Chapter 1

48 3 8
                                    

Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa kanya! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ni hindi ko nga alam kung mahal din ba nya ako ehh. Ano ang meron say at ganito na lang ang pagkahumaling ko sa isang tulad nya. Nakita ko lang naman sya sa may school. Tsaka kilala lang naman sya sa buong school naming. She is the leader of the cheerleading squad sa school namin. Isa lang rin naman sya sa mga mamayamang pamilya dito sa lugar namin. At wala pa syang boyfriend. *sigh* maganda din sya. In fact, sobrang ganda nya. Para syang anghel na nahulog mula sa langit. Grabe *sigh*.

"Hoy!"

"Ay anak ka ng nanay mo! Leche ka Alex! Ano ba? Tsk!" makapanggulat ehh. Kaurat pwe!

"Lumuluwa na yang mata mo kakatitig kay Kristine oh! Hahaha! You should've seen your face, dude. Oh man, it was epic. Hahaha."

Sinimangutan ko na lang sya. Eh ano naman? Mahal ko yung tao eh.

"Eh ano naman? Ha? Tss. Ano bang kelangan mo at para kang kabuting nasulpot dito?" mejo kumalma na ko.

Bigla syang natahimik sa tanong ko. Parang alam ko na. "Mm, alam ko na. Yung Mama mo na naman noh?" nagpakawala lang sya ng buntong hinanga tas sumandal sa puno. Nasa school grounds kase kami. "Nag-away na naman ba sila ng papa mo o kayo ang nag-away? Hay nako dude, hayaan mo na lang muna. Lilipas din yan." Tinap ko sya sa balikat at nag-smile.

Ilang minutong katahimikan ang lumipas.

"Dude," nilingon ko sya nang bigla syang magsalita, "nalapitan mo na ba yang si Ms Lascano?" binalik ko yung tingin ko kay Kristine. Nilapitan sya ni Henson. Yung captain ng varsity.

"Hindi pa. Eh pano naman?" tanong ko pabalik sa kanya habang nakatingin pa rin sa dalawa.

"Ano ba kase yang Henson Park na yan na wala sa'yo at hindi ka makalapit-lapit sa girl of your dreams?" nagkibit-balikat lang ako kahit na alam ko ang sagot.

Si Henson Park kase ang anak ng part-owner ng school na'to. Mayaman din sya tulad ni Kristine. Ako naman, 'di gaano pero nakakaya naming bayaran nila Papa ang tuition ko dito. Nag-iisang anak lang din kase ako. Actually, pinsan ko yang si Henson. Ang kaso nga lang, mas pogi ako, hindi ko lang pinapakita.

"Diba, magpinsan kayo, dude? Park maiden name nang mama mo diba." tumango ako nun sa tanong nya. "Di kayo close? Hahahahaha." at nakuha pa nyang tawanan ako ahh.

"Eh ikaw? Ba't hindi ka makalapit kay Rachel? Hm?" sya naman ngayon ang sumimangot. "Hoy, Ken na amoy lupa, hindi ako ang usapan dito. Tsk sira ulo ka." natawa na lang kami sa pinagsasai namin sa isa't isa.


Nakalipas ang 3 oras ng pagtambay sa school grounds ay umuwi na rin kami.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


panget ba? >,<V sorry po~! ngayon ko lang kase ginawa to. kung may typos and errors mamn kayong nakita/nabasa, wag kayong mahihiyang saihin sa'kin para ma-edit ko. and don't forget to please VOTE AND COMMENT your thoughts and feedbacks sa story ko :) feel free to point out my mistakes para sa susunod masasyos ko. thank you! ^_^

xoxo~

keith_Kat :)


One Sided LoveWhere stories live. Discover now