Chapter 38

10.2K 57 3
                                    

Chapter 38

Mabilis akong umiwas nang tingin at yumuko para damputin ang nahulog na kutsara sa tiles. Hindi na ulit ako lumingon sa banda nila. Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang nalaglag na kutsara sa ilalim. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko. I saw in my peripheral vision that he's still looking at me.

Shit! Siya 'yong tinatawag ni Tanya na sir D? Sir D, huh. A cheap name. Tumikhim si Sir Fernando bago ito nagsalita. Nasa gilid lang ako ng lamesa nakatayo magkatabi kami ni Clate ngunit diretso ang tingin ko sa unahan sinadyang iwasan na mapatingin sa kan'yang banda.

"This is one of our new hired manager meet Ms. Xia Dela Vega. Mr. Clate Daenne Fausa."

Ipanakilala ako nito kay Clate. Sa gilid ng mata ko nasulyapan ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Na tila naguguluhan sa sinabi ng aming senior manager. Nakipagshake hands siya sa 'kin nag-aalangan pa ako kung tatanggapin ko ba ito pero sa huli ay tinaggap ko na lang din.

Hindi pa tumagal ang pakikipagshake hands namin ay mabilis ko nang kinalas ang kamay sa kan'ya at hilaw na ngumiti.

"Nice to meet you Mr. Fausa." Tinago ko sa likod ang nakakuyom na mga kamao.

"Nice meeting you too Slyl— I mean Ms. Dela Vega."

Tumango lang ako at humakbang paalis roon  nang matyempuhan na naging abala na ang senior manager. Bumuntong-hininga ako pagkatapos makapasok sa loob ng kusina. Fuck! Bakit sa dinami-daming maaari n'yang puntahan ay dito pa? Mabuti na lang at wala rito si Slade. Paano kung narito iyon at nakita n'ya?

Hindi ko naman maideny na hindi n'ya anak ito dahil kuhang-kuha ng anak n'ya ang halos lahat ng features n'ya. Pati ugali nito ay sa kan'ya rin nagmana. Ang unfair nga eh, ako 'yong naghirap sa pag-alaga ngunit kahit isa ay walang namana sa 'kin ang anak ko.

Kinapa ko sa bulsa ng aking palda ang cellphone at mabilis na idnial ang numero ni Clyion. Isang ring pa lang iyon ay agad n'ya nang sinagot ang tawag ko.

"Ion... Where's Slade? Nasa bahay n'yo pa ba siya? Kung na kay tita pa siya huwag mo munang pauwiin ha?" kinakabahan 'kong wika.

"Yes Xia. But why? Is there something wrong?"

Narinig ko sa kabilang linya na may tumawag ito. Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil nasa trabaho pala siya at iniistorbo ko pa siya.

"Hala, sorry. Sa personal ko na lang sayo ikekwento. Sige ibababa ko na ang tawag. Ingat palagi."

Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita ulit at pinatay ang tawag. Gulong-gulo ang isipan ko kung paano maitatago ang anak ko sa ama n'ya. Kahit si Tanya na naging malapit na kaibigan ko na ay hindi alam ang tungkol sa nangyari sa amin ni Clate. Hindi naman talaga kasi ako nagkekwento. Si Clyion lang ang pinagsabihan ko no'n dahil malaki ang tiwala ko na hindi n'ya ito ikakalat.

Para'ng gusto ko na lang maglaho sa islang ito. Yes, were on island in Antique. Napahawak ako sa sink at napapikit ako nang mariin. Kung kailan gusto 'kong makalayo sa kan'ya doon naman siya pinapalapit lalo sa 'kin.

Napalingon ako nang marinig ang pagbukas nang pinto. Pinatili ko ang pagiging blanko ng aking mukha. Nakita ko ang pagtaas baba ng kan'yang adams apple.

"Do you need anything Mr. Fausa?" I gave him a bored look.

His eyes glistened. Para'ng nakakita ito ng gold bars. His mouth fell open. Like he saw something he can't believed to see it.

Ngunit hindi ko inaasahan ang gagawin nito. Dinamba n'ya ako ng isang mahigpit na yakap. Malakas ang kabog ng dibdib ko nang dumikit ang balat n'ya sa 'kin. He rested his head on my bare shoulder. Natuon ang atensiyon ko roon nang maramdaman na nabasa ang balikat ko. Is he crying? Ano naman kung umiiyak siya?

Lies Between Us (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat