CHAPTER 25

2.9K 66 4
                                    

TRISTAN's POV

Pagkapasok kay Alexander sa Emergency room tumambay kami sa labas nun, ng bigla kong naisipan si Candice.

tinignan ko sila "May nagsabi na ba kay Candice?"

alam na kasi namin na Mahal na niya si Candice, eto kasi yun a night before ng Mallshow niya.

⇨⇨⇨ F L A S H B A C K ⇦⇦⇦

Nasa penthouse kami nun ni Alexander, nauna na kami sakanya dun kasi may shooting at may photoshoot pa siya.

nakaupo kaming tatlo nina Nik, Gab at Lance sa couch ng penthouse niya,
"Alam niyo ba? parang iniiwasan tayo ni CANDICEcacy. Feel niyo rin ba yun mga bro?"

"Parang aso ka talaga Trist, naamoy mo eh. Lakas ng pang-amoy mo" -sabat ni Nik na parang natatawa pa. Gago talaga to, kitang seryoso ako eh.

"Tumahimik ka nga Nik, pero seryoso yan ang nakikita ko eh" -sabi ko ulit.

tumango si Lance "Oo, pero parang mas malala kay Alexander eh"

naguluhan naman si Gab nun "Bakit?"

"Eh kasi satin, Okay pa. Pinapansin pa niya tayo kahit kaunti, pero kay Alexander? di niya na pinapansin at kinakausap tapos nilalayuan pa niya, bawat magkasalubong silang dalawa umiiwas si Candice. Hay ewan ba!" -sagot ni Lance, pero pano niya nalaman? dakilang chismoso din ang isang to eh.

tiningnan ko siya ng seryoso "Bakit mo yan alam?"

"Eh kasi nung nagkasalubong sila magkasama kami nun ni Alexander kaya yun." -supladong sagot ni Lance sakin.

"Sa tingin ko? inlab na yang si Alexander eh" -sawsaw ni Gab, pero sa totoo lang? yan din ang napapansin namin eh halos ilang linggo na ding puro Candice lang ang bukangbibig niya kahit naman na may kalove-team na siya. Di kasi namin feel si Angelic para sakanya eh, ang taray!

nagulat kami ng biglang may nagsalita "Sino ang inlab na sinasabi niyo?"

si Alexander pala andiyan na.

"Oh brad? wala, oh? bati na ba kayo ni Candice?" -tanong ni Nik, napangiwi naman kami dahil umiling siya.

sumalampak siya sa higaan niya "Ano ba ang dapat kong gawin? wala akong ganang pumunta ng Mallshow ko bukas"

nagkatinginan kaming apat "KASI WALA SI CANDICE?!"

tiningnan niya kami "Ewan, pero there's a part of me na ayaw kong pumunta pero there's a part of me na gustong pumunta. Pero gusto kong maayos na kung ano man ang meron samin."

tumikhim ako "ano ba ang meron sa inyo ni Candice?"


" Don't tell me, inlove ka na sa fan mo?" -tanong ni Nik.


"Don't tell us na Mahal mo na siya" -sunod na sawsaw ni Lance.

"Don't tell us gusto mo na siya?" -sunod din na tanong ni Gab.


kinamot at sinabunutan niya ang sarili niya "EWAN KO! UGH, OO MAHAL KO NA SIYA! DI NAMAN KASALANAN YUN DIBA?! TAO DIN NAMAN SIYA, SO PWEDE KO SIYANG MAHALIN KAHIT NA ARTISTA AKO AT SIMPLENG FAN KO LANG SIYA DIBA?!"


pagkatapos niyang sabihin yun nagdiwang kami at dinaganan namin siya sa kama niya.

"WHOOOOOO! KAHIT NA TYPE KO SI CANDICE IPAPAUBAYA KO SIYA SAYO!" -sigaw ko at binatukan siya.


"PUTA! DALAGA KA NA BRAD!" -sigaw din ni Nik sabay batok kay Alexander at sakin. Putang 'to anchaket nun ah!


"PERSTYM UMAMIN DIN ANG LOKO!" -sigaw ni Lance at binatukan din si Alexander pero kawawa din naman siya saming apat binatukan namin siya eh. Talo!


"TINAMAAN KA NA TALAGA! MASAYA KAMI PARA SAYO----" -di na natapos ang sasabihin ni Gab dahil pinalo siya ng unan sa mukha.

naghampasan ng naghampasan kami ng unan hanggang sa mapagod kami, humilata kami sa kama ni Alexander.


bumuntong hininga siya "Ah basta, kung nandun man siya bukas. Gagawin ko na ang plano ko"

yan ang huling sabi niya bago siya nakatulog, ng dahil sa pagod.


⇨E N D OF F L A S H B A C K⇦

So yun, kaya nalaman na namin.

"Pinaalam mo na ba 'to Gab kay Tita at Tito?" -tanong ko kay Gab na ang itsura ngayon ay dugu-duguan.


bumuntong hininga siya "Wala pa, umalis si Tita kanina. Lumipad siya ng Japan, pero babalik din naman siya bukas na bukas"

"Eh kay Candice?" -tanong ni Lance.

sasagot pa sana si Gab ng biglang may nagsalita.


"I-If-Ifour"

kaya napatingin kami kung saan nanggaling ang boses na yun, at nakita namin si Candice na mugto ang mga mata niya.


kaya dali dali kaming apat na pumunta sa kinatatayuan niya at niyakap siya, nakakaawa siya.


"Hush ka na, hintayin nalang natin ang resulta" -sabi ko atsaka siya pinaupo sa labas ng E.R.


umupo siya "What happened Gab?"


"I don't know, basta tinawagan niya ako so sinagot ko. Halata nga sa boses niya na umiiyak siya, tapos sabi niya pumunta daw ako sa **** Bar pero mayamaya biglang may nag sound na parang aksidente atsaka di na siya sumasagot sakin at biglang pumutol ang linya" -kwento ni Gab.


tinignan ko si Nik.


"pumunta ka ba sa Mallshow niya kanina?" -tanong ni Nik, buti naman at na gets niya ang gusto kong ipahiwatig.


she nodded at tumulo na naman ang mga luha niya.


"so, anong nangyari? pwede ka bang magkwento?" -tanong ni Lance naman. Kawawa naman si Candice.


she nodded.

CLIFFHANGER!

Buhay Fangirl (KathNiel) - EDITINGWhere stories live. Discover now