Chapter 7

494 14 2
                                    

Ghost Haunting

Jay-jay's pov.

"Ate Jay! Ghost Haunting tayo!" Aya ni Ci-n, mabilis na nag-salubong ang kilay ko at sinamaan sya ng tingin

"Ayoko!" Tinignan nila ko pero nakay Keifer lang ang tingin ko. Naalala ko pa nung Festival ay magka-partner kami nun sa duty at merong white lady na sumulpot sa likod ko

"Bakit? Takot ka 'no?" mapanuyang asar sakin ni Ci-n

"Hindi naman...basta..a-ano...ehh" wala akong mahanap ng palusot sakanya

"Basta! Ghost Haunting tayo mamaya!" wala akong magawa kundi sumangayon nalang

Nag-simula nakaming kumain, at magdaldalan... As usual, si Ci-n ang pinakamadaldal sa lahat. Punong-puno pa ang bibig ng pagkain habang nagsasalita kaya nagtatalsikan yung nginunguya nya

"yack! Ci-n! Ayusin mo pagkain mo!"

"Oy Ci-n! Ubusin mo muna yang kinakain mo, tumatalsik samin!"

"Oo nga! Dugyot"

Napatawa naman ako dahil sa pagkabusangot ni Ci-n. Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko...

Tangina kinakabahan ako

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na din kami kumain. Si Felix na ang nag-present na sya nalang ang maghuhugas. Nadito nga pala kami sa gubat.

Hindi naman gubat na ano, parang camping lang. Kaya nga nag-aya si Ci-n ng Ghost Haunting-Keneme  ay dahil merong lumang gusali dito na nadaanan lang namin kanina

Nag-kwentuhan muna kami at sila Eren naman ay kumukuhang flashlight dahil malapit ng sumapit ang hating gabi. Merong pa din naman liwanag galing sa buwan pero hindi sapat yun para makita namin ang dadaanan namin.

Saktong alas-dose ng hating-gabi natapos lahat ng gawain namin. Nagsimula na kaming maglakad habang may kanya-kanyang hawak ng ilaw.

Katingkati na yung katawan ko dahil sa mga damong nadadaanan namin, isama narin yung mga putik na dumidikit sa sapatos na suot ko.

Mukha na tuloy akong taong grasa...

Ilang minuto rin ang inabot nang paglalakad namin ng makarating kami dun sa lintek na haunted building

Susmaryosep...lord, tulungan mo ako!

"Pre, tatakot ako!"

"Gago! Wag kang duwag!"

"Mama....takot ako!"

Puro bulungan nang mga ulupong yung naririnig ko dahil sa katahimikang bumabalot sa gusali

Pumasok na kami at nagsimulang mag-ghost haunting. Huminto ako at lumingon sa kanila.

"W-walang hihiwalay a-ah?" nanginginig na sabi ko. Tumango naman sila kaya nagsimula na ulit kaming maglakad.

Sa sobrang tahimik ng lugar ay kulang nalang magkaroon ng kuliglig. Tanging mga yapak lang namin ang naririnig at mga mahihinang bulong ng mga ulupong

Bigla nalang may kumalabog sa pangalawang palapag ng gusali kaya huminto kami at nanginginig na inilawan yung kisame.

"Ate j-jay...Tatakot a-ako" nanginginig na sabi ni Ci-n habang nakakapit kay David na ewan ko kung natatakot ba o hindi.

Napakapit ako kay Keifer na katabi ko nung makarinig ulit kami ng kalabog pero mas malakas na yun na tiyak kong umalingawngaw sa buong gusali.

Putcha, sino ba kasing nakaisip nito!? Ci-n lagot ka sakin pag nakalabas tayo!

Nagsimula na kaming lumakad papunta sa pangalawang palapag. Huminto muna ako dahil para akong hinihingal na ewan. Lumingon ako sa mga ulupong at agad na nagsalubong ang kilay ko nung nanginginig na inilawan nila ang pwesto ko at sunod sunod na lumunok.

Agad akong binalot na kilabot ng may naramdaman akong malamig na hangin sa likod ko.

Putcha ito na nga ba sinasabi ko eh!

Kahit labag sa loob ko ay nanginginig na lumingon ako sa likod ko at dun tumambad sakin ang isang baabeng nakaputing bestida. Nakayuko sya at mahaba ang buhok sa syang tumatakip sa mukha nya.

Dahan dahan akong umatras at sya naman dahan-dahang inangat ang mukha.

Napasigaw ako dahil bukang-buka ang bibig nya at may lumalabas doong pulang likido

Dugo!

"MAMA!!!!!!!!WAAAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ko sabay ng sigawan ng mga loko-loko

"PESTE! TULONG!!!!! WAAAAAHHHHH!"

"DAVID TULUNGAN MO AKO!!!"

"WAAAAAHHHH!!! MULTO!!!"

"AAHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ko nung makitang hinahabol kami nung multo pabaliktad. Naka-bend sya habang hinahabol kami kaya napatingin din sakin ang mga ulupong

"Putekk!!!!!"

"Tangina mo CI-N! ikaw nag-yaya dito!"

"AAHHHHHH!!!!!!!! MAMA HELP!!"

"Tangina!!! Hoyy!! Wag nyo kong iwan dito! Piste!" sigaw ko nang makitang nakakalayo na sila sa akin. Nahiwalay kasi ako kanina sa pagkahawak sakin ni Keifer habang tumatakbo

_____________

A/n: May part 2 pa yan dhai.....for sure bitin ka sa chapter na'to😂

AMNSE Funny Moments (FanMade)Where stories live. Discover now