Kabanata 1

138 14 60
                                    

King inang buhay to.

Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko. Kung tama bang mag pakalayo layo muna kila Csm at Wyn. Siguro ayos na din itong ginagawa ko. Ayos na siguro ito. Para naman mahanap ko ang sarili ko.

Gulong gulo na talaga ako sa buhay ko. Napaka tanda ko na para tawaging immature. Hindi na ako bata. Hindi nadin ako isang college student. Kaya king ina. Kailangan kung ayusin ang sarili ko. Kailangan kung maging isang independent woman.

Kasi kung hindi ko aayusin yung sarili ko ngayon. Baka naka ilang anak na yung mga kaibigan ko. Ako nganga padin. Childish. Tambay. Walang patutunguhan. Hindi naman talaga ako isang professional tambay. May trabaho naman ako. At tapos ako ng Law no. Sabay kaming nag aral ni Csm sa ibang bansa.

Alam nyo namang kung asaan si Csm. Nakasunod kaming dalawa ni Wyn palagi. Sa banyo nga lang namin hindi sinusundan si Csm. King ina. Buti pa si Csm may Tyraene na. Buti nga na buhay yung walanghiyang yun eh. Akala ko matutuluyan na ang loko. Tsk. Buti pa si Wyn. Kahit ganoon yun. Hindi mo maintindihan.

May lalaki pading nag kagusto at nag habol sakanya. Samantalang ako. Nganga. King inang buhay to. Ako palaging pinupuri sa aming tatlo nung mga bata kami. Tapos ako pa itong nganga ngayon. Tsk. King ina. Bakit kasi sobrang panatag ko ng naka lipas na ilang taon? Kaya king inang to.

Akala ko hinintay ako. Yun pala akala ko lang pala.

King inang drawing yan.

Tsk. Ano kayang pakiramdam na hintayin kagaya ng ginawa ni Imagination boy kay Csm? Ano kayang pakiramdam na bumalik tapos yung lalaking gusto mo ay napaka loyal sayo. Ano kayang pakiramdam ng ganoon? King inang yan. Kahit kailan hindi ko na isip sa buong buhay ko na ako itong tatandang dalaga. Akala ko nga ako yung unang ikakasal. Kasi napaka complicated ng relasyon nila eh.

Pero king ina. Hanggang akala ko lang pala.

King ina. Kahit matandang lalaking afam. Papatusin ko na. Basta. Gusto ko ding maranasan na sumaya. Malalim akong bumuntong hininga. Bumaba ako sa taxi na sinakyan ko. Isang bag at isang maleta ang dala ko. Gusto ko talagang mag pakalayo layo muna. Kahit ngayon lang. Hahanapin ko muna ang sarili ko. Nag lakad ako papunta sa mga upuan ng terminal nitong bus.

Umopo ako sa pinaka dulo ng upuan. Alas otso ang byahe ng bus na sasakyan ko. Gusto ko talagang mag pakalayo layo sakanila. Kaya ngayon. Balak kung pumunta sa isang isla. Na unti lang ang nakaka alam. Hindi pa ako nakakapunta sa islang pupuntahan ko ngayon. Ganoon din sila Csm. Kahit na si Wyn. Hindi pa nakaka punta dito.

Kaya alam ko. Walang gugulo ng buhay ko sa oras na makapunta na ako sa isla na pupuntahan ko.

Pinikit ko ang mata ko. Trip ko lang pumikit bakit? Masama nabang pumikit ngayon. Bumuntong hininga ako at niyakap maigi ang bag ko na naka lagay na ngayon sa hita ko. Yung maleta namang dala dala ko ay naka ipit sa dalawa kung hita. Maaga panaman. Kaya siguro iidlip muna ako. May kalahating minuto pa ako para mag pahinga.

Sure kasi akong hindi ako makakatulog sa byahe. Bakit? Kasi makalog. Makalog ang byahe lalo na probinsya ang punta ko. Yung probinsya pang pupuntahan ko ay talagang pang probinsya yung daan. Literal na pang probinsya ang dadaanan. As in. Hindi pa kalsada ang daan. Kaya alam ko na hindi ako makakatulog mamaya sa byahe. Kaya dito nalang siguro ako kukuha ng tulog. King ina ng taong mag babalak na kukuha sa mga gamit ko.

Baka ipakita ko sakanila ang skills ko. Tsk.

Ilang minuto akong nakapikit. Ramdam ko na namakakatulog na ako. Pero biglang nag laho ang antok ko nung may maramdaman akong tumabi sa akin. "Miss? Are you feeling well?" Inis kung na imulat ang mata ko nung may biglang mag salita. Agad na nanlaki ang mata ko nung makita ang mukha ng isang lalaki na nakatitig sa akin. Napaka lapit ng mukha nya sa mukha ko. "M-Miss?" Hindi inaasahang na bulong nung lalaki sa hangin nung mag tama ang mata naming dalawa ng imulat ko ang mata ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cupid's Love Where stories live. Discover now