Chapter 38

35 10 12
                                    

Chapter 38

"NAKASISIGURO ka ba sa mga nakuha mong impormasyon?" Naninigurong tanong ni Lie Feng sa isang espiya na pinadala nito sa kaharian ng Chu.

"Hindi ako maaaring magkamali, kamahalan." Magalang na sabi nito.

"Manatili ka pa rin nakasunod sa bawat galaw niya. Padalhan mo ako ng liham sa kung ano ang kalagayan mo doon at sa mga impormasyon na nakalap mo." Ma-awtoridad na utos nito. Nang makita si Yi Jian papasok sa entrada ng study hall ay biglang lumambot ang mukha ni Lie Feng. "Makakaalis ka na."

"Masusunod, kamahalan!" Mabilis na umalis ito.

Silang dalawa na lang ni Lie Feng ang natira. Nananatili pa rin siyang nakatayo sa tabi ng pinto. Ewan ba niya kung bakit bigla siyang nahiya na tuluyang dumeretso samantalang noon ay kahit walang pagpupugay siyang gawin ay ayos lang.

Ano ba ang dapat niyang gawin? Umalis na lang kaya siya? Pero ayaw naman sumunod ng mga paa niya. Sa totoo lang ay kaya siya nagpunta dito ay para kumustahin ito. Ilang araw na kasi itong hindi nagpupunta sa courtyard niya. Nami-miss niya ba ito? Hindi naman. Medyo hindi lang siya sanay na hindi ito kasama. Shit! Ganoon na rin ang ibig sabihin niyon! Nami-miss niya ito! Natampal na lang niya ang ulo.

"Jian gege," may pag-aalalang lumapit ito sa kanya. "Masakit ba ang ulo mo?"

"H-hindi naman," hindi siya makatingin sa mga mata nito. "Naisip ko lang na puntahan ka kasi ilang araw na kitang hindi nakikita."

"Pasensya na kung hindi ako pumupunta sa Jiwen Manor." Inalalayan siya nito para makaupo. "Marami akong inaasikaso lalo na at kailangan kong pagtuunan ng pansin ang nangyari sa 'yo nitong mga nakaraang buwan.

Napatango na lang siya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Tungkol pala sa pagtatapat na ginawa mo... Gusto ko lang linawin na lalaki ako!" Matatag niyang sabi. Hindi niya rin alam kung bakit biglang lumabas iyon sa bibig niya.

"Alam ko." Simpleng sagot nito habang nakangiti. "At lalaki rin ako."

Walang ibang nasabi si Yi Jian kundi, "Ha?" Para bang sinasabi nito na hindi ba halatang pareho silang lalaki. Nangalong-baba siya. Bakit ba hindi niya magawang mainis sa lalaking ito. "Tss, kung alam mo naman pala ay bakit mo kailangan gawin iyon? Kapag may ibang makaalam, lalo na ang paghalik mo sa akin ay ano na lang ang iisipin nila sa 'yo?"

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Hindi sila ang nagmamay-ari ng puso at isip ko kaya pipiliin ko sino ang nilalaman nito. Wala naman pinipili ang puso sa kung sino ang dapat natin magustuhan, 'di ba?"

Napatitig na lang siya sa mga mata nitong punong-puno ng sinseredad. "Lie Feng, sinasabi mo ba 'yan dahil nakikita mo sa akin ang dati mong kaibigan na si Dou Ji? Alam ko nang magkamukha kami, huwag kang magkakaila sa akin."

"Alam mo na pala, siguradong kay Sui Hao ka nagpunta para magtanong, 'di ba?" Napangiti ito. "Oo, magkamukha kayo dahil ikaw at siya ay iisa lang. Nangako siya noon na babalik at heto ka na ngayon, ikaw ang bago niyang buhay. Alam kong mahirap paniwalaan dahil wala kang alaala patungkol sa amin dahil sa bago mong buhay pero sigurado akong nandyan lang kami sa puso mo."

"Paano mo naman nasabi na ako nga siya? Puwede naman 'yong iba, kahit hindi ko kamukha. Saka nalaman ko na isa siyang dating jiangjun ng Yu. Siguradong malayong-malayo ang—"

"Yi Jian."

"Ha?"

"Yi Jian."

"Ano?" Naiinis niyang tanong pero tinawanan lang siya ni Lie Feng. "Tss, tawag ka ng tawag sa pangalan ko wala ka naman pala sasabihin."

Unwritten MemoriesWhere stories live. Discover now