Scene 8- Anee and the Boys!

52.6K 406 45
                                    

This chap is dedicated to Glythsho. Kasi isa siya sa mga loyal alien :))

----------------------------------------------------------------------------------------------

Action 7- Si Anee and the Boys!

"Where did you guys go?" pambungad na tanong ni Kiev kay Storm dumating sila galing sa pamamalengke nila.

Tulog pa kasi ito nang umalis sila, kaya naman hindi na sila nagpaalam pa dito.

"This.."

At itinaas nito ang bitbit na bigas..na ngayon lang napansin ni Kiev. At sa pagkakita niya dito, tiningnan niya si Storm na para bang tinubuan ito ng pangalawang ulo.

"Man! You went grocery shopping? The Storm Montecarlo actually carry a ten-kilo rice?" sambit nito na para talagang hindi makapaniwala.

Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sabihin mong ang isang Storm Montecarlo, sikat at mayaman, nag-grocery kasama ang kanyang maid at siya pa ang nagbit-bit ng ibang pinamili nila. Kahit sino mahihirapang maniwala, kahit pa nasa harap na ang ebidensya tulad ni Kiev.

At habang nakataas parin ang bitbit na bigas ni Storm, bigla naman siyang nabangga sa likod ng papasok na Aneehilation. At..

*Kaboooggghssshhh*

Nabitawan ni Storm ang bigas at dumeretso naman ito sa precious paa niya.

"Aneestazia!!" sigaw nito sabay luhod dahil sa sakit na nararamdaman dala ng bigat ng bigas na nakadagan dito.

"Hala sir! Pasensya na ka..wala nako gi tuyu sir (hindi ko sinasadya). Wala' man siguro na buslot (nabutas) ang bugas diba?" sabi niya at lumuhod din para tingnan kung nabutas ba ang lalagyan ng bigas.

Bigla namang napahinto si Storm sa pagpapaypay sa paa niya at tiningnan si Anee na ngayon ay karga-karga na ang precious na bigas papasok sa kusina. Si Kiev naman biglang natauhan at humagalpak ng tawa.

"Man! Kakaiba talaga si Anee. Instead of checking on your swollen foot, she cared more about the rice." sabi nito habang naluluha na sa tawa.

"Stop laughing Kiev, my foot hurt!! Im really gonna aneehilate that alien!" galit na pahayag ni Storm.

Tapos, iika-ikang naglakad papunta sa living room. Kasunod naman niya si Kiev na hanggang ngayon pinipigil parin ang sarili para hindi matawa.

"Oh man! You're just mad because she cared more about the five hundred worth of rice rather than your five million foot. Nakakatawa lang pano siya aligaga sa pagcheck kung may butas ba ang plastic at hindi man lang niya napansin ang paa mo na nahulugan." patuloy parin ni Kiev na ngayon ay tumatawa na naman.

"Kiev, I said stop laughing man! This is not funny!" singhal niya kay Kiev na ngayon ay naka-upo narin sa katapat niyang couch at tinitingnan ang namumula niyang paa.

Papalabas naman si Anee mula sa kusina at may dala dalang maliit na palanggana na my bimpo at yelo. Tska sumalampak sa paanan ni Storm.

"Sir, akin na imong paa." sabi nito at kinuha ang paa ni Storm at nilagay sa palangganang puno ng yelo.

"Ahhh! Aneestazia! Gusto mo bang mamatay na talaga ang paa ko? Hinulugan mo na nga ng sampung kilong bigas, ngayon naman ibinabad mo pa sa yelo!!" galit na sigaw niya kay Anee sabay tayo at lakad papalayo sa dalawa.

"Arrgghh! Im gonna die sooner here!!" galit na sambit parin nito sa sarili habang papanhik na sa taas at doon na lang niya gagamutin ang paa.

Mataman namang nakamasid ang dalawa sa kanya. Si Anee na takot na takot at si Kiev na mamatay na yata sa kakatawa dahil sa tantrum ni Storm.

I am Maid for you, Sir! (Montecarlo Series: Book 2)Where stories live. Discover now