Chapter X

4K 262 157
                                    

DESMOND

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DESMOND

NOONG UNA pa lamang, masama na ang kutob ko sa despedida party na 'to. Kung sanang nakinig ako sa hinala ko na may mangyayaring hindi maganda, hindi na ako pumunta pa. Hindi ko kasi matiis si Sir Zacharias. Wala akong nagawa kundi um-oo nang imbitahan niya ako.

Hindi ko man nagawang magpasalamat sa kanya sa mga nagawa niya para sa 'kin. Alam n'yo ba kung ano ang huling pinag-usapan namin?

"Nakipagbati na si Cole sa 'kin," kuwento ni Sir Zacharias nang ako na ang kausap niya sa balcony. "He humbled himself in front of me, which I somewhat appreciate. Alam kong ma-pride siya at hindi madali para sa kanya na ibaba ang kanyang sarili."

"Ibig bang sabihin no'n, idi-discourage n'yo na si Beatrice na ituloy ang imbestigasyon sa drug test na natanggap niya?" tanong ko.

Humarap siya sa akin. "I told Cole na kakausapin ko si Bea at susubukan siyang impluwensiyahan."

"But?" Mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya muna itinuloy.

"But I didn't tell Bea to stop the investigation. I also didn't tell her to pursue it either," dugtong niya. "I presented her the two options that she can choose from. Siya na ang bahalang mag-decide."

"Siguradong madi-disappoint si Cole kapag itinuloy ni Bea ang pag-verify sa results," komento ko sabay tanaw sa malayo. "Baka isipin niya na hindi mo tinupad ang ipinangako mo sa kanya."

"I didn't promise him anything. I told him that I'd try to talk to Bea. Hindi naman niya ako masisisi kung hindi ako pinakinggan, 'di ba?" Ngumiti sa akin si Sir Zacharias. "At saka wala na siyang magagawa kahit madismaya o magalit pa siya sa akin o kay Bea."

Nakita ko sa pagkurba ng mga labi niya na meron siyang pinaplano. Tama nga ang hinala ko na hindi siya sincere nang binulungan niya si Cole kanina. Ang akala ko talaga, nagkaayos na ang dalawa matapos ang nangyari sa guidance office. Nandoon ako nang lusubin siya ni Cole at suntukin nang walang pasabi sa mukha. Meron din ilang estudyante na naghihintay sa kanilang counseling session kay Sir ang nakasaksi roon.

Baka gano'n din ang nararamdaman ni Cole? Hindi pa talaga siya totally okay, pero kinailangan niyang ipakita na wala nang isyu sa kanya dahil paalis na rin naman si Sir sa university.

"I want to thank you for making this happen," sabi ni Sir Zacharias. Umupo na siya sa isa sa mga upuan at ipinagkrus ang binti niya. "Dahil sa 'yo, mukhang aayon ang lahat sa plano ko."

Umupo rin ako sa tabi niya. "Hindi ko alam na drug test results pala ni Cole at ng ibang varsity players ang laman ng envelope na ipinabigay n'yo sa 'kin."

"Mas maganda na sigurong hindi ka aware para hindi masyadong mabigat sa konsensya mo," tugon niya. "You know what they always say? What you don't know can't hurt you."

"Pero alam ko na ngayon."

"And? How do you feel about it?"

Bumuntong-hininga ako. "Kung magiging istrikto tayo sa school rules and regulations, dapat na maparusahan ang gaya ni Cole. Isa sa mga serious offense ang drug use. Hindi 'yon pwedeng basta-basta palampasin, kahit na siya ang team captain o ace player ng basketball team natin."

Everyone is SuspectWhere stories live. Discover now