Chapter 23

7.2K 235 19
                                    

Night's POV

"Ang daming gwapo." nakangiting sabi naman ni Quinn pagkaupo namin sa venue.

"Ay sus akala ko ba studies first ka diyan?"

"Hindi naman masamang humarot minsan." Napailing naman si Max.

Nag warm up pa kasi ang mga players kasi may 20 mins pa before mag start.

Kumaway naman ako sa maldita sa kabilang side dahil nandoon sila nakaupo ni Averyl.

Wala si Noah dito kasi may ipinagawa sa kanya iyong sir nila. After sa mga basketball games pa kasi ang volleyball.

Ang maglalaro ngayon ay ang Red vs. Blue.

Team Red ako siyempre kasi team ko ito eh.

Nag start na iyong game at siyempre, lumabas agad iyong galing ni Kai.

Sa first quarter pa lang na tambakan na ang kalaban kasi ng score ay 40 - 23. Sa second quarter naman ay 60 - 37 ang score. Pagkadating sa third quarter, 89 - 59 ang score. Panalo ang Team Red kasi ang final score ay 128- 78.

Pagkatapos sa game nila Kai ay ang team Green at Yellow na. Team nila Travis at sa Yellow naman ay sina Sam.

Panalo ang team nila Travis dahil ang score ay 100 - 89.

"Kinakabahan ako." sabi naman ni Quinn habang papunta kami sa venue ng volleyball para manuod kay Noah. Hindi na namin mapapanuod ang soccer match nila Marco kasi same time eh.

"Bakit?" natataka kong tanong dito.

"Panalo sila Travis kanina so that means si Kai ang makakalaban nila sa championship round."

"I have a bad feeling about that." sabi naman ni Max.

"Think postive nga kayo diyan, alam niyo naman iyon si Kai hindi basta-bastang natitinag iyon." pampalama ko naman sa kanila.

"Oo nga naman." Quinn sighed at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Susunod lang daw iyon si Kai kasi nasa shower room pa. Tagal mag shower talaga ng lalaking iyon.

Pagkadating namin sa venue ay same pa din ng daming tao. Nakita ko naman nag start na ang game.

First set, panalo sila Noah. Tapos sa second set, natalo sila.

"Jusko!" Biglang sigaw ko dahil grabeh ang laban.

"Lakas maka hampas." sabi naman ni Quinn. Bakas din sa mga mata niya ang paghanga sa laro.

"Did you miss this?" tanong sa akin ni Max.

"Oo, sino ba namang hindi eh ito na iyong nilalaro ko since elem pa ako until Grade 9 tapos biglang hindi na ako makalaro after sa injury ko." tumango naman siya at tinapik ang balikat ko.

Parang may nawala sa pagkatao ko noong hindi na ako nakalaro. Galit na galit ako sa sarili ko noing time na iyon eh. If only naka landing ako ng maayos after ko mag spike, naglalaro pa sana ako ngayon. Pero wala eh, nangyari na. Wala na akong magagawa pa doon.

Natapos na ang third set at panalo sila Noah. Fourth set na at nanalo pa din sila kaya agad naman kaming nag cheer dahil sila ang panalo. Ang makakalaban nila ay ang Team Blue kasi talo ang team namin kanina.

....

Shyle's POV

"These are the results of the games noong Day 1 and ngayon po." I confidently said while presenting the results sa President of the school.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon