CHAPTER ONE: Unang pagkikita.

65 1 0
                                    

CHAPTER ONE: Unang pagkikita.

Gan’to kasi yun eh.

Kabilugan ng buwan ng mangyari ito. Puno ng paghihimagsik si Lorraine na isang magandang babae na nakakabihag. Isang siyang employee sa isang Communication Company sa Makati. ‘Wag na natin banggitin yung branch. Baka puntahan niyo eh. Kasi maganda. Hahaha!

Isang araw, si Lorraine ay pumunta sa kanyang paboritong park. At doon nagpalipas ng kalungkutan. Nais niyang mapag-isa at makapagmuni-muni. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Makalipas ang ilang sandali, may biglang umupo sa tabi niya. Isang maginoong lalaki na nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang liwanag at hugis ng buwan. Sa isang sandaling segundo ay nagsalita na si Lorraine na parang nagtataka. Sabay....

Lorraine:Sino ka?

Ginoo:Kay ganda ng buwan, ‘di ho ba?(Nagtanong na nakangiti.)Bakit ganyan ang iyong mukha? Naghihinagpis.

Lorraine:Napagalitan kasi ako ng aking boss sa pinagtatrabahuan ko. Teka, sino ka ba Ginoo?

Ginoo:Ako nga pala si Teodor. Ah ganun ba? Tumingala ka, sabay pagmasdan mo ang buwan at mga bituin. ‘Di ba’t ang ganda nilang pagmasdan? Hindi sila maganda kapag nawala ang isa. Hindi kumpleto. Parang ikaw.(Sabay ngiti kay Lorraine.)Hindi ka kumpleto. Nawawala ang kagandahan sa iyong mukha ‘pag wala ang iyong ngiti sa labi.

Lorraine:Hahahaha! :D Bolero. Napakagaling Ginoo este Teodor. J(Nakangiti kay Teodor.)

Ginoo:Hindi ako bolero, Maria.

Lorraine:Ano ho?

Ginoo: Ha? Wala... Wala ho. May mga ngiti na sa iyong mga labi. Kasing ganda mo na ngayon ang langit.

Lorraine:Hahaha! :D Bolero ka kasi eh. (Kinuha ni Lorraine ang kanyang cellphone.)Pagkalingon... Teodor? Teodor? ://

Pagkatapos ng maikling pag-uusap nila Lorraine at Teodor, nawala si Teodor na parang bula. At sa pangyayaring iyon, mas minabuti nalang ni Lorraine na umuwi.

Hanggang sa huling sandali ng kanyang pagkamulat ay iniisip niya pa din niya ang nangyari. Nag-iisip kung makikita niya pa ba ulit si Teodor. Ang lalaking misteryoso sa gabing iyon.

Lumipas ang kinagabihan, iniisip pa rin niya si Teodor.

 ******

Umaga na at papasok na siya sa trabaho.

 Isang pag-uusap ang nangyari sa trabaho.

 Lorraine:Oy! Brianna! Alam mo ba may nakilala akong lalaki sa park. Napakamisteryoso niyang lalaki. Paano ba naman?! :/ Bigla na lang siyang nawala habang kausap ko siya.

Brianna:Oh? (Nagulat na pagsagot.) Talaga? Naku! Diyan nagsisimula yan Friend. J (May halong pangaasar.).

Lorraine: Adik ka friend! J Mukha namang marespetong lalaki ‘yun! Para ngang makalumang tao eh. (Sumagot na parang ‘di sigurado.).

Brianna:Hala, naku friend!  Ingat-ingat ha? J Ayain mo minsan! Nang makita ko naman.

Lorraine:Kung makikita ko pa. K

Brianna: Makikita mo pa yun. O, magkuwento ka pa! Gwapo ba? Matipuno?

Lorraine:  Oo, gwapo! Tas grabe nosebleed ang nose ko kapag kausap ko siya. Kasi grabe yung mga salitang ginagamit! Lumang-luma talaga! May mga ganong tao pa pala no?

Brianna: Haha! Ay, iba ka ah! Naku! Makata pala yan. Lalo tuloy akong nacurious kung sino at ano talaga yan!

*ATTENTION TO ALL EMPLOYEES! We have an urgent meeting. Please be here within 5 minutes.*

Pagkatapos ng ilang segundong pag-uusap nila Lorraine at Brianna, bumalik na sila sa kani-kanila nilang pwesto sa pagtatrabaho upang maghanda sa biglaan nilang meeting.

Marami silang napag-usapan kaya nama’y napagod silang lahat.

At sa muling pagsapit ng gabi, nanatiling bilog pa din ang buwan. At nagbalak pumunta si Lorraine sa park. Magbabakasakaling nandun si Teodor at para na rin maimbitahan o mayaya niya si ito. At sa ‘di inaakalang pangyayari, biglang sumulpot si Teodor, kaya nama’y nagulat si Lorraine.

Lorraine:Oh! Grabe! Akala ko hindi na kita makikita ulit. J (Nakangiti siya kay Teodor.). Nakatingala ka na naman? :// (Nagtatakang tanong ni Lorraine.)  Hindi ka ba nagsasawa o nangangalay man lang yang leeg mo?

Teodor:(Ngumti at napahalakhak siya.) Hahaha! Oo, hindi. Halika, maupo ka dito. (At tinuro ni Teodor ang upuan kay Lorraine.) Tignan mo, parang kulang ang isa ‘pag wala ang isa. Kailanman, hindi matatawag na gabi ‘pag walang bituin at buwan. Parang ako lang yang buwan na yan. (Tinuro niya ang buwan sa itaas ng langit.) Dahil ‘pag wala ang bituin para na lamang akong batang nagkukubli sa likod ng mga ulap. Natatakot lumabas ng walang bituin.

Lorraine:Ehem! J Ang lalim ah? Nagka-girlfriend ka na noh? (Masayang tanong niya.)

Teodor: Oo pero, wala... (Napatigil.)

Lorraine: Ha? Anong wala? Ano ba nangyari sa inyo ng girlfriend mo?

Teodor: (Nakatingala lamang ito habang pinagmamasdan ang buwan.)

Lorraine: Sige ‘wag na. Ahmmmm, pwede bang pumunta ka bukas sa Coffee Shop? Diyan sa may Ermita.

Teodor:Para siyang ikaw. Maganda at malambing. L (Malungkot habang kanyang sinasabi.).

Lorraine:Hahahaha! :D Talaga? ‘ Wag na natin siyang pag-usapan. Kitang-kita kasi sa mukha mo na malungkot ka kapag siya ang pinag-uusapan. Uy, ano na? Pwede ka?

Teador: Hindi ako pwede eh. May meeting kami. Busy ako palagi sa trabaho ko. Eto lamang ang aking pahinga sa maghapong pagtatrabaho. Nagpupunta lamang ako dito dahil sa gusto ko lang pagmasdan ang buwan.

Lorraine: Ahh, ganun ba? Sayang naman! Sige, bigay mo nalang number mo para magtext ka kung kelan ka pwede. :D

Teodor:0927******* . ‘ Yan ang aking numero. Sige, lumalalim na ang gabi. Kinakain na ng ulap ang aking buwan. Parang sanlaksang bulak na tinatakpan ang kaliwanagan ng buwan.

Lorraine: (Sinusulat ang numero.) Hala? :// Hayyy. Wala na naman siya. Bakit kaya laging nawawala yun. (Tingin sa buwan sabay sabing...) Hoy ikaw! Nakakailang bawi ka na sakanya ahh. Kakabitin kaya!

Matapos ang muling pag-uusap ni Lorraine at Teodor, umuwing nagtataka si Lorraine. Kung bakit parang bula kung mawala si Teodor. At habang sa pag-iisip ni Lorraine, siya ay nakatulog.

Sa muling pagsapit ng kinabukasan, tinext ni Lorraine si Teodor at tinanong kung pwedeng pumunta si Teodor sa Coffee Shop para makipagkita. Ngunit ang muling sagot ni Teodor ay HINDI PWEDE.

At dahil dun sa sagot ni Teodor, pumasok si Lorraine sa opisina ng malungkot.

LUNAWhere stories live. Discover now