IV • Cancelled Flights and Private Jets • IV

36 0 0
                                    

Eto ako ngayon nag-aayos ng i-eempake kong mga damit dahil bukas na ng madaling araw ang flight ko papunta sa Russia dahil sa makalawa na ang kasal nila papa at aunty.

Isang maleta at isang backpack lang ang dadalhin ko since more or less two weeks lang muna ako sa Russia, then uuwi ulit dito para ma-celebrate ang new year kasama sina lola then babalik ulit sa Russia para manirahan na dun kasama sina papa.

1 am ang flight ko mamaya na binook nila papa, gusto sana nila ibang time kaso wala na palang ibang flight papuntang Russia kundi ang flight ko kaya yun nalang ang binook nila. Kakatapos ko palang mag impake ng kumatok si lolo sa frame ng pinto dahil bukas ang pinto.

Sinabi ko na kila lolo ang desisyon ko, nalungkot sila pero payag naman sila dahil buhay ko naman ang mababago at hindi ang kanila.

"Yes lo?" tanong ko habang zini-zipper ang maleta kung nasaan ang mga damit at sapatos ko.

"Kakain na, pinaghanda ka ng lola mo ng marami bago ka umalis mamayang umaga." sabi niya sabay pasok sa kwarto ko. Ramdam kong may iba kay lolo kaya tumayo ako at niyakap siya.

"Lo, wag kang malulungkot. Baka hindi na ko tumuloy dahil dyan sa mukha nyo." lambing kong sabi maya naman napatawa nalang si lolo at niyakap ako pabalik.

"Hindi, mamimiss ko lang ang mahal kong apo. Eh halos buong buhay mo nandito ka lagi samin, ngayon eh madalang ka na namin makikita." sabi niya sabay hawak sa braso ko at tinulak ako pero nakayap parin naman.

"Mag-iingat ka dun. Wag na wag kang magpapaapi, sumpladita at maldita ka pa naman lalo na nung bata ka pa. Pag may nang api sayo dun sumpladahan mo kahit sino pa yan. Murahin kahit hindi ka maintindihan nung tao, basta wag kang mananakit. Ibang usapan na yun." paalala ni lolo kaya natawa nalang kami.

Bumaba na kami para hindi na mainip si lola kakahintay samin. Napakadaming hinanda ni lola, adobong intsik, fried chicken, sweet and sour tilapia, tsaka tortang sardinas. Kumain na kami at for the first time ay nag-uusap kami. Alam kong mamimiss din ako ni lola kaya sinusulit na niya ang oras hanggat nandito pa ko.

Masaya ang naging salo-salo namin, pinatulog agad ako nila lola para daw madali akong magising mamaya at ihahatid din daw nila ako kasama si Lou. Nag prisinta si Lou na siya na ang maghahatid sakin sa airport, gusto din sana sumama ng barkada kaso wag nalang dahil 2 weeks lang naman ako dun at sa January nalang.

Alas-dyes na ako nakatulog dahil sa excitement, makikita ko na din si Papa. Halos isang taon na ang nakalipas nung huli namin siyang makita kaya excited na kong makita ulit siya. Nagising ako bandang 12:10am kaya tumayo na ako para mag-ayos.

Nagsuot nalang ako ng puting jumper na ang pamibaba ay shorts, napakainit parin kasi dito sa Pilipinas  kaya yun nalang ang pinili ko. Tinernuhan ko na rin ng puting ankle boots na bigay ni Papa.

Nasa baba na ang maleta ko pati narin ang backpack

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasa baba na ang maleta ko pati narin ang backpack. Narinig kong may kumakaluskos na sa labas ng pinto ko at bukas na ang ilaw sa labas kaya alam kong gising na din sila lola. Pinusod ko nalang ang buhok ko at bumaba narin.

My New Russian Step FamilyWhere stories live. Discover now