Chapter 6 - Tampuhan

32 0 0
                                    

2 days after mangyari ang Spin the bottle or like a confession moment may nag iba sa samahan namin. Not actually samin kundi sa dalawang taong pinakamalapit sakin. Kay Lance at Trisha. We usually hang out together, the three of us.

Pero ngayon, may iba. Noon sa isang araw hindi kami mapaghihiwalay na tatlo. Ngayon, pag hindi si Lance kasama ko, si Trisha naman. Hmmmm parang nagiiwasan silang dalawa na ewan. Hindi naman ako makapagtanong pero hindi ko natiis kasi feeling ko may nangyari na hindi manlang nila sakin sinasabi. Ang set up pa parang nasa gitna nila ako haisst. Mag aacquaintance na hindi pedeng ganito set up namin.

Nakita kong dumating na si Trisha, ngumiti sya sakin at lumakad palapit.

"Hi,"bati niya sakin pagkaupo niya sa tabi ko.

"Hi!"bati ko din sakanya, sabay napansin ko naman si Lance na kararating lang din at agad na napansing nakatingin ako sakanya. Naglakad sya palapit at umupon sa kabilang side ko.

"Hello" sabi ko sakanya.

Ngumiti sya at pinisil ang pisngi ko. "Hello" ganting bati niya sakin.

Hmmm this is it.

"May problema ba kayo?" – Ako

"Huh?" sabay nilang reaksyon sakin.

"Ang sabi ko, may problema ba kayo? I mean kung magkaaway ba kayong dalwa?" sabi ko at tiningnan sila pareho. Wala sa kanilang umimik at sinulyapan lang ang isa't isa at sabay na nagiwasan ng tingin din.

"Seriously! Guys! Ilang araw ko ng napapansin na mukhang nagiiwasan kayo, Hmmmmm walang aamin sainyo?" medyo may galit na imik ko sa kanila.

"Mahirap kasi pag iba ang tingin sayo ng kaibigan mo." Biglang imik ni Lance na nakatingin sa kawalan.

Nagtatakang tumingin ako kaniya, "What?" tanong ko.

I heard Trisha fake a small laughed. "Talaga ba? Oh baka dahil hindi mo lang talaga trip? Dapat diba honest ang magkaibigan sa isa't isa?" sabi naman ni Trisha habang nagsusulat ng madiin.

Naguguluhan ako sakanila, ano ba sinasabi nila?

"Huh! Naging honest naman eh, pero mukhang hindi tanggap. Hindi ko na problema yun." – Lance

Tumigil sa pagsusulat si Trisha. At tumingin ng masama kay Lance, pero hindi naman nakatingin ang huli.

"Tang Ina Lance! Tanggap ko diba! Sinabi ko dapat walang magbago! Pero ikaw itong umiwas at hindi namamansin sa mga text ko!" paiyak ng imik ni Trisha.

Nabigla ako, nasa likod kami at walang professor ngayon kaya kanya kanya ang mga kaklase ko pero ng sumigaw si Trisha lahat ng atensyon ay nasa amin. Sina Kuya Allan ay napatingin sa amin. Si Jaime naman ay tumingin sakin at parang nagtatanong ang mga mata sa akin, kaya umiling ako para sabihing hindi ko na alam ang nangyayari.

"Bhe," hinawakan ko ang kamay ni Trisha pero padabog na tinanggal niya yun. Ikinabigla ko yon, napatama kasi ang kamay ko sa bangko na nasa harapan ko.

Tiningnan niya din ako na may galit sa mga mata. Naiiyak na ko, ano bang nangyayari?

"Ano bang nangyayari sainyo?" hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako, bakit ganito?

"Wala ka ng pakialam don Ly!" sigaw sakin ni Trisha. Nakatulala lang ako sakanya.

"Tang Ina!" mura ni Lance sabay tayo. "Huwag mo idamay si Ly sa kaartehan mo Trisha!" sigaw naman ni Lance. At hinawakan bigla ang kamay ko at hinigit pa tayo. Naguguluhan akong tumingin sakanya sabay kay Trisha.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now