CHAPTER 26: SLOW DANCE

44 5 0
                                    

"Hoy Anya, andito ka ba? Hello?."takang napatingin ako kay Mace ng kumaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Ha?. Bakit?."takang tanong ko

"Anong ha bakit? Kanina pa kita inayang magsayaw, you know ang ganda ng music, tignan mo ang ibang mga students sumasayaw na."ani Mace

Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko. Langya naman kasi ei, di mawala sa isip ko yung sinabi ni Kerron kanina, totoo ba talagang nagseselos siya? O baka trip niya lang na sabihin yun o baka dahil nga sa mojito.

"Nako Mace ikaw nalang, wala akong hilig dyan noh."

Tumaas naman ang kilay niya. "Haler subukan mo nalang andyan naman si Axel, partner kayo."

Tumingin ako kay Axel na nakatingin pala sa akin.
E sadyang di talaga ako mahilig sumayaw.

"Sige tara, tuturuan kita madali lang naman, hindi mo naman kailangang kumembot kembot noh, slow dance lang, gayahin mo ako ng matuto ka."sabi naman ni Axel.

"E?."

"Hay nako Anya, tuwing may ganitong okasyon dito natural na na may ganyan."sabi ni Mace

"Hay nako sige na nga ng matapos na ang usapang ito, di mo naman kasi ako tatantanan Mace ei pag di ako pumayag."

Ngumisi siya. "Mabuti at natuto ka na. Sige na tayo na at ako ay hahanap pa ako ng partner ko ewan ko dun sa escort ko bigla nalang nawala."saad ni Mace saka tumayo na at umalis.

Iginiya ako ni Axel sa gitna ng hall, marami ng estudyanteng nagsasayawan, e kasi naman nakakahiya ei feeling ko lahat ng magpartner dito magjowa, mukhang siyang siya pa sila sa romantic songs.

Inilagay ni Axel ang mga kamay ko sa balikat niya saka humawak naman ang dalawang kamay niya sa bewang ko.

"Gayahin mo lang ako Anya, sumabay ka sa akin."sabi ni Axel saka nagsimula na siyang humakbang pagilid, left foot, right foot kaya ginaya ko rin, sumabay ako sa kaniya.

Madali lang naman pala siya, masyado lang akong oa para di subukan to.

"So bat ka natagalan dun sa banyo kanina? Di moko sinagot kanina."tanong ni Axel sa akin.

"Ha? A--- kasi ano inaayos ko pa ang buhok ko saka mukha baka pala may dumi ang mukha ko noh."sagot ko sa kaniya, ayaw kong sabihin sa kaniya na magkasama kami ni Kerron dun sa banyo baka kung ano na naman ang iisipin ng mokong na ito.

"Ah, nakita ko kasing lumabas ng banyo si Kerron nagkita kayo dun?."tanong niya at nagsimula ng kumabog ang dibdib ko.

"Hindi, kasi nga diba--- diba magkaiba naman ang banyo ng lalaki at babae? Tsaka di ko nga rin alam na nagbanyo pala siya noh."

"Talaga lang Anya ha."aniya, mukhang hindi siya naniniwala sa akin, alam kong kilalang kilala na niya ako baka di ko alam na alam niya pala ang totoo at todo deny pa ako.

After ng isang song ay titigil na sana ako ng may biglang sumingit sa gitna naming dalawa ni Axel.

"Can i have this dance miss Beautiful?."napanganga akong napatingin sa kamay ni Kyro na nakalahad sa harap ko.

"Talaga lang ha."sabi ko saka tumingin kay Axel baka nagagalit na, pero tumango lang siya at naglakad na palayo, iniwan ako ng loko kaya wala na kong nagawa kundi ang sumayaw kasama si Kyro.


Kerron's POV

Fck it! I hate this day i hate this night! Bat ba palagi nalang akong nauunahan?

"Hi babe mag isa ka yata dito gusto mo ng kasama?." kahit hindi ko na lingunin alam ko na kung sino ang tao sa likuran ko.

"Leave me alone Veron hindi kita kailangan."seryosong sabi ko.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now