Chapter 11: "Early Morning Flashback"

1.3K 54 0
                                    


Nagising si Mikha ng madaling araw dahil sa paggalaw ng katabi niya. Bahagya itong nagulat ng pag mulat ng mata mukha ng girlfriend nito ang nasilayan. Bigla niyang naalala na dito pala ito sa room nina Aiah natulog. Medyo nahiya naman ito kasi kasama nila ang Mama ni Aiah. Tinitigan niya lang si Aiah at naalala niya ang nangyari kagabi sa dinner party kasama ang mga magulang nila. Hindi naman mapasidlan ang kasiyahan niya ng sa wakas ay nakilala na niya ng harapan ang Mama ng girlfriend. At mas lalong grabe ang tuwa sa puso niya ng makitang magkasundo ang Mama nito at mga magulang niya.

Biglang nagbalik tanaw sa kanya ang araw na sinabi niya sa mga magulang niya ang tunay niyang nararamdaman para kay Aiah.

Flashback

(Night of Confession)

Iyak ng Iyak si Mikha sa may terrace pagkatapos ng matensyong pagtatapat niya kay Aiah. Hindi nakatiis at tinawagan ang Ama na sunduin muna siya kahit saglit. Wala pang halos isang oras anjan na ang Ama. Nagpaalam naman ng maayos Mikha sa management na uuwi muna ito sa San Juan. Hindi na rin ito napigilan ni Aiah kahit na andun ito sa kwarto nung nag aayos si Mikha na umalism

Aiah: "Where are you going?!"

Mikha: "Magpapahangin lang. Don't wait for me. Matulog ka ng maaga at baka di rin ako makauwi mamaya dito"

Aiah: "Mikhs?"

Mikha: "I need to breath Yah. I'll be back! We will talk everything if everything is settle"

Aiah: "Hihintayin kita"

Kahit pa hindi alam ng dalawa paano harapin ang kaninang pag aamin. Hindi pa rin mawala ang pag aalala nila sa isat isa.

Mikha: "I'll be back. And whatever I said earlier. I mean it with my whole heart."

Aiah: "Mikhs!"

Mikha: "Mahal kita at di magbabago yun"

Habang nakatingin ito sa mga mata ni Aiah. Tumalikod na ito sa dalaga para umalis. Nang hawakan ni Aiah ang kamay nito. Senyales na ayaw niya paalisin si Mikha. Pero bago tuluyang umalis hinalikan nito si Aiah sa noo.

Mikha: "Babalik ako.. Saglit lang to"

Kumalas ito at nagmamadali papalabas ng room nila, pababa ng hagdan, palabas ng bahay papunta sa kotse nang naghihintay na ama.

Nang makapasok ito sa kotse ay tiningnan lamang ito ni Mr. Lim.

Mikha: "Dad, want talk to you and Mom"

Mr. Lim: "Okay! Put on your seatbelt"

Tahimik na binabaybay ng mag ama ang daan pauwi. Sa may sala ng bahay ng mga Lim naghihintay na ang nag aalalang Ina ni Mikha.

Mrs. Lim: "Mikha!"

Salubong ng Ina sa anak na dumiretso sa mga bisig nito at dun na umiyak ng husto.

Mrs. Lim: "What happened?"

Tanong nito sa Asawa. Ngunit kibit balikat lang ito dahil hindi niya rin niya alam anu ang isasagot.

Mikha: "Mom I am really sorry"

Mrs. Lim: "Why Mikha?!"

Mr. Lim: "Mikha anak anu yun? Bat ka nagkakaganyan?"

Mikha: "I am so sorry I fail you!"

Mrs Lim: "May nangyari ba sa BINI house?! Anong nangyari Janna?"

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon