Chapter 38

133 2 0
                                    

LAVIÑA ANESSA GASOLINA

"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kaharap kong si Mr. Jaysel.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Galing pa akong ospital dahil binisita ko si Mama. Hindi kasi mawala sa isipan ko kung ano ang pag-uusapan namin ngayon, kaya nagdesisyon akong makipagkita sa kanya ngayon para bawasan pa ang mga iniisip ko.

Mag aalas kwatro na ng hapon. Nakaputing long sleeve si Mr. Jaysel na nakatupi hanggang siko. Ngumiti siya, mas lalong nagpapatunay kung gaano kaamo ang mukha niya.


"Do you want to order first? Let's have some coffee..." marahan niyang sinabi.

Bumuntong hininga ako at pinagbigyan siya. Nag order kami ng kape at sandwich. Tahimik kami hanggang sa dumating ang order. Hindi ako mapakali kaya habang paminsan-minsang sumisimsim ako sa sariling kape ay muli akong nagsalita.

"Tungkol ba ito sa relasyon ko kay Mikael?" malamig kong tanong.

I'm not dumb. Hindi naman kasi pwedeng nakipagkita siya sa 'kin dahil lang gusto niyang makipag-usap. I bet he would probably tell me to stay away from Mikael, para palagurin ang kanyang pinakamamahal na anak.

I smirked.

"You really are straightforward, ihja... Kumusta ka na?" he smiled. At nagawa niya pa talaga akong kumustahin.

"Ayos lang po ako. Salamat sa pagtatanong. Kayo ho?"

Sinsero naman ang ginawa kong pag kumusta rin sa kanya. I never disliked him. Alam kong mabait talaga siya lalo pa't utang ko sa kanya kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon. Pero dahil siguro alam kong anak niya si Chelsey at hindi maganda ang ugnayan naming dalawa, nagbago ng kaonti ang pagiging komportable ko sa presensya niya.

His smile slowly faded at that question of mine. Unti-unti rin niyang binalik 'yon at dahan-dahang binaba ang sariling kape sa lamesa.


I remained not giving him any reactions. Nanatili akong nakamasid sa kanya at naghihintay sa mga sasabihin niya.


"I'm fine physically, as you can see. But when I learned that my daughter is not fine, hindi rin ako okay..."


"Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?" pandidiretso ko.


Nagulat ako nang biglang nagbago ang reaksyon niya sa pagiging seryoso na ngayon. Sandali akong kinabahan bago kinunot ang sariling noo.

"Naalala mo ba 'yong kinwento ko sa 'yo ilang taon na ang nakalipas? Nung pagkakataong nailigtas ka mula sa sunog?" he probed calmly.

Bigla kong naalala ang pagkakataon na 'yon. Isang pangyayaring naikwento ko na rin kay Mikael nung minsang kumain kami sa isang fast food chain. Tungkol 'yon sa dalawang anak niyang namatay at ang isa ay nanatili sa tabi niya—si Chelsey na sinabi niya noong halos kaedad ko lamang.

"My eldest that's been gone for too long now... But I didn't tell you the reason behind it, right?" malungkot siyang ngumiti.

"Oo, dahil wala namang rason para sabihin niyo pa sa 'kin."

Bahagya siyang natawa sa tono ng boses ko.

"How I wish my son and daughter are strong like you. But they aren't. They're just like me who would do crazy things for the one they love."

Ridiculous. Ano ang ibig niyang sabihin? Nanatili akong kunot ang noong nakikinig sa kanya.


"Nawala pa 'yong isa kong anak," dagdag niya, reminiscing what happened from the past. "Kagaya ng anak kong si Chelsey, ang panganay niyang kapatid na lalaki ay ang unang nagmahal ng isang Varzon. The eldest of the Varzons, Mikael's older sister was just like her father, ruthless and stoic. She's too beautiful and playful that my son fell for her."


Embracing The Fire | Fire Series #1Where stories live. Discover now