SEASON 2 PART 6

31.8K 2K 2K
                                    

A/N: Use our tagline, CATCH ME ATTORNEY 06 on Twitter to share your thoughts about this update. Thank you, unveilers!

———

THIRD PERSON POV.

"SHE GHOSTED ME AGAIN."

Lyle sighed. If he was just sad or disappointed, he can't tell which. Tumawa lang ang manager niya na kasama niya sa kotse. Kagagaling lang nila sa isang event na kung saan isa si Lyle sa mga bida ng isang fashion show.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yo noon pa. Wala na 'yang pag-asa," sagot ng manager niya sa kaniya.

Lyle has been defending Reign for so long. He fought tooth and nail to protect her name. Pero mukhang maliit talaga ang tingin nito sa kaniya. He can't blame her at all. He started as a red flag jerk who was giving her mixed signals. There was no surprise that she didn't take his feelings seriously, though it was, and still is, genuine.

Isang linggo na ang nakararaan simula nang mag-promise si Reign na babalik ito sa West Carson High. Isang linggo na rin siyang naghihintay at nagbabakasakaling isang araw ay susulpot na lang ito sa school pero walang nangyayari.

He was patiently waiting for her but as time passed by, napanghihinaan na siya ng loob. There was no trace of her at all.

"Para saan 'yong promise niya?" Lyle asked himself. "Was she toying with me, knowing she has my heart in her palm?"

Hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ayaw niyang i-Email si Reign pero hindi niya maiwasan. Siya 'yong tipo ng tao na kung ayaw ng tao sa kaniya, wala siyang pakialam. Mas ayaw niya rito. But with Reign, it was different.

Lyle heaved a sigh again, thinking of her.

"Tanggal ang angas ko sa 'yo..." he whispered in the air and smiled bitterly.

Sa kabilang dako, makikita si Grey na nagmamadali lumabas ng bahay nila. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala habang hinahanap ang susi ng kotse niya.

"Bakit ka nagmamadali?" salubong sa kaniya ng mommy niya sa sala. "Did something happen?"

"Ewan ko po. Tumawag si Reese, emergency daw po."

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ng mommy niya.

"I don't know, mom. She sounded anxious. Bye po."

Hinagkan niya ang ina sa pisngi at halos kumaripas ng takbo. Sumakay agad siya sa kotse at nagsimulang mag-drive papunta sa bahay nito. Sinusubukan niya itong tawagan pero out of coverage area na.

Matapos makulong ang daddy ni Reese noon, nag-resign si Sir Ivan sa school at namuhay ang dalawa sa malayong probinsya nang ilang buwan. Pero nang nagsimula na ang College, bumalik ulit ang dalawa sa Manila dahil papasok sana si Reese sa West Carson University pero hindi ito nag-enroll kinalaunan.

Si Ivan naman ay hanggang ngayo'y naghahanap pa rin ng trabaho pero walang tumatanggap dahil sa nangyari noon.

"Bwisit na Everleigh. Sarap tirisin," Reese once said. "Mag-feeling ba naman kasing naging jowa niya kuya ko? Tanghali naman pero ba't nananaginip na siya."

Nang makarating si Grey sa bahay nila Reese ay natigil siya nang makitang sabay na lumabas ng bahay na 'yon si Sir Ivan at si Hale. Nagulat din ang dalawa nang makita siya.

"Oh, Grey?" reaksyon ni Sir Ivan. Mas lalo itong bumata tingnan at naging built ang katawan. "Long time no see."

"Hi, Sir..." bati niya at tiningnan si Hale na nakangiti rin sa kaniya. "Si Reese po?"

"Nasa loob. Bakit?" tanong ni Ivan.

"Tumawag po kasi. Sabi niya—"

"Ah, Sir," putol ni Hale. "Hayaan na natin sila. You know po, hayaan natin silang mag-bebe time."

"Catch Me, Attorney. (Law Series #4 || Season 1 & 2)Where stories live. Discover now