CHAPTER 13: HOME

47.8K 1K 170
                                    

CHAPTER 13: HOME

''I want to meet your friends Aesha.. Para naman malaman ko kung anong klase ng tao ang mga sinasamahan ng anak ko.'' nakangiting sabi nito sa akin habang nagmamaneho siya.

''Basagulero sila, walang direction ang buhay.. Masaya lang sila kahit wala silang nararating. Mga siga at barumbado po yung mga kaibigan ko.. Karamihan din po sakanila utak ipis at tutubi. Makikitid po yung mga utak nila..  Mag kakaugali po kami, kaya ayun..'' akala ko magagalit siya, pero tumawa lang ito.

''Parang ikaw ang mama mo.''

''Bakit naman po??''

''Matigas din ang ulo ng mama mo.Kung hindi mo natatanong, siya pa ang nanligaw sa akin.'' nasaan na nga ba ang mama ko??

''Nasaan hu ba si Mama?? Gusto ko rin siyang makita.'' kumaliwa ito, at tumigil sa isang sementeryo. Napataas yung isang kilay ko.

''Supoltorera po ba yung mama ko?? Anong ginagawa natin dito??'' lumakas lalo ang tawa nito.

Adik yata tong tatay ko.  =___=''

Ipinarada niya na yung sasakyan, at kinuha yung mga Tulips sa compartment ng sasakyan. Nag lakad kami papunta dun sa isang parte ng cemetery.. Teka nga..

''Ipapakilala na kita sa mama mo.'' inilapag niya yung mga bulaklak dun sa isang puntod.

''Honey, nahanap ko na yung anak natin oh. Ang ganda niya diba?? Siyempre nagmana siya sayo.. Sayang hindi mo na siya nakita, pero alam ko naman na parati mo siyang binabantayan kahit nandyan kana sa tabi ni Lord.''

Ngumiti ito sa akin,

''Aesha, this is your mom Alexandra Flinn.'' nang mabasa ko yung nakasulat, at nakita ko yung picture niya na kasama kaming tatlo ni Papa..

Naiyak ako bigla.. Ni hindi ko man kase nakita kung anong itsura niya, kung anong kulay ng mata niya. Ni hindi ko man narinig yung boses niya, ni hindi ko man naramdaman kung anong feeling ng may mama sa pag tulog lalo na pag natatakot ako sa kulog at kidlat..

''Ma.. Ako po ito, si Aesha.. Ako po yung anak niyo.. Ma..''

'' Miss na kita.. Gusto po kitang makita.'' alam ko imposible na yung hinihiling ko.. Pero gusto ko talaga siyang makita..

''Bago siya namatay, gusto niyang ipabigay sayo ito. Binigay ko sa mama mo yan nung unang anniversary namin. Sabi niya pag dating ng araw gusto niyang .'' isa itong kwintas, at nakalakip dun sa pendant nung kwintas..

Yung picture nilang dalawa.

''mahal na mahal ka ng mama mo Aesha. Gusto ka man niyang makita.. Kaya lang, hindi na niya nakayanan.. At bumigay din yung katawan niya. Ang sabi niya pa, huwag ka daw iiyak kung sakaling hindi mo na siya madatnan.. Namatay lang daw yung katawan niya, at hindi yung pag mahal niya sayo.'' hinalikan ako sa may forehead ng daddy ko.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon