"No. Don't Fall."

16K 603 96
                                    

"No. Don't fall." (oneshot)

Copyright © 2015 by HippityHoppityAzure

————————————————————————————————————————————————

"OMG!"

            "Nakakakilig naman!"

            "Inggit ako. Hu-hu-hu."

            Grabe. For the first time in our office's history, halos mapuno ng tao ang department namin na dati rati ay napakatahimik at napakamatiwasay na lugar. Karamihan sa mga dumayo dito ay mga babae na may kanya-kanyang gamit na cellphone para kuhanan ang kasalukuyang iskandalo na nagaganap.

            "Pasensya na sa abala," nakangiting sabi ni Solomon, ang heartthrob sa opisina namin, na nakatayo nang may dalawang metro mula sa akin at may bitbit-bitbit na bouquet ng naggagandahang mga bulaklak. "Lunch break naman na eh so pagbigyan niyo na ako—pagbigyan niyo na akong... yayain ang babaeng pinakamamahal ko na makasama ko... habang-buhay."

            May nilabas na napakaliit at pulang kahon si Solomon. Maraming babae naman ang nagsi-tilian, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

            "Harlene, baby. Naniniwala ako na... na ito na ang tamang oras para rito. God, in these three years na nakasama kita, napatunayan ko na ikaw na talaga ang babaeng para sa akin. Ikaw na talaga ang babaeng mamahalin ko magpakailanman. Ikaw... ikaw na talaga ang gustong pakasalan at makasama sa pagbuo ng pamilya."

            Naglakad na si Solomon palapit sa puwesto ko. Napapigil-hininga naman ako.

            "Harlene," pagkalapit niya ay inabot niya ang bouquet—sa magandang babaeng nakatayo sa tabi ko. "I love you, baby. Ikaw lang." At lumuhod na siya sa harapan nito, hawak-hawak ang kahon na nakabukas na at naglalaman ng silver na singsing. "Now, will you marry me, baby?"

            Natawa si Harlene. Naluluha ang mga mata niya habang tumatango-tango. "Yes, I will, Mon. I will marry you, baby."

            Masayang sinuot ni Solomon ang singsing sa daliri ni Harlene. And as usual, gaya ng lahat ng couple na na-engaged, naghalikan silang dalawa habang tuwang-tuwa ang mga tao sa paligid nila—except nga lang sa akin. Ako lang dito ang hindi nakangiti. Ako lang ang walang kasiyahan sa mukha. Ako lang ang nakatitig sa kanilang dalawa habang... habang may iniindang kung anong sakit sa puso ko.

            Wait. Sakit? Hindi pala. Masyado namang mabigat 'yung sakit. Siguro... pagkirot lang. Kasi... naiinggit ako kay Harlene. At nabi-bitter ako sa nangyayari sa kanya ngayon.

            "Huy, Dea," napakurap ako nang may sumiko sa akin. Inayos ko muna ang suot-suot kong salamin bago ko siya nilingunan, na si Darwin lang pala. Si Darwin, ang mapang-asar kong officemate for already two years na unfortunately, katabi ko sa puwesto tuwing office-hours. "Nakasimangot ka diyan. Selos ka 'no?"

            "Selos? 'Di 'no." Inirapan ko siya. "Gutom lang ako. Gutum na gutom na at gustung-gusto nang kumain pero ito. Hindi ako makalabas dahil sa dami ng nakaharang."

            Tumawa siya. Tawa pa lang niya, nakakaasar na.

            "Lagi ka na lang umiirap." Komento niya. "Siguro alam mo na ang ganda mo tuwing umiirap."

"No. Don't Fall."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon