FIVE

18 2 2
                                    

(LUCINE's POV)

"Manong, mukhang maaga po matatapos ang klase ko. Pakiagahan nalang po ng sundo sa akin ha?" paalala ko sa driver ko.

Ipinagkatiwala na ako ng mga magulang ko sa yaya at Driver simula pagkabata. Nakakainis.

"Opo mam" yun lang ang sabi niya saka umalis.

Naglakad na ako papunta sa school at sisilip pa sana sa bulletin board. Kaso napahinto ako nang makitang tumitingin rin doon si Ken.

Simula kahapon, mukhang ilang beses ko na siyang nakikita at napapansin. Nakakabad mood.

Bigla nalang may nakabunggo sa akin dahilan para mahulog ang mga libro kong dala.

"Sorry" agad na sabi nung lalaki napatingin lang ako sa kanya habang pinupulot ang mga aklat kong nahulog.

"Here." iniabot niya iyon sa akin matipid lang akong tumango at lalagpasan na sana siya kaso..

"Evan nga pala." pagpapakilala niya sa akin.

"Lucine" yun lang ang sinabi ko

"I know you." saka ngumit siya ngumiti na lang din ako sa kanya.

Nang mapansin kong wala na yung Ken sa bulletin board eh chance na para ako naman ang sumilip dito.

"Sige, una na'ko" paalam ko dun sa Evan.

Medyo dumadami na yata ang kakilala ko aside sa mga classmates.

"Sige." pagsang-ayon naman nito

****

(KEN's POV)

Nasa locker ako ngayon. Tintitigan ang picture nang isang napakamanhid na babae sa buong campus.

Oo, Ninakaw ko to sa scrapbook niya. Sa picture na'to kasi, ngumiti siya. Pero, hindi ko talaga siya maintindihan.

Nakita ko kung gaano siya ka-cold kay Evan kanina, pero bigla-bigla rin namang napangiti. Hay nako.

Napalakas ang pagsara ko sa pinto ng locker kaya nag ingay ito sa buong hallway. Buti nalang medyo madalang pa ang mga tao. Pumunta na ako sa gym para sa gaganaping try-out.

Apat lang ang nagtry-out. Kampante rin ako dahil hindi pa dumadating si Evan. Naisip ko na naman kung paano niya napangiti si Lucine. Nakakainis.

Natapos na ang try-out at wala pa kaming napagdesisyunang piliin. Paalis na sana kami sa ng gym nang makita namin ang imahen ng taong pinakakinaiinisan ko. Ngiting-ngiti itong sumalubong sa amin.

"Tapos na ba? magta-try out pa ako." anito habang pinaglalaruang nguyain ang bubblegum na kinakain niya

"May plano kapa palang sumali?" tinapunan ko siya ng matalim na tingin

"Woah." Naghands-up sya na animo'y sumusurrender sa pulis.

"I know galit ka sa akin kaya you chose Pyke over me last year." Binaba na niya ang mga kamay niya at ngumisi.

"Bakit naman ako magagalit sa yo? I just hate you."

"Kung hate mo'ko, may galit pa rin yan." tawang-tawa ang mukha niyang makita ang naggagalaiting mukha ko.

"Dami mo pang satsat." Tinapon ko ang hawak kong bola sa kanya.

"Ipakita mo na ang kayabangan mo." Ginawa niya naman ang mga dapat gawin.

Alam naming lahat na magaling siya at siya ang tamang pangpuna sa posisyong naiwan ni Pyke. Matapos siyang mag try-out eh nakangisi siyang lumapit sa amin.

"I guess I'm in." Pinaglaruan niya ulit nguyain ang bubblegum na kanina niya pa kinakain. Ang sarap niya talagang suntukin.

"Hindi kita gusto sa grupo ko pero wala akong magagawa dahil alam kong magaling ka. See you tomorrow after class. Makakaalis kana." i said coldly.

"Okay." Napasuntok siya sa hangin na kunway napakasaya niya. Nakakabanas talaga tingnan.

Naalala ko tuloy, we were once bestfriends. But he ruined it.

[A/n: Heto naaaaa!! Nag uumpisa na :) ]

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon