22

157 7 0
                                    

07 — 21

Kanina pa ako nakatingin sa screen ng ipad ko. Walang pumapasok sa isip ko na ilalagay kong notes sa video na ine-edit ko. Naka-ilang kape na rin ako pero ‘yong nangyari talaga kahapon sa coffee shop ang laging pumapasok sa isip ko. Dumagdag pa ‘yong mga messages niya sa akin at ang mga posts na naka-tag or mention kaming dalawa. Nakakahiya, for real. Tinanong ko pa kanina ‘yong manager namin kung puwede ba akong mag-excuse bukas dahil masama ang pakiramdam ko na agad niya namang inaprubahan. Pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang pumasok dahil paniguradong tutuksuhin at aasarin lang nila ako to the point na gusto ko na lang magpabaon sa lupa.

Created 3:43 AM

Addiction Series #5: Coffee, Tea, or Me? | ✓Where stories live. Discover now