Part 69

177 5 1
                                    

Sevyn POV

Break time na namin ngayon at heto ako nag-iisang kumain sa Cafeteria dahil 'yong dalawa ay naroon kasama 'yong mga manliligaw nila. Oha, napag-iwanan ang lola niyo haha.

Wala eh, hindi tayo ang gusto eh, kaya enjoy-in na lang muna ang pagiging single.

Ang sarap ng kain ko sa pangalawang burger ko nang lapitan ako ni Kurt. Kilala niyo naman siya, right? Iyong lalaking nagcha-chat sa akin na may gusto raw kuno sa akin pero ang totoo ay gusto lang talaga akong maging kaibigan.

"Bakit nag-iisa ka? Nasaan mga kaibigan mo?" tanong nito nang maka-upo siya sa harapan ko.

"Kasama mga manliligaw nila," sagot ko, narinig ko naman siyang tumawa.

"Kawawa ka naman, napag-iiwanan ka na." Tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Biro lang, bakit kasi hindi ka pa maghanap?" tanong niya.

Walang gana ko naman siyang tinignan.

"Loyal ako sa crush kong walang paki sa akin," sagot ko, pinitik naman niya ang noo ko.

"Aray ko! Para saan 'yon?!" bulyaw ko.

"Ang daming lalaki diyan hindi lang siya," wika niya.

"What if..." pangbibitin ko.

"What if ano?"

"What if tayo na lang kaya?" Saglit siya natigilan sa tinanong ko at saglit na napatingin sa may bandang likuran ko.

"Puwede rin naman," sabay kindat sa akin.

"Maghintay ka nga, Yohan!" Dinig kong sigaw ni Felix kaya napalingon ako sa gawi nila at nakita kong palabas na ng Cafeteria si Francis habang humahabol naman sa kaniya si Felix.

"Confirmed," dinig kong sabi ni Kurt.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Wala," ngumuso na lang ako at inubos ko na lang ang kinakain ko.

Hinatid na ako ni Kurt sa room dahil malapit nang mag bell.

"Kasabay mo ba mga kaibigan mo uuwi mamaya? If hindi, text mo ako para masundo at maihatid kita mamaya." ika niya.

Nginitian ko naman siya. "Sige, thank you."

---

Pagdating ng uwian ay hindi raw sasabay 'yong dalawa kaya naman tinext ko agad si Kurt para sa kaniya na lang ako sasabay.

"Salamat sa libre at paghatid sa akin, ha? Sa uulitin." niro ko, natawa naman siya.

"Aba, namihasa pero sige, kung iyon ang gusto mo." sabi niya.

"Sige ha? Salamat ulit at ingat ka sa pag-uwi!"

"Yes, ma'am!" Kindat niya bago paandarin 'yong motor niya.

Hindi ko pa rin lubos maisip na magiging ka-close ko 'yong lalaking 'yon.

Crush, Notice Mo 'Ko! || An Epistolary Where stories live. Discover now