Part 3

86 14 6
                                    

-Past-

"Mark san ba tayo pupunta?" ang tanong ko sa first boyfriend ko.

"Malapit na"

"Ano ba kasi yun bakit hindi mo na lang sabihin habang naglalakad tayo" medyo may inis na sabi ko.

3 months na kami ni mark. Nagsimula kaming maging boyfriend noong grade 5 ako. Hindi ko alam paano nag simula lahat basta ang alam ko lang. Niligawan niya ako at kami na daw. Pero alam ko na noon pa lang na lalaki talaga ang gusto ko.

"Dito na tayo" ani niya.

Lumingon lang ako sa paligid. Nandito kami sa Puno ng mangga ilang kanto mula sa school namin.

"Ahmm... Mark bakit dito mo ko dinala?"

Seryoso lamg mukha nito.

"Alon. Makikipagbreak na ako"

"Ha? Bakit?"

"Wala lang. Ayoko na"

Ang babaw mo naman"

"Basta Break na tayo. Salamat sa lahat"

At bigla niya akong iniwan.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko that time. Basta umiiyak na pala ako noon.

------

"Masarap ba yung kape" tanong ko sa boyfriend ko habang nandito kami sa cafe ng lugar namin.

Medyo kokonti pa lang ang tao.

"Masarap"

"May gusto ka pa bang puntahan natin after nito? Sa tingin mo saan kaya magandang maglakad lakad. Medyo tinatamad pa kong umuwi samin eh"

Hinawakan niya lang ang kamay ko at ngumiti.

"Alon.. "

"Yes?" ang may pagkamalandi t natatawang sabi ko.

"Eto na ang last date natin. Sorry makikipag break na ako"

Alam mo yung nanigas ka sa kinauupuan mo. Yun yung naramdaman ko.

"B-bakit?" ang nanginginig at naluluhang sabi ko.

"Pinagalitan ako nila mama at papa nung nakita nila tayo. Hindi daw ako pag-aaralin kapag hindi ako nakipag hiwalay sayo. Pasensya na talaga"

"Hindi mo man lang ba ako ipinaglaban. Josh?" ang humihikbing sabi ko dito.

"Sorry alon Grade 7 palang tayo. Kilala ko si papa nakakatok siyang magalit"

"Wala na ba talaga tayo Josh? 2 months pa lang tayo pero mahal na mahal kita"

"Pasensya na talaga alon. Ayoko na talaga"

Tumayo ito. Iniwan niya ako.

------

Naglalakad ako papunta sa bayan para mamalengke at bumili narin ng hapunan namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang lalaki ay para sa babae?Where stories live. Discover now