CHAPTER 7

7 4 0
                                    

Mrs. Sandoval pov

Umiiyak kong pinagmamasdan ang mga dumating na doctor na tumitingin sa kalagayan ng aking anak na si ariam na ngayon ay walang malay at nakahiga sa kama ng kanyang kwarto.

"How's my daughter?",agad na tanong ko

"She's okay, dala lang ng matinding emosyon kaya siya nawalan ng malay",

"Kailan siya gigising?",

"She need rest. And i think she need to be aware sa kanyang mga iniisip, para naman hindi maapektuhan ang kanyang physical na katawan, mrs. Sandoval i suggest na ilayo siya sa kung ano man ang dahilan ng kanyang pag-iisip.",

"Thank you.",nagpaalam ito at hinatid ito ng aking asawa sa labas ng bahay.

Hindi ko na naiwasang maging emosyonal dahil sa katotohanang naguguilty ako dahil meron akong tinatagong kasalanan sa anak ko, na dapat hindi ko ginawa. Lumakad ako patungo sa kwarto ni maria at sinarado ang pinto. Bago humarap sa kanya at umiyak.

"A-alam k-kong huk~ a-alam kong m-marami akong k-kasalanan sayo a-anak",napatakip ako sa bibig
"A-alam kong marami a-akong pagkukulang s-sayo. A-alam ko y-yun anak. At, at n-nagsisisi ako d-don. S-sana, sana w-wag mong p-pahirapan a-ang kapatid mo. A-anak nakikiusap ako s-sayo, w-wag mo s-siyang p-pahirapan anak. H-hindi ko n-na kakayanin k-kapag nawalan pa ako ng isa pang a-anak. M-maria s-sige na ohh! K-kahit kahit araw araw mong i-ipaalala sa akin ang lahat. K-kahit araw araw mong isisi sa akin ang lahat ng hirap at s-sakit na pinagdaanan mo a-anak. H-huwag lang ang k-kapatid mo anak",nakikiusap na giit ko

Napaluhod ako sa sahig at nagmamakaawa sa harap ng litrato ng anak ko. Alam kong nakikinig siya. Alam kong nandito siya. Alam kong nakikita niya ako. Alam kong naririnig niya ako. Alam ko lahat yon kase ramdam ko siya. Ramdam na ramdam ko ang presensya ng anak kong si maria.

"A-anak. S-sige na ohhh! K-kahit hindi m-mo na ako patawarin h-huwag mo lang p-pahirapan ang kakambal m-mo. Anak!",

"H-hon",tinig ng aking asawa, humawak ito sa aking braso, at humagulgol.
"T-tama na. Huh? Halika na",

"N-no!! Y-yung anak natin a-ayaw ko na siyang m-mahirapan. H-hindi. Huhuhuhuhu', h-hindi ko na kakayanin kapag nawala pa si ariam s-satin. H-hindi na",hagulgol ko

Para akong sinasaksak ng paulit ulit at libo libong kutsilyo ang nasa puso ko, hindi mapigil ang luhang bumabagsak dahil sa sakit na nararamdaman.

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan gagawin ko lahat para maging mabuting ina sayo maria. Babaguhin ko ang lahat kung makakaya ko, kahit pa ang kapalit non ay buhay ko anak. S-sana mapatawad mo ang mommy!

"M-maria. P-patawarin m-mo si mommy. P-patawarin mo ko!. Huhuhuhuhu' i-i'm sorry! I'm sorry!! A-anak I'm sorry",

Habang yakap yakap ng aking asawa hindi ko maiwasang pumasok sa aking isip ang lahat ng mga ginawa at sinabi ko kay maria.

At para akong paulit ulit na pinapatay ng maalala ang umiiyak na mata ni maria, ang sigaw at pag mamakaawa niya, ang lahat ng sakit at pahirap na ginawa namin sa kanya pero... Pero ni isang beses... N-ni isang beses... H-hindi mo ko kinasuklaman. Kahit k-kailan hindi mo ko sinumbatan.


Ariam pov

Tuloy tuloy ang daloy ng luha sa aking mata habang nakikinig sa sinabi ni mommy, binuksan ko ng marangya ang pinto at don ay yakap yakap siya ni dad, nasasaktan akong tumingala sa litrato ni maria at umiyak habang inaalala ang nakita sa kanina hindi ko alam kung panaginip o sadyang pinakita niya sa akin.

At lahat ng nakita ko ang pumapatay sa akin ng paulit ulit. Lalo pa ang dahilan non ay ang sarili naming ina.

"P-pinalayas m-mo ba ang k-kapatid ko dito sa mansyon?",mahinang giit ko habang titig kay maria

My twin sister died because of bullies (teaching the worst lesson for bullies)Where stories live. Discover now