Chapter 1

1.3K 36 6
                                    

Jojowain or trotropahin Challenge

Jay Jay pov.

"Ate jay! Bilis gawin natin yung trend sa tiktok" saad ni Ci-n, napakahyper naman nitong batang to di ba sya nawawalan ng lakas?

"Sige anong trend ba yan?" tanong ko

"Jojowain or Trotropahin challenge, halimbawa: Keifer, totropahin mo ba or jojowain tapos explain mo kung bakit" saad nya

"Sige game" saad ko at inaayos ang pag-kakaupo ko...naki-chismis nadin ang iba dahil sa challenge pati nga si kwanan at si lolo dabid na tulog eh

"Okay, Calix?" tanong nya

"Tinatanong pa ba yan? Trotropahin...Hindi ko sya crush at lalong lalo na ayokong maging kabet okay?" naka-ngiwi kong sabi sa kanya at nagsi-tawanan naman ang mga luko

"BWAHAHHA, okay weyt...Eman?" natatawang tanong nya

Tinignan ko si Eman na naka-tingin din pala sa akin...ngumiti ako at muling hinarap si Ci-N

"Hmm...siguro jojowain kasi ideal boyfriend ko sya eh, kaya SIGURO or MAYBE di ko alam" saad ko

"Lah eman! lagot ka kay Keifer!"

"Iready na ang kabaong!"

"Tignan nyo si Keifer, parang bulkan na ready ng sumabog"

"Tsk tsk, mukang may mabubugbog ah...okay next tayo. Eren?" tanong nya ulit

"TROTROPAHIN! ayoko maging kabet noh! atsaka ang sakit kaya manabunot nung mga girlfriendssssss nya..." sagot ko

"Okay, next...Blaster?" tanong nya

"Trotropahin, no side comments" Sagot ko kaya nag-tawanan sila habang si Blaster nakasibangot

"Edrix?" tanong ulit ni Ci-n

"I think both..." sagot ko

"Bakit?" sabay-sabay na tanong nila maliban kay kwanan, yuri, dabid at Edrix na naguguluhan

"Trotropahin kasi nandyan naman si Freya eh kung wala siguro jojowain kasi he's kinda my ideal type" sagot ko

"owwssshieeee"

"JayFer lubog"

"BWAHAHAHH"

"Keifer payag ka non? Ipagpapalit ka?"

"Next na!" sabi ni Ci-n

"Felix?" Si Blaster naman ang nag-tanong

"Jojowain siguro? ideal type eh" sagot ko ulit

"owwwsss mic drop!"

"BWAHAHAH, okay next na tayo ulit...Drew?" tanong naman ni Rory

"trotropahin, no side comments ulit" saad ko

"Okay..Rory?" tanong naman ni Edrix

"Trotropahin, wala lang...trip ko lang" sagot ko

"BWHAHAHAH"

wala na...na buang na ang mga nandito

"Kit?" tanong ulit ni Ci-n habang natatawa

"Trotropahin, ayokong masabunot ni Mayo noh" sagot ko

"BWBAHAHAHAH"

"sabunot jpeg."

"galawang mayo 2.0, sumusulpot lang kapag nagseselos"

"Hahhaha, next...Mayo?" tanong naman ni Felix

"Trotropahin, ayokong mag-kajowa nang nanabunot noh...baka masampal ko lang yan ng wala sa oras" naka-ngisi kong sagot

"weeeeewwsss"

"Si Denzel?" tanong ulit nitong bulinggit na to

"TROTROPAHIN, parehas lang din kay Calix..." sagot ko

"Next, Lolo Dabid?" tanong ni Ci-n

"Jojowain, ideal type din" mabilis kong sagot

"dagdag bugbog toh..."

"mag-ready nalang tayong umawat mamaya"

"Hihi...Si Yuri?" tanong ulit ni Ci-n

"Hmm...Jojowain din siguro, naging crush ko kasi sya dati eh" sagot ko pasimple kong tinignan si Keifer...mukang sasabog na ang bulkan. Tignan natin kung sasabog ka pa sa sagot ko kapag ikaw na ang sinabi

"Hayyys..okay last. Keifer?" ngumisi ako at tinignan si Keifer...

"Aasawahin..." sagot ko

"owssshhieeeeee..."

"witwew"

"sanaol aasawahin"

tinignan ko si Keifer at nakita ko syang naka-ngisi...kaya dumukdok na ako sa Upuan ko at simpleng kinilig sa sinabi ko

anak talaga ng sheteng kalabaw...

AMNSE Funny Moments (FanMade)Where stories live. Discover now