14~ Lies

650 19 10
                                    

14~Lies

"Jagiya...."

Dahan-dahang nagmulat ang mga mata ko at inilibot ang mga mata ko sa lugar.

Hindi pamilyar ang kama, bintana, lamesa, ang buong kapaligiran. Ang tanging pamilyar lang ay ang lalaking nasa harapan ko. Nakaupo sya sa kama habang hawak ang mga kamay ko.

"Nasan ako?" Tanong ko na nagpakunot sa noo ng mahal ko.

Ah... hindi nga pala marunong mag-Filipino si Hae... Teka... bakit..? HUH?

Hindi ba't umiiyak ako tapos biglang kumirot ang ulo ko kanina sa dressing room ng Super Junior? Tapos na ang performance?

"I... We brought you here, Jagiya. Si Wonnie was the one to see you first, I should be the one to carry you from the dome but Si Won and Ming refused to hand you to me..."

Napansin ko 'yung black ring-eyebag sa palibot ng mga mata nya. Malungkot pa 'yung expression nya. Siguro kaya hindi nila ako ibinigay kay Hae ay dahil sa nakita ako ni Ming-oppa na nakitingin sa YoonHae. Nagkatinginan din kasi kami ni Ming-oppa nun, eh...

Nag-away kaya sila? Sana naman hindi, kung dahil lang sa'kin. *Sigh*

"DD! You're awake!"

Napalingon kami ni Hae sa pinanggalingan ng boses. Pumasok si Ryeong-oppa sa kwarto na may dalang bowl, kasunod si Kyu-oppa. Nakita ko kung pa'no tinignan ni Kyu-oppa ng masama si Hae, saka sya tumingin sa akin.

"I'll come back later. You should eat and rest, Daphne." Tumayo na si Hae, tinanguan ko lang sya tapos lumabas na sya sa kwarto.

Si Ryeong-oppa naman 'yung umupo sa inupuan ni Hae kanina, si Kyu-oppa naman umupo sa monoblock chair sa tabi ng kama. "Oppa, where am I?"

"You're at our dorm, specifically at Shindong-hyung's room because he has the largest bed and most comfortable." Sagot ni Ryeong-oppa. Ngumiti sya kaya ngumiti na din ako.

"We made sure to teach Hae a lesson. Don't worry, the hospital made sure he has no broken bones or something." Napatingin ako kay Kyu. Sobrang seryoso ng mukha nya at saka lang nag-sink in ang mga sinabi nya.

O______O! "Wh-What did you do to him? Is he alright? You shouldn't have done that! He didn'tdo anything!"

Napatitig lang sa'kin 'yung dalwa hanggang sa kumalma na ako. Umiwas ng tingin si Kyu at dun binaling sa hindi ko mawari ang mga mata nya. "We saw how hurt you are while looking at them. We can't just stand there and let him hurt you like that. He's our brother, but you are part of our family now, we want to protect you."

Automatic na nag-tubig ang mgamata ko at sunud-sunod na nagtuluan ang mga luha ko. Kung ikaw ang nasa katayuan ko at sinabi 'yun ni 'Evil Kyu' sa'yo, siguradong iiyak ka din! Sobra kasi 'yung pinapakita nilang pag-aalalaga at pag-aalala sa'kin. Sandali pa lang nila akong nakikilala, iniisip na agad nila na protektahan ako kapag nasasakatan ako. Malungkot ako... pero sobrang saya ko kasi napaka-swerte ko at sila ang karamay ko ngayong wala ang pamilya ko sa tabi ko.

Kaya naman ipinagmamalaki kong ELF ako, eh. Kasi alam kong ganito ang Super Junior. Mahal nila lahat ng fans nila ng buong puso at handa silang protektahan ang mga mahal nila. Ayaw nila na masasaktan ang mga ELF. Mas lalo ko pang minahal ang Super Junior... kaso lang... si Hae...

Naramdaman ko na lang na nakayakap na pala sa'kin si Ryeong-oppa at hinahaplos ang likod ko. "Thank you, oppa... For protecting me and all. I don't know how to thank you all for accepting me and now for protecting me, and letting me stay in your dorm. I don't know what to do... I don'tknow how to approach him, and talk to him. I'm afraid that he will say he's sorry because he has to leave me and go to Yoon Ah... It hurts... so much..."

My Secret Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon