CHAPTER 1

13 2 0
                                    

ANNE'S POV

Unfair at magulong buhay ang meron ako diko alam kung bakit lapitin ako ng kamalasan pero kailangang tangapin. Di ko naman ikaka survive kung mag iinarte pako diba.

"ANNE!!! ANUBA!!!ANG BAGAL MO KUMILOS MAGLUTO KANA!!!" Sigaw ng tita ko mula sa loob ng bahay.
Sya ang kinilala kong magulang mula pagkabata. At dahil napulot nya lng ako, malakas ang loob nyang alilain ako na parang si cenderella.
Hayyys kinukumpara ko nanaman sarili ko sa isang disney character ehh obvious naman na magkaiba kmi kasi si cenderella nakatagpo ng prince charming...
As if naman na magkakaroon ako ng mala disney love story. HAHAHHA
Masampay na nga lang tong mga nilabhan ko.

Ako nga pala si Anne Demapor 11 years old at sa murang edad kong toh kaya konang gawin lahat ng gawain ng mga matatanda gaya nga ng sinabi ko nung una ALILA HAHAHAHA

Nasa kalagitnaan nko ng pagsasampay ng biglang lumakas ang hangin dahilan para ilipad lahat ng isinampay ko
Kamalasan nga naman ang lapit HAYYYS HUHUHUHU

"ANO NANAMAN BAYANG KATANGAHAN MO AHHH!!! ALAHHH ULITIN MO LAHAT YAN AT HINDING HINDI KA KAKAIN NG TANGHALIAN HANGAT HINDI MO NATATAPOS YAN LAHAT!!!" Sigaw nanaman ni tita ng makita nya ang nangyare sa mga sinampay ko

Napasinghal nalang ako dahil sa pagod

"Uulit nanaman" bulong ko sa sarili ko saka isa isang pinulot ang mga damit na nahulog

"Etoh ohhh malinis pa" abot nang isang batang lalaki saakin

"Salamat ahhh" sabay kuha sa damit na iniaabot nya " pasensya na mauuna nako ahhh uulitin kolng tong iba" dagdag kopa saka tumakbo papunta sa ilog na nasa likuran ng bahay namin

Limang hakbang bago ang  ilog, mas lalong lumakas ang hangin na ikinakaba ko.
Tinanaw ko ang dinaanan ko pero wala namang kakaiba

"Tulungan na kita" biglang sambit ng batang lalaki sa likuran ko

" AHHHHHH!!! anu ba maligno kaba! Bigla bigla kanalng sumusulpot ahhh" gulat na reaksyon ko sa batang lalaki

" Pasensya na pero nakasunod lang ako sayo hindi molang siguro ako nakita" sabi ng batang lalaki saka kinuha ang palangganang puno ng damit
Inilapag nya ito sa isang malaking bato at humarap saakin

" Tumalikod ka muna saglit " nkangiting sinabi nya na sinunod ko naman

" ano bang gagawin mo? " nagtatakang tanong ko pero hindi nya sinagot

Matapos ang ilang sigundo sa wakas
natapos din sya

" maaari ka nang humarap "

Humarap ako at laking gulat ko sa nakita ko

" Paano ? Tuyo na lahat ? "

" Gusto mo ng magic? " tanong nya na tinanguan konalang

Lumapit sya sakin at ilinapit sa may tenga ko ang kaliwa nyang kamay...

"Kumurap ka ng tatlong ulit"

Kumurap naman ako ng tatlong ulit at ibinigay sakin ang isang bulaklak na gawa sa yelo

"Magician ka" manghang sinabi ko sakanya

" ANO BA!! ANG BAGAL MO!!! GUTOM NAKO!!" Tawag sakin ni tita na galit na galif na

Dali dali kong kinuha ang palanggana ng damit at nag paalam sa batang lalaki

" kailangan konang umuwi ,maraming salamat sayo bata" nakangiting sabi ko saka kumaripas ng takbo pabalik sa bahay para ipag luto si tita ng makakain.
"SA UULITIN!"muling sigaw ko sakanya

SOMEONE'S POV

" Kung magakakaroon lang ng pagkakataon na maulit pa , hindi koman lng naitanong ang pangalan nya" sabi ko sa sarili ko

ANNE'S POV

Lumipas ang anim na taon wala paring pinag bago, ganon parin ang buhay ko. Hindi ako nakapag patuloy ng pag aaral dahil ayaw akong tustusan ni tita. Sa ngayon nagtatrabaho ako sa isang maliit na sari-sari store malapit sa barangay namin.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi galing trabaho nang biglang salubungin ako ng kapit bahay naming si elsy.
Hingal na hingal

" anong nangyayare sayo els???" Nagtatakang tanong ko sakanya

"Anne yung ano mo mga gamit sinunog ng tiyahin mo galit na galit" habol hiningang sabi nya

Dali dali akong umuwi
Pagkarating na pagkarating ko tumambad sakin ang mga nasusunog nang damit

" Umuwi kadin " mahinahong sabi ni tita nang makita ako

" tita ano pong nangyayare ? Bakit nyo po sinusunog ang mga gamit ko?" Mangiyak ngiyak na tanong ko kay tita

" hindi mo alam?? Wala kang utang na loob... MAGNANAKAW KA!!!" galit na galit na sigaw ni tita sakin
" NASAN YUNG MGA INIPON KONG PERA!!!" Dagdag pa nya

" W_wala po akong alam jan tita" dipensa ko sa sarili na wala naman talagang kinukuha na kahit ano

"SINUNGALING!!! PAG BABAYARAN MO YANG GINAWA MO!!!"

Sa di kalayuan narinig ko ang pag dating ng mga police
Tumingin ako kay tita na ganon parin ang emosyon
Galit na galit .

"Magdusa ka sa kulungan wala kang utang na loob" sabi nya saka sumenyas sa police para arestohin ako

" Tita wala po akong kinuha sayo"  pagmamakaawa ko

"Kunin nyo na yan" sabi nya sa mga police

"Hindi ako pwedeng makulong! Wala akong kasalanan!"
Sa sobrang taranta ko tumakbo ako papunta sa kakahuyan sa likuran ng bahay namin.
Diko dama ang mga sanga sangang nakatusok sa mga braso ko. Ang importante sakin ngayon makalayo at maging malaya ako
Natigil ako sa pag takbo dahil sa bangin ... lumingon ako sa mga ilaw ng mga taong naghahabol sakin

" sumama kanalng saamin ng maayos" saad ng mga police

" hindi ! Ayoko ! Wala akong kasalanan!" Sagot ko

Nagulat ako nang biglang humakbang ang isang police papunta sa kinaroroonan ko.

"Ayokong sumama sainyo" mahinahong saad ko saka humakbang sa likuran dahilan para mahulog ako at anurin ng rumaragasang tubig.

Hindi ako masamang tao

The 12 guardians and the Long lost legendary princessWhere stories live. Discover now