Part 1

253 25 2
                                    

Tumatakbo akong pumasok sa loob ng kubong bahay namin dahil sa lakas ng ulan. Kakauwi ko lang galing eskwela.

"Buti naman at hindi nabasa ang gamit mo" ang sabi ng nanay ko habang nagtitiklop ito ng damit sa sala.

Ngumiti lang ako ng bahagya.

"Hindi naman po nay. Buti na lang at pinahiram ako ng payong ng kaklase ko" ang sabi ko habang sinasarado ang payong na pinahiram sa akin.

"Sinong kaklase mo yan anak?" ang curious na tanong nito habang patuloy ito sa pagtutupi ng damit.

"Si Andrea po" ang mahinang sabi ko.

Bigla itong tumigil sa pagtutupi at tumingin sa akin.

Bakas sa mukha nito ang saya.

"Si.. Si Andrea anak? Si Andrea? Mabuti naman kung ganun" ang sabi nito.

Nagpatuloy ulit ito sa pagtutupi habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Bigla siyang huminto at rinig ko ang buntong hininga nito.

Alam kong may gusto siyang sabihin.

Tinanggal ko na ang sapatos ko.

"Anak..."

"Po? "

"Lagi mong tatandaan..."

Hindi pa man niya natatapos ang kanyang sasabihn ay alam ko na kung ano ang nais nitong ipahiwatig.

"Opo nay. Lagi ko pong tatandaan na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki lang" ang nakangiting sabi ko.

"Maganda si Andrea anak bagay na bagay kayo. Babae siya lalaki ka"

Bumuntong hininga lang ako.

Rinig ko ang lakas ng hangin sa labas.

"Opo. Maganda po si Andrea" ani ko.

Maglakakad na sana ako papasok sa kwarto ko ng tinawag ulit ako ng nanay ko.

"Anak"

"Po? "

"Ang sarap sa pakiramdam noh na makita ka ng tao na babae ang kasama mo" ang nakangiting sabi ni nanay.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"Opo nay. Alam ko na yan. Simula pagka-bata hanggang ngayon yan naman po ang lagi niyong tinatatak sa isipan ko. Wag po kayo mag-alalala. Ayaw niyo lang po akong mapunta sa impyerno"

Para namang nabunutan ng tinik ang nanay ko dahil sa pagpabor ko sa gustuhin nito.

"Salamat anak. Buti naman at naiintindihan mo na kami ng tatay mo. Ayaw ko lang makita na binubugbog ka ng tatay mo dahil diyan sa ka-Imoralang at baboy na.. ang lalaki ay magkakagusto sa kapwa niya lalaki. Hangang ngayon hindi ko maisip bakit may mga ganung tao. May Diyos pa ba sila?" ang murmur nito.

Napahinto ako.

Huminto ako saglit at sinabi sa kanya ang gusto niyang marinig.

"Nay,  Kami na po ni Andrea" ang sabi ko dito.

Bigla itong nagulat sa isiniwalat ko at agad itong napatayo sa tuwa.

"Talaga ba anak? Tiyak na matutuwa nito ang tatay mo pag uwi"

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Salamat anak. Salamat at nasa tamang katinuan kana ngayon. Tiyak na matutuwa ang mga tiya at tiyuhin mo nito"

Ngumiti lang ako at niyakap siya pabalik.

"Ah,  eh..  Sige po nay. Papasok na po ako sa kwarto ko. Medyo basa narin po ako baka magkasakit pa ako"

"O siya, O siya.. sige sige. Matutuwa nito ang tatay mo" ang tila excited na sabi nito.

Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto.

Hinubad ko ang school uniform ko at nagpalit ng damit sabay higa sa kama at tumingin sa labas ng bintana.

Ang lakas parin ng ulan hanggang ngayon.

Ang lamig na ng simoy ng hangin.

Ang sarap matulog.

Kinuha ko ang cellpone ibinigay sa akin ni Tito noong kaarawan ko.

Nabasa ko doon ang mensahe sa akin ni andrea.

Matapos ko itong replayan ay tumingin ulit ako sa labas ng bintana.

Hay.

Mag-tatatlong linggo narin mula ng maging kami ni Andrea. Bukod sa maganda ito ay siya ang babaeng hinahanggan ng lahat. Maganda, sexy,  matalino at malakas ang karisma.

Hindi naman ako ganun ka gwapo pero madami rin ang nagkakagusto sa akin dahil sa pagiging active at talino ko sa school.

Minsan naiisip ko. May mali ba sa akin? May mali ba sa gusto kong mangyari? Pero sa tuwing iisipin ko ang mga sinabi ni nanay at sa magiging galit ni tatay. Mas pipiliin ko kung saan ako tatanggapin ng lahat.

Na ang babae ay para lang sa lalaki at ang lalaki ay para lang sa babae.

Simple, hindi mahirap intindihin, hindi mahirap gawin.

Hindi ba?

Lalaki ako. Babae siya.

Normal kami.

Mas masaya kami.

Hahangaan kami ng maraming tao.

Maganda siya at gwapo daw ako.

At higit sa lahat Straight kami.

Haysss...

Ako nga pala si Alon Mendoza. 16 years old at ito ang kwento ko.

______________________________________

Please vote and comment for the next chapter. Salamat.

Ang lalaki ay para sa babae?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora