Chapter 11

2.6K 142 37
                                    

Chapter 11

Sabi nila noong nasa High School pa na hindi uso ang introduction kapag College na. Pero sa minor subjects uso pa rin iyon. General Psychology ang last subject namin nang sinabihan kaming humanap ng partner. Syempre, si Vandale agad ang kapartner ko.

"Make sure na kilalang kilala niyo ang pinili niyong partner, guys," sabi ng batang guro namin.

Tumango pa rin kaming lahat kahit na alam kong katulad ko ay hindi sila sumasang-ayon sa gustong ipagawa ng guro. Tumingin ako sa katabi ko na kampanteng nakaupo lang at hindi pinapansin ang mga tingin ng grupo nina Louisse. Unfortunately, classmates pa rin kami nina Louisse. Mabait rin sila pero nakakairita ang pagkagusto nila kay Vandale.

Nakita kong lumapit si Louisse sa pwesto namin. "Van, pwede bang partners na lang tayo?"

Mas maganda si Louisse kaysa sa akin, mas maputi, mas matangkad at mas mayaman. Bulag na lang si Vandale kung papakawalan pa niya ang offer ni Louisse.

"No. I'm with Niana," sabi ni Vandale. Tumingin sa akin si Louisse at binigyan ako ng pinakamalungkot niyang maibibigay na ngiti.

"Okay lang naman sa iyo, Niana, na kami na lang magpartner diba?" tanong sa akin ni Louisse.

Bigla akong kinabahan. Gusto kong sabihin na hindi, dahil iyon naman talaga ang gusto ko. Pero nakaramdam ako ng awa sa kanya. Si Louisse kasi ang isa sa mga may lubos na paghanga kay Vandale. Noong isang araw ay pumasok pa rin siya kahit na umaapaw ang lagnat para lang masilayan si Vandale. Minsan akong humanga sa kanya dahil sa mga efforts niya at sa tiyagang binibigay niya.

Naramdaman ko ang malamig na titig ni Vandale sa akin kaya lalo akong kinakabahan. Ayoko ring isiping ni Vandale na pinamimigay ko siya.

"Hi, Louisse," sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti. "Ano kasi...si Vandale na ang partner ko, e. Pasensya na ha?"

Nakita kong bahagyang lumiwalas ang mukha ng gwapong katabi ko. May sumilay na ngiti sa labi niya pero tinakpan niya rin iyon gamit ang isa niyang kamay para walang makakita.

Tumango lang si Louisse pagkatapos ay tahimik na bumalik sa seat nito. Tumingin naman ako kay Vandale na ngayon ay wala ng takip ang bibig pero nandoon pa rin ang magandang ngiti niya sa kanyang gwapong mukha. Ang sarap talaga niyang titigan.

"Bakit ka nakatingin, Niana?"

"Ha? Ano kasi..." sabi ko habang nag-iisip ng susunod na sasabihin. Alibi, I need you.

Hinawakan ko ang isang pisngi niya at kunwaring may duming inaalis doon. "Ayan, natanggal na."

Binigyan niya lang ako ng maliit na tango at binalik ang atensyon sa klase. Ito na ang sinasabi ko. Hindi yata talaga ako masasanay sa fact na magkaklase kami sa lahat ng subjects at magkatabi pa.

Sa minor subjects ay walang assigned seats kaya malaya kaming pumili kung saan kami uupo, syempre kami ang magkatabi. Pero sa major subjects may assigned seats by surnames alphabetically at kami pa rin ang magkatabi.

"I will ask random questions and you will answer for your partners. Alright?" Nilibot ng guro na si Ms. Pineda ang tingin niya sa amin at napangiti nang makita niya kami.

"Oh, let's start with Mr. Ledesma and his partner," nakangiting sabi ni Ma'am. Iyong ngiting parang may alam siya na hindi ko alam.

Pumunta kami sa harapan at kinuha niya ang dalawang maliliit na white board na ibinigay sa akin ang isa.

"Full name?"

Sabay kaming natapos ni Vandale at itinaas namin ang maliliit na white boards para ipakita.

Two Worlds, One WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon