Machtkampf*

19 0 0
                                    

Ang lipunan daw natin ay nasa anyong tatsulok. Nasa taas, sa apex, yung pinakamakitid na parte ng tatsulok, yung mga mayayaman. Nasa baba, sa base, yung pinakamalapad na parte, ang nakararami, yung mga mahihirap. Ayon sa mga Marksista, dapat daw baliktarin yung tatsulok. Kung magkaganun, yung mga mahihirap yung mapupunta sa taas at yung mga mayayaman(g nagpapayaman pa sa pagnanakaw ng yaman ng iba kahit ang yaman-yaman na nila) yung mapupunta sa baba. Sabi ko, bakit kailangang baliktarin yung tatsulok? Eh pag binaliktad mo yung tatsulok, yung mga mahihirap yung mapupunta sa taas at yung mga mayayaman yung mapupunta sa baba, eh wala pa ring equality, di ba? May mahirap at may mayaman pa rin. Kung dapat maging equal sila, di ba dapat wala ring taas at baba? Kasi kung may taas at baba, ibig sabihin, wala pa ring pagkakapantay-pantay.

Di ba mas dapat sirain yang tatsulok na yan?


*German for "power struggle;" title based on a song of the same name by Arch Enemy (once again)

Anthems of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon