Chapter 1 - Eighties.

106 6 0
                                    

Chapter 01: eighties.

***

"Red, I have to go! See you around." kumaway ako sakanya matapos akong lumabas sa kanyang opisina. he's my friend since bata pa ako, hindi lang naman siya actually ang kaibigan ko eh. tatlo kami. we're trio. mas matanda lang talaga ako kay Red ng mga siguro taon. Ang ka-edaran ko si A..Andrew.

Lumakad na lamang ako dahil ang kotse ko naiwanan ko sa office ko, ayoko naman kasing mag taxi ngayon. Wala naman sigurong makakakilala sa'kin kung maglalakad ako. Pinagiisapan ko rin yung isang grupo na kailangan ko nang gawin pero mabalik tayo kay Red and Andrew. they're both my childhood friends. gaya nga nung sinabi ko, we're trio. Sila yung kasama ko magmula nang mamatay ang mga magulang ko. kilala ang pamilya ko sa larangan ng politika but now i have my own companies. I'm a billionaire. just not a billionaire, i am also an actress. Several movies na ang nagawa o naambag ko sa larangan ng pag acting.

"Solare!!" tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang taong tumawag sa'kin. It was Red.

"What now, Pula?" tanong ko nang makalapit siya sa akin. tinignan naman niya ako na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi, parang gano'n na look.

"Red? hey?" pinitik ko siya sa noo dahil hindi pa rin siya nagsasalita. "Aray naman, Sol!"

"eh, kanina pa kita tinatanong nakatulala ka lang d'yan. Bakit nga?" i rolled my eyes at him saka tumalikod pero hinawakan naman niya ako sa balikat.

"Sol. Saan ka ba pupunta ngayon? samahan na kita."

Lumingon muli ako sakanya. "Are you sure? Hindi na, kaya ko naman. At saka baka makaabala pala ako sa gagawin mo."

"Sol, sheympre pag dating sa'yo exemption ka sa mga gawain ko." nakangiti pa ang loko.

"oh, shut up. may mga im-meet akong mga tao ngayon. they're all girls. Baka mailang ka." I smirked, at kita ko naman ang pagiling nito.

"Huwag na nga, baka sabihin mo na naman. Puro babae na naman inaatupag ko. Inaayos ko na nga buhay ko eh..."

Natawa naman ako sa itsura niya. binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang isang panyo at pinunas sa noo niya. "Pawis ka na, dalhin mo na ito. Bumalik ka na sa office mo."

He smiled, "Sige, Sol. Ingat ka. Salamat."

Nang makaalis siya sa paningin ko, nagsimula na muli akong maglakad papunta sa isang restaurants para i-meet ang isa sa mga taong gustong makasali sa ginawa kong... hindi ko na muna sasabihin dahil it's a secret.

"Goodmorning, Ma'am! Reservation po?" bungad sa akin ng isa sa mga staff. hindi ko na inalis ang shades at mask ko dahil tinatamad ako.

"I'm Solare Salcedo." nanlaki naman ang mga mata niya, muntik pa ngang sumigaw buti na lamang at sinabihan kong huwag isigaw ang pangalan ko. Nakakaloka ang mga tao ngayon ah.

Inihatid na niya ako sa pina-reserve kong room. Mukhang may nauna na sa akin dahil may naririnig akong nagk-kwentuhan sa VIP room. Mukhang late ang nagpa reserve ng room. Napasobra kasi ang kwentuhan namin kanina ni Red tapos bigla pa siyang tumakbo sa akin. Gosh! Never pa akong na-late sa mga ganito, ngayon lang. Binuksan ko na lamang ito at hindi ko agad nakita yung mga narito na dahil medyo dumilim ng kaunti.

Binuksan ko ang ilaw saka umupo sa vacant seat. At rinig ko ang pag-tigil nila sa pagkwentuhan. Sabay sabay nila akong nilingon. Ilang segundo pa ata silang nanatiling nakatitig sa'kin. May dumi ba sa mukha ko at titig na titig sila sa akin.

"Hi? I'm Hillary Abellano! you know me? okay lang naman kung hindi." nakangiti sa akin ang maikli yung buhok na hanggang balikat. Inilahad niya ang kanyang kamay. kinuha ko na rin dahil nakakahiya naman kung hindi ko ilahad din ang kamay ko.

The Eighties Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora