Last one kick before END

1.1K 25 1
                                    

For goodness sake...

Ang phrase na di mawala-wala sa utak ko. Ang mga huling salita ni Prince bago niya ako iwan sa aming bahay.

Sinagot ko ang tanong niya. Kung sasabihin ko ba ang totoo para makamit ang milyones at kasakikatan na gusto ko daw makuha.

What the...

Mukha ba akong pera? Fame-whore? o ano sa paningin niya? Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Para bang sinasabi niya na hinahabol ko sila dahil lang sa kayamanan at kasikatan na makukuha ko pag-binuking ko kung sino talaga si Bobby O. Peste!

Di ako nakasagot sa kanya ng oras na iyon. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mga mata. Gusto kong isigaw sa kanya. Petchay naman oh! Ganoon na pala ako kababaw sa iyo? Pagkatapos kung iwan ang trabaho ko di lang ako malayo sa iyo... ganyan pa pala ang makukuha ko? 

Pero, di ko masabi ang mga salitang iyon. Sinabi ko na lang...

"Prince, di ko naman habol yung mga iyon eh. Masaya na ako na nakilala ko ang mga tao sa likod ni Bobby O. At saka mas maganda kung nakatago pa rin ang tunay na katauhan ni Bobby O., di ba?"

Akala ko ngingiti siya. Akala ko sasang-ayon siya at yayakapin ako. Akala ko...

"What? Marie, you've done your part. Xander and I agreed with the consequences we will encounter if you tell the press the truth. We wanted to give you the biggest opportunity your life," reaksyon niya sabay tingin sa akin ng 'i-can't-believe'you' face.

Napasinghap ako ng hangin. Di ko inaasahan iyon. So, fame-whore talaga ang expectation nila sa akin. Namula bigla ang mukha ko. Di makapaniwala na iyon pala ang tingin nila sa akin. Masakit. Kalukuhan! PESTE!

"Umalis ka na..." mahina kong utos.

Tinignan niya ako ng may pagkagulat. Di maintindihan ang bigla kong pag-iba ng kilos. Manhid siya pag ganun.

"Huh? Why? I don't understand..." sagot niya sabay balak na hawakan ako pero humakbang ako palikod.

"There are things that you better don't understand," sagot ko, nakatingin sa kanya na 'PESTE-KA-ALAM-MO-BA?'

Wait lang... dumugo yung ilong ko doon sa statement kung iyon... *nosebleed*

"For goodness sake..." sabi niya at saka umalis na rin sa wakas.

Ang mga salitang iyon, umuulit na nag-ple-play sa utak ko. Di ko alam kung masasaktan ako ng bonggang-bongga o ano. Nang makitang humarurot ang kanyang sasakyan palayo, doon na tumulo ang aking luha. Masakit malaman na iyon pala ang tingin sa iyo. Pera? Kasikatan? Aanhin ko iyon? Gusto ko lang naman maranasan ang excitement ng buhay kahit minsan lang. Hay...

"Pasok na tayo," narinig ko ang boses ni Papa sa aking likuran. Tinapik niya ang aking balikat, parang nagbibigay ng suporta.

Nakita ko sa tabi niya, umiiyak din si Mama. Ang OA naman niya! Drama ko ito tas sasali siya. Pinupunasan niya ang kanyang namamasang mata gamit ang puting panyo na regalo ni Papa noong anniversary nila. Naalala ko, galit na galit si Mama noon dahil iyon lang ang binigay ni Papa. Tas isa lang ang naging logical na rason ni Papa bakit iyon ang kanyang binigay. Sabi niya, "Balang araw, magagamit mo rin iyan. Isang araw, tutulo ang luha mo at pupunasan mo ang namamasang mga mata mo."

So, ngayon pala ang araw na iyon.

***


"Ang tagal na natin di nagkita ah," ang mga binitiwang salita ni Xander paglapit sa akin.

Nasa isang department store ako at nag-wi-window shopping mag-isa. Nga-nga. Walang pera eh, walang trabaho. Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagbati. Ngumisi lang siya.

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now