01. papel sa buhay

40 4 1
                                    

Tahimik niyang binuksan ang pinto ng studio. Nang hindi niya nakita ang pigurang kanyang inaaasahang makita sa desk, malaya siyang pumasok at naupo sa couch, dala-dala ang kanyang lyric sheets na puno ng kanyang sulat na siya lamang ang nakakaintindi. Seungcheol lays his back against the cushion, crosses his legs and stares intently at his papers. May hindi talaga tama sa part na 'to ng kanta. Hindi niya lang talaga malaman kung ano ang mali: ang lyrics o ang melody? It sounds wrong to him every time he reads it, but then again, that could just be because he's been working on this song ever since the start of this week, non-stop. Magsasawa ka talaga kung paulit-ulit mong kinakanta at binabago ang lyrics. Sa sobrang tagal niyang tinitigan ang mga lyrics, maaaring gawa ng kanyang guni-guni ang kanyang nakikitang problema. Seungcheol is no rookie, he knows this is bound to happen every now and then. Hindi lang niya kayang iwan ang parteng 'to dahil ramdam niya na malapit na niyang maayos ang kanta. He just needs—

The studio door creaks open, and Seungcheol instinctively sits up straight. Dumako sa kanya ang tingin ng dumating at tinanguan nito. Seungcheol nods in return and turns back to his paper, eyeing the blasted sheet of paper once more. Pero hindi kagaya kanina, wala nang ni-katiting na pokus sa mga mata nito. Ang buong atensyon niya, kahit hindi siya nakatingin rito, ay nasa maliit na producer na umupo sa kanyang upuan sa harap ng computer at paulit-ulit na tumitikhim na para bang may inaaalis na bara sa lalamunan.

Ang pangit talaga ng lyrics na 'to. Ang pangit. Ang pangit. Ang pangit.

Umalingawngaw sa studio ang nakakabinging katahimikan – maliban sa tumutunog na air conditioner sa background at –

Tikhim.

Seungcheol could feel his eyes burning a hole in the piece of paper he was holding. His mind buzzes but it's not because of the lyrics nor the song...

May bote ng tubig sa bandang kanan niya. Patuloy pa ring tumitikhim ang isa. He could reach for it and give it to him. Pasimple siyang sumilip sa dako ng kasama at nakitang may iniinom na pala itong tubig.

Ang pangit ng lyrics. Ang pangit, pangit, pa—

"Simula na tayo?"

Si Seungcheol naman ang tumikhim. "Ge."

Jihoon plays a melody in the speakers. Seungcheol bobs his head to the beat. What a song this is going to be. May naiisip na nga siyang hook. This title track is going to fire as hell. "Track 01."

"Hindi ba sasali sa 'tin si Utol Bumzu?"

"Probably not. Umalis saglit, kikitain ang girlfriend."

Jihoon pauses Track 01. "Eto, may magandang lyrics na binigay na sa 'kin si Nonie. In-edit ko lang ng konti. Konting synths na lang ang kulang dito."

Napakurap si Seungcheol nang tumingin ito sa kanya na waring naghihintay ng sagot. Umugong siya. "Pwede."

It's not like Jihoon really needs his opinion anyways. Madalas na may pinagplanuhan nang direksyon ang producer sa tuwing "humihingi ito ng opinyon". He's just doing it out of respect to him as the group leader. Madalas, ang producer lang din naman ang masusunod. It has been that way ever since. He hasn't failed them yet, so...

"Track 02."

Tumingin si Seungcheol sa mga papel na hawak. He's been working on them ever since the start of the week. He's not the most confident about his part.

"Yown. Track 03."

Jihoon is so efficient. All the time. Like a well-oiled machine. Sure, nakita na niya noon ang bibihirang pagkakataong nahihirapan siyang tapusin ang isang kanta pero mangilan-ngilan lang talaga. Ganoon siya kagaling at ka-inspired. He always have 2-3 songs written in advance for the next album release. Ni siya nga hindi alam kung saan ito humuhugot ng kakaibang emosyon lalong-lalo na para sa kanilang mga ballad. Kung kumakanta kasi ito lalong-lalo na sa entablado, animo'y isang biguang lalaking maraming beses nang umibig at nabigo, ikinasal at iniwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

like a habitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon