12. In My Eyes

27 1 0
                                    

MARA'S EYE

Araw-araw nang pumupunta si JEYS dito. Ano ba'ng problema niya? Hindi pa ba sapat yung pag-papapunta niya sa'kin sa mga events ng mga barkada niya?

Tapos ngayon ina-araw-araw niya ko sa coffee shop. Kung hindi naman araw-araw akong pinapadalhan ng long stem roses or kung anu-anong flowers sa school. Tssss... kung alam lang niyang allergic ako sa mga bulaklak kaya hindi ko iyon tinatanggap at nilalayo sa akin parati. Eh 'di, sana di niya inuubos yung allowance niya sa mga bulaklak na nagiging display lang sa basurahan.

Pwede naman kasing mag-research or mag-tanong, 'di ba? Kaso siyempre dapat hindi makulit araw-araw, di ba?

Tapos kanina pumunta pa sa bahay! Ang kapal talaga! At ang Percy, pinag-buksan pa ng gate si kuya! Grrrrrrr... Kapal talaga!

Ano daw ba yung gusto niya? Notes? Eh, nakita ko naman siyang kumukopya ng notes sa Physics at Lit, e. Impossibleng nag-s-sketch o nag-d-drawing nanaman siya dahil malamang sa alamang, hindi siya tatantanan ng mga teachers namin pag-nahuli siya. Hay naku, JEYS! Ginugulo mo ang tahimik kong buhay!

Bukod sa notes, ano bang iniinis niya sa akin?

AH... Yun pa! Gusto niya daw kaming maging friends? Talaga nga naman.

Friends? Tssssss... Makipag-friends siya sa aso. Eh konting tests at pag-tataray lang lumalabas na yung pagiging pikon at masungit niya. Yung kitang kita mong pa-give-up na siya. Siya yung tipong makulit na halatang-halata namang konting-konti na lang bibigay na din.

Para siyang walang tiyaga sa akin. Pa'no pa kaya kung naging friend ko na siya? Or paano ko siya magiging friend kung ngayon pa lang umaayaw na siya sa akin?

Ano bang gusto niya sa akin? Sasaktan lang naman niya ako. Sasaktan lang naman nila ako, e. Tssssss... lahat naman silang lalaki pare-pareho, nag-iiba lang sa panahon na ilalabas nila yung totoong ugali nila. Hays.

Ganun din naman ang ginawa sa akin ni Klein, eh. Kahit gaano pa kabait si Klein. Kahit gaano pa siya ka-maasahan. Kahit gaano pa siya ka-perfect somehow, suma-tutal gago pa din siya. Niloko at sinaktan pa rin niya ako na parang walang bukas. HAYS. Ganiyan naman sila, eh. Makakita lang ng bago or kakaiba, naliligaw na ng landas.

Kay Klein naman, pinatagal pa sasaktan din pala ako sa huli. Pa'no pa ako mag-mamahal nito ulit kung wala ng mas sasakit pa sa ginawa niya sa akin? Kung wala nang mas magiging worth sa tiwala ko? Kung sirang sira na ang lahat ng lalaki dahil sa mga pinag-gagawa sa akin ni Klein? Oo, si Klein ang may kasalanan at nadadamay lang si Jeys.

Ganun lang naman kasi talaga kadali sa mga lalaki ang manloko. Kung kelan tiwalang tiwala ka na. Kung kelan hook na hook ka na at paniwalang-paniwalang wala ng makakapag-hiwalay sa inyo, saka naman may manyayaring susubok o sisira sa inyo.

At ang masaklap. Kung sino pa yung akala mong masasandalan mo at lalaban para sa'yo, yun pa yung nang-iwan at kumalaban sa'yo.

Pa'no ka mag-titiwala kung yung taong akala mong kasama mong lalaban para sa relasyon niyo yung sumira ng lahat at iniwan ka sa ere at pinag-palit ka sa iba. Dahil nag-kamali siya. Dahil tao lang daw siya.

Pero, alam ko din namang sinasadya ni Klein ang lahat, e. Kasi may mga dahilan din siya. And siguro nga, hindi naman niya talaga ako minahal ng totoo.

Etong si Jeys? Good luck na lang kung tatagal man siya. I won't give him the satisfaction to hurt and use me, just like Klein did. And kung ngayon pa lang, nahihirapan na siya, then he has all the time in the world to prove me otherwise. Kahit friendship pa 'yan. It takes some time for me to trust and accept friends again. Swerte niya if he can break those walls. But I guess, it will be too hard for me. Lalo na kung madali siyang mag-give up kapag di niya nakukuha lahat ng gusto niya.

The Day I Met You [Short Story by Yakult_o23]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon