Love is...

63 1 0
                                    

1 Corinthians 13:4-8

English Standard Version (ESV)

4 Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant 5 or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; 6 it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. 7 Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.

8 Love never ends. As for prophecies, they will pass away; as for tongues, they will cease; as for knowledge, it will pass away.

Marami tayong definition sa love, pero ano nga ba ang love para sakin? Kung itatanong nyo sakin kung ano ito, gagayahin ko lang ang verse na nakasulat sa taas o di kayay gumaya sa quotes na nababasa at naririnig ko. Hindi pa ako nagkakaboyfriend mi isang beses pero alam ko kung paano umibig. Alam mo yung UNREQUITED LOVE? Yung may mahal kang tao pero hindi ka nya mahal. And I'm a stupid idiot to sustain an unrequited love for years.

Ako si Lena, short for Magdalena. Ewan ko ba kung bakit yan ang pinangalan sakin ng Nanay ko. At si Gino naman ang taong minamahal ko since forever, Genesis ang real name nya. Pero kahit pala nakasama mo ang isang tao si diaper days at kahit alam mo na halos lahat sa buhay nya, hindi pa rin yun sapat para mahalin ka nya.

He is my senior, I am a sophomore. Kahit magkapit-bahay kami at madalas akong pumupunta sa kanila, parang ang hirap nya pa ring abutin... Hindi, ang hirap abutin ng puso nyang may mahal nang iba. May girlfriend na sya, si Mikaili na ang ibig sabihin ay "Godly woman". Oo, bagay sila, pangalan pa lang kuha na sa Bible... Kuha rin naman sa Bible yung aki ah! Magdalena nga lang. Psh. -______-

"Lena, nakatunganga ka na naman? Akala mo ba mabubusog ka kung tititigan mo lang ang pagkain?"

"H-huh?" Napatingin ako kay Theone nang mag-snap sya sa mukha ko. Isa pa tong babaing to, ang pangalan means "Godly".

"Kanina mo pa po kasi tinititigan ang pagkain... Psh.. Kanina pa ako talak ng talak dito wala naman palang nakikinig." Nakasimangot nyang sabi.

Tiningnan ko ang mga kasama namin. Si Lloyd ay parang ewan lang kumain, aakalain mo talaga hindi sya nakakain ng isang linggo. Si Sei naman parang wala lang narinig, tahimik na kumakain at parang walang muwang sa mundo. Tama nga si Theone, walang nakikinig sa kanya.

"Ako lang ba talaga ang matinong tao rito sa mundo? Ughh..." Sabi ni Theone habang sumusubo.

"Hindi naman Theone, nakikinig naman ako." At last, sumagot na rin ako sa kanya.

"Nakikinig daw, if I know iniisip mo na naman si Gino." Inirapan pa ako. Psh. -__-

Tumayo na si Sei, wow, naunahan pang matapos ang patay-gutom na si Lloyd.

"Aalis muna ako, pupunta lang sa banyo." Sabi ni Sei at umalis. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, si Sei ay kapatid ni Gino, Isiah ang real name nya. Close rin kami nyan pero hindi ko sya maintindihan masyado, tahimik kasi at seryoso.

"Alam mo Magdalena, dapat umamin ka na sa nararamdaman mo kay Genesis, ikaw lang din naman ang mahihirapan kung ipagpapatuloy mo lang yan!" Biglang sabi ni Theone. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Hoy, wag mo kong matawag-tawag na Magdalena dahil hindi ako naiinggit sa pangalan mo!! ..At isa pa, bakit ko naman aaminin sa kanya kung alam ko rin naman ang isasagot nya?" Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ng lunch ko, baka kasi mag-ring na ang bell.

"Malay mo naman sabihin nyang mahal ka rin nya."

"Engot ka ba talaga Theone? Tapos sasabihin mong ikaw lang ang matinong tao sa mundo? Tsk..."

Love is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon