Kabanata 26

33 10 8
                                    

GUSTAVO

Matapos ang tawag ni Shannon, nagawi ang tingin ko sa mga kaibigan ko na noon ay nakatingin sa akin.

As usual, malalapad na naman ang ngiti nila dahil kausap ko ang girlfriend ko.

"Sige, sama na'ko," pagbabawi ko.

I don't know what they are up to today. Mabilis kasi akong tumanggi kanina kaya hindi ko inalam ang detalye kung saan na naman sila pupunta.

"Tara na!" aya nila.

At namalayan ko na lang na ang ilan sa mga kaibigan namin na wala pang lisensya ay nasa loob na ng kotse ko para makisabay.

"Ano bang plano nyo?" tanong ko bago paandarin ang kotse.

"Nag-aya si Lucas sa kanila, may bagong bukas raw na indoor playground sa subdivision nila." Si Zak ang sumagot.

Sakay ang apat kong kaibigan sa kotse habang ang ilan ay nasa kotse ni Tyler, nakarating kami sa indoor playgroud na tinutukoy ni Lucas.

I was expecting slides, colorful balls, and doll houses given that my friends are childish at times. Akala ko katulad ng kidzoona ang tinutukoy nila. The place is for adults

It has darts, table tennis, billiard hall and bowling alley. May mini bar rin sa loob.

Sa bowling alley sila unang nagpunta. Sumunod lang ako.

"Himala kuya Gus, akala ko ba lalabas kayo ni ate Shannon ngayon?" tanong sa akin ni Kayden habang namimili ako ng bolang gagamitin.

"I canceled it."

"Bakit? Nireject ka ni ate Shannon?" tanong ni Blake.

Napatigil ako roon.

"She will go out with her friends."

"Again? Diba ganon rin ang pinaalam niya sayo nakaraan? Baka naman ayaw na sayo?" nakangising sabat ni Nathaniel kaya nalipat rito ang tingin ko.

"Just shut your mouths kung wala kayong sasabihing matino. I have to understand her situation. She's being a good friend for now. Mukhang may problema ang isa sa mga kaibigan niya kaya lagi niyang kasama."

"Sino roon, yung morena o yung pink ang buhok?"

Nagkibit balikat ako. "Not sure but I guess her name is Kate? I just heard from Shannon that her friend is currently... sort of brokenhearted" sagot ko.

Iiwan ko na sana sila pag-uusap nang mapansin ko sa peripheral vision ko ang biglaang pagtingin ni Tyler sa akin matapos kong sabihin iyon.

Why is that Tyler?

"Ah! Yung pink ang buhok!" sabat ni Lucas. "She's the girlfriend of Jay Moreau, heir of Moreau Diamond Inc. right?"

Pasimple kong pinagmasdan uli si Tyler. Namimili na rin ito ng bolang pipiliin. Bagaman nakatalikod sa kumpol ng nagchichismisan halatang nakikinig ito dahil sa bagal nitong kumilos. He seems to have deep thoughts again.

Ilang buwan na siyang wirdo pero hanggang ngayon ay di pa rin nagsasabi ng problema.

"Break na sila!" rinig kong sabat ni Kayden pagkatapos ay makahulungang tumingin sa gawi ni Tyler.

Those two are childhood friends. Parehong galing Italy. I'm sure there is something going on, we know nothing.

"Nandito ba tayo para magchismisan?" sabat ko na.

Humarap si Tyler sa amin, may hawak hawak ng bowling ball. Nakangisi.

"Ang may pinakamababang score, manlilibre diyan sa resto bar," hamon niya.

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon