CHAPTER 1: FEIJA

8 0 0
                                    

Feija:POV

Nagising ako sa malakas na pag sigaw ni tiya manda''hoy babaeta bumangon kana dyan at marami na ang kustomer sa karenderya''ani nito habang hinampas ako ng dala nyang pamaypay

Agad akong bumangon nakalimutan ko kasi mag alarm ng alas 5 at napasarap ang tulog ko''ikaw talagang bata ka wala ka talagang kakwenta kwenta kahit kailan mana ka talaga sa nanay mo" pasigaw nyang sabi sakin

Halos araw-araw nyang sinasabi na mana ako sa nanay ko na tanga di naman ako makapagreklamo kasi sa kanya ako tumitira mula ng namatay si papa at sumama naman sa ibang lalaki si mama kasama ang bunso kong kapatid ''oh!! ano pa tinatayotayo mo dyan bilisan mo na" sigaw nya sakin agad naman akong lumabas at kinuha ang pamunas sa lamesa

Ilang oras din ay kunti na lang ang kumakain sa karenderya''hysst makakapag pahinga rin ani ko sa sarili nakaramdam ako ng gutom kasi hindi pa ako kumakain mula kagabi hindi na naman ako tinirahan ni tiya naisipan ko na umupo na muna para mabawasan ang sakit ng tyan ko.

Papaupo pa lang ako ng may sumigaw mula sa likuran ko ''hoy!! babaeta mag hugas kana muna don nakatambak na ang hugasin "ani nito
Tyang pwede po bang mag pahinga kahit saglit lang ho sumasakit po kasi ang tiyan ko"ani ko

''Aba-aba nag rereklamo kana isipin mo babae na sakin ka tumutuloy kaya wag ka mag reklamo kasi ako ang nag papalamon sayo"iritang sagot nito
''tyang kasi po masakit yung tyan ko po di pa po kasi ako kumakain mula kagabi pwede po bang kumain kahit kunti lang ho"pakiusap ko

''reklamadora lumayas ka rito kong ayaw mo mag trabaho at di ako nag papalamun ng patay gutom" pasigaw nyang sabi
Hindi nako nakatiis rito''ganyan naman talaga kayo e simula ng namatay si papa imbes na tulongan nyo kami wala kayong ginawa kundi apihin kami" sabat ko

''Ahh ganon ha lumayas ka dito babae ka at wag na wag kang mag papakita sakin kahit kailan bwct!!"pasigaw nyang sabi
Halos tumulo na ang luha ko ngunit pinipigalan ko lang ''Ako napo mismo ang aalis "ani ko

Agad ako tumakbo paalis sa karenderya at agad pumunta sa kwarto kong saan ako natutulog huminga ako ng malalim''kaya mo to fei"saad ko sa sarili

Agad Kong niligpit ang mga gamit ko, nakita ko ang family picture namin sa maliit na lamesa na nasa tabi ng higaan ko'' bakit mo agad ako iniwan pa " na tuloyang pag bagsak ng luha ko at nilagay ko na sa bag kong saan ang mga damit ko

San ako pupunta neto lord ikaw napong bahala sakin saad ko sa sarili ko naisipan kong tawagan si shane kababata ko at matalik kong kaibigan

''hello fei napatawag ka?ani neto sa kabilang linya
''shane umalis nako kina tyang manda diko na matiis ang pangiinsulto nya sakin"mangiyak ngiyak na sabi ko
''Shane pwede bang jan na muna ako manuluyan"dagdag ko
''nako fei kong pwede lang sana kaso siksikan rin kami rito pano yan "sabi nya

''diko kasi alam ang gagawin ko shane" mangiyak ngiyak na sabi ko

''shhhh tahana bes kakausapin ka daw ni mama"ani neto

''hello feija juskong bata ka hinayaan mo na lang sana ang tiyahin mo di kana nasanay don "sabi ni aling lena

''aling lena diko napo kasi kaya ang pang iinsulto nya"Ani ko
''hay nako nga pala pumunta ka sa iitetext kong address kakaalis ko lang don kahapon siguradong tanggap ka agad basta mag iingat ka lang don don iha"ani nya

''talaga po aling lena ano po ba yung trabaho "tanong ko parang nawala naman ang pag aalala ko sa sarili ko

''maid iha madali lang naman pero mag iingat kapa din lalo nat dalaga ka" ani neto

Nag tataka ako sa sinabi ni aling lena diko na lng tinanong
''sige po aling lena kaya ko po yan suss ko maid lang naman pala ei"sabi ko
'' oh sya iitetext ko na lang ha sige na mag iingat ka iha"ani neto

May halong kaba ang nararamdaman ko pag sinasabi ni aling lena na mag iingat ako'' baka aswang yung may ari don wag naman" ani ko sarili

Tumunog ulit ang cellphone ko pag tingin ko text ni aling lena ano tong nakalagay
VILLACUESTA VILLAGE




THE MAIDWhere stories live. Discover now