daling kinuha ang baon kong panyo sa bag at pinunasan ang mukha kong may tunaw na ice cream at durog na apa dahil putragis bakla pala sya!

You're My PrologueWhere stories live. Discover now